If you are going to look at it closely and check their similarities, malaki ang pagkakatulad ng mga taong gaya ni Quiboloy sa mga pulitiko natin dito sa Pilipinas.
Una, pareho silang merong mga taga-sunod na very loyal. Will they do illegal stuff for their boss? That idea is not too far fetched. Kaya nga very loyal sila e.
Pangalawa, pareho silang merong power over certain individuals in position. Quid pro quo yung relationship nila, pulitiko sa mga pastor at pastor sa mga pulitiko.
Ikatlo, pareho silang matatamis magsalita, kaya nga madami silang taga-sunod. Politicians on the other hand have their own "groupies" like the yellow army, the loyalists, atbp. Yung ibang mga followers na yan ay meron ding hinihintay na ambon sa mga masters nila tulad ng mga cronies, kamag-anak inc, schoolmates, friends, brods, atbp.
Pang-apat, pareho silang merong yaman, salapi at sandamukal na ari-arian at lupain. Ginagamit nila ito para lalong manatili sa kanilang kalagayan sa society natin.
Panglima, pareho silang mahilig mangako sa mga tao. At kadalasan ang mga tao ay naiiwang naghihintay sa pangakong hindi natutupad.
We may snicker at these kind of pastors pero sana matutunan din nating gawin itong pagsusuri na ito at pagiging critical sa ating mga pulitikong idol. Minsan kasi bilib na bilib ang ilan sa mga pulitiko pero hindi nila nakikita na tulad lang din sila ng mga followers ni Quiboloy, "groupies" din sila na napaka loyal sa mga political idols nila. (Kahit na merong maling nagawa yung idol nila ay they are willing to overlook these stuff dahil syempre they believe their idols can do no wrong.)
Sana magising na ang mga tao sa pagkakatulad na ito. It's okay to be a follower pero wag sana "blind" follower. Wag masyadong bilib sa mga pulitiko, pastor, atbp. Wag puro "Yes master."
Hindi lahat ng ginagawa ng mga pulitiko at pastor natin ay tama.