Kapag po nag trigger or sumumpong yung sakit nya. Eto po yung mga ginagawa nya or sinasabi nya. (Nung kahapon lang (December 28) sinumpong ulet sya)
1. Salita lang ng salita ng kung anu-ano. Tapos may time na iiyak tapos tatawa.
2. Feeling nya sobrang close sila ng Diyos. Halos puro biblical yung mga sinasabi nya.
3. Gusto nyang sirain or itapon lahat ng valuable materials (TV, mga alahas [sing-sing, relo, hikaw, kwintas])
4. One time hinagis nya yung bunsong anak nya (3 months old, nasa hospital tuloy yung baby)
Honestly kamag-anak ko yung may ganitong sakit mga co-spies. More info : Nung 12 years old sya (31 na sya ngayon), madalas syang nahuhulog (sa kalabaw or sa puno), kaya tuloy parang nabagok yung ulo nya na nag cause ng "super active meningitis", ayon sa Doctor. Kala namin noon mamamatay na sya, pero gumaling sya dun sa PGH kasi magagaling yung doctor dun compare sa province namin syempre. Then mula noong gumaling sya sa "super active meningitis" na yun (1996) hanggang noong 2007 eh okay sya. Then mga 2008, nagsimula na nga na sumusumpong yun sakit nyang ito. Sabi ng doctor may connection daw yung sakit nya ngayon dun sa naging sakit nya nung 12 years old sya. Ang nakakalungkot pa dun, sinabi ng doctor na hindi na daw totally makakaya ng gamot na pagalingin yung sakit nya ngayon. So lifetime na daw syang dapat uminom ng gamot para macontrol yung sakit na yun. Kaya pag napapadalas na hindi sya nakakainom ng gamot, dun sya sinusumpong. Gusto ko kasi talga malaman yung specific na name ng sakit. Wala naman kasing nabanggit samin yung doctor about dun.
Anyway thanks so much po sa mga nagbibigay ng idea nila. Appreciate it.