Espiya
Espiya Technology Boards => Computer Help => Internet & Networking => : Adonai November 17, 2013, 07:36:44 PM
-
hi good day co-spies. may naka experience na ba na nag dro drop yung wifi access nila? i mean laging nag re reconnect kayo sa wifi niyo? ganon kasi nangyayari saken. sa ipad,iphone,laptop etc. bumibitaw yung wifi ko. sira na kaya yung wifi tp link router ko? thanks sa mga inputs.
-
Pag wired ba connection, walang problema? Try mo muna i-reset yung router to factory default.
-
ganon din eh miski wired pero mas matindi. kasi in less than 10-20seconds nawawala tapos after 30 seconds babalik then konting segundo lang mawawala na naman. parang may nag lo loose or something. chineck ko naman mga wires eh intact naman. pinalitan ko pa nga eh. na reset to factory setting ko na sya. at inupgrade ko na rin version agad pero ganon pa din eh. so sa ngayon, pa putol putol koneksyon ko. hirap tuloy manood ng porn. hahahaha!
-
Pa check mo sa service provider mo, baka yung mismong line nila may problem or yung cable ng phone mismo pa check mo din.
-
Try mo iderekta (walang router) yung connection. Pag di nagda-drop yung connection, malamang defective na router.
-
gano na katagal ang router? that also happened sa ibang tp link router sa office. pero mga 2 years mahigit na rin kasi. pati yung wired slots, may 1 na hindi gumagana and since need ng 4 sa office, pinalitan ang router
as for the wireless signal dropping, ang usual na ginagawa para maayos is pinapatay ang router and pinapahinga then on ulit (so pag after office hours pinapatay ang router whereas dati iniiwan lang). it worked BUT sa case kasi sa office the slots for the wired connection was needed so pinalitan ang router and hindi na TP link ang kinuha, nag try naman ng ibang brand
-
3 years+ na po yung TP link router namin. pag nirekta from pldt modem to laptop eh okay naman sya. im guessing nag retiro na TP link namen. pag nawalan lang kasi ng kuryente tsaka nakakapag pahinga yung router namin eh. anyway bibili na lang ulit kami ng bago. hehehe! syempre TP LINK pa din. subok na eh. thanks co spies.
tp link wr740n version 1 owner here.