hindi naman porket hindi ka reliable ibig sabihin bobo na di ba? .. ang gusto kong ipunto hindi siya karesperespeto bilang isang presidente at wala siyang kakayahan bilan isang presidente na magpatakbo ng isang bansa
sabihin nating tama ka na siya nagpaunlad sa San Juan pero ano ba nagawa niya bilang presidente?.. iba ang San Juan sa Pilipinas
at isa pa.. halata naman dahilan ng pagtakbo niya ngayon.. it's either gusto niya gumanti or ipakita sa mga kalaban niya na angat pa rin siya
ngayon gusto mo bang maging presidente ang kandidato na sa umpisa pa lang wala naman talagang pakialam sa mamayan.. pati in the first place hindi na dapat tumakbo yan kasi nasa agreement na kapag nabigyan siya ng pardon ay hindi na siya pwede umupo sa kahit anong government position.. kung baga medyo kakapalan na lang & kagahaman na lang talaga
Basahin mo yung post mo. Ano ang main statement at ano ang supporting statements. Simple lang ang composition.
Wala pang 3 taon siya naupo bilang pangulo. Anim na taon ang termino, anim na taon para ipatupad ang plataporma. Hindi naman pagkaupo niyan, sugod na agad sa mga proyekto. Marami pang dadaanan yun katulad ng pondo (congress), bidding. Parang magdedevelop ka ng lupa.
Una, tatabasin mo muna yung mga damo. Pangalawa, maghuhukay ka para sa pundasyon. Pangatlo, sisimulan mo na itayo ang gusali.
Kung nakikita mo na paghihiganti ang motivation ni Erap Estrada, ako nakikita ko ang determinasyon para tapusin ang mga pangakong hindi siya nabigyan ng pagkakataon ipatupad.