Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Sarap Maging Senador  (Read 1867 times)

laitzu

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3254
  • Karma 23
  • Gender: Male
Sarap Maging Senador
« on: June 01, 2007, 03:10:47 am »
sa tutoo lang naman.....

Maganda rin naman ang naidudulot ng pagiging prangka ni Senador Miriam Defensor-Santiago. Ayon kay Santiago, marami ang tumatakbong Senador dahil sa laki ng budget na ibinibigay sa kanila kada buwan.

Lumalabas na P35,000 suweldo nila kada buwan ay pakitang-tao lang sa milyun-milyong budget ng bawat senador. Kada buwan, may Fixed Monthly Budget ang bawat Senador ng humigit-kumulang P2 Milyon.

Sa opisina pa lang nila ay humigit-kumulang P500,000 and budget nila sa Maintenance and Operating Expenses (Rental, Utilities, Supplies at Domestic Travels) at P500,000 para sa Staff at Personal expenses. Kaya para makatipid ang ibang Senador, kaunti lang ang staff na kinukuha nila. Nagtataka ka pa kung bakit mayroong mga Ghost Employees?

Bukod diyan, may P760,000 allowance pa sila kada buwan para sa Foreign Travel. Ang masakit pa nito, hindi na kailangang
i-liquidate ang mga resibo ng mga gastusin dyan - Certification lang ang Requirement.

Heto pa, lahat ang Chairman ng mg Komite sa Senado ay tumatanggap din ng budget na sinlaki ng tinatanggap ng mga Senador - humigit-kumulang P1 Milyon din! Hindi sila mawawalan ng Komite dahil 24 lang ang ating mga Senador at 37 ang Committee sa Senado. There's food for everybody 'ika nga! Lumalabas na doble ang kanilang benepesiyo at kita kapag sila ay nabiyayaan ng Committee Chairmanship.

Sa P200 milyong Budget para sa Pork Barrel ng mga Senador bawat taon, awtomatiko ang 10% na S.O.P. o kita ng Senador -P20 milyon! Ito ang porsiyento na ibinibigay ng mga kontratista sa mga Senador na nagbibigay sa kanila ng mga Infrastructure at Livelihood Project.

Bago matapos ang termino ng isang Senador, kumita na siya ng P100 milyon sa Pork Barrel pa lang. Yung ibang Senador mas gahaman, hindi lang 10% kundi 20 - 30% ang komisyong hinihingi sa mga kontratista.

Pansinin niyo na lang ang pagbabago ng buhay ng ilan sa ating mga Senador simula nang manungkulan. Kung dati ay simple lang ang kanilang pamumuhay ngayon ay nakatira na sila sa mga eksklusibong subdivision, maraming bahay sa Pilipinas at abroad at mahigit lima ang sasakyan.

Ngayon, nagtataka ka pa ba kung bakit gumagastos ng daan-daang milyong piso ang mga Senador sa kampanya para sa isang posisyon na P35,000 lang ang suweldo kada buwan? Bawing-bawi pala ang gastos kapag naupo na!




Get $50 to start/Earn up to $20/day/Earn $5 per referral


onin

  • onin ang itawag mo sa akin
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 741
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • matalino man daw ang matsing;matsing pa rin!
Re: okay Maging Senador
« Reply #1 on: June 01, 2007, 03:16:55 am »
kawawa nman c pichay laffman:: panu nya kaya mababawi ang gnastos nya noong eleksyon? ??? ???

Uncle_bob

  • The Rasta Man is back!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1728
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Ano ka sabog?!
Re: okay Maging Senador
« Reply #2 on: June 01, 2007, 03:19:32 am »
Parang na post nato... dude kinopya mo lng ba to?


laitzu

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3254
  • Karma 23
  • Gender: Male
Re: okay Maging Senador
« Reply #3 on: June 01, 2007, 03:22:01 am »
Parang na post nato... dude kinopya mo lng ba to?

forwarded email lang pre..nagsearch naman ako dito kung me napost na...negative naman...mods kung posted na padelete na lang please..
Get $50 to start/Earn up to $20/day/Earn $5 per referral


RoeNoz

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 739
  • Karma 166
  • Gender: Male
Re: okay Maging Senador
« Reply #4 on: June 01, 2007, 03:23:56 am »
kawawa nman c pichay laffman:: panu nya kaya mababawi ang gnastos nya noong eleksyon? ??? ???

Mayaman yan c Pichay. May ari dw yan ng tabloid sa manila. Tyak makabawi un. D rin nman cguro personal na pera nya ang gnamit nya. C palace pa rin yan. At di natin alam ang PCSO, baka source din yan ng Pera nla.

Ala tlgang nagwa c Pichay khit sa pagiging congressman nya. Khit pagpasemento ng daan sa surigao del sur, d nya napagawa. Kapal ng mukha yang c pichay. Kya khit sa municipal namin talo yan.

Dpat dyan lutuin na.  ;D

wildecox

  • Merry Christmas!
  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 392
  • Karma 0
Re: okay Maging Senador
« Reply #5 on: June 01, 2007, 11:37:13 am »

dapat talaga matanggal na yang pork barrel na yan.


el cabronâ„¢

  • Reigning Metalhead
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1125
  • Karma 59
  • GONE BUT NEVER FORGOTTEN
Re: okay Maging Senador
« Reply #6 on: June 01, 2007, 11:41:44 am »
kawawa nman c pichay laffman:: panu nya kaya mababawi ang gnastos nya noong eleksyon? ??? ???

mgtanim sya ng pichay sa ibang field.wag na sa senado.bka sakaling mkkbawi sya sa knita nya dun! ;D

Y O U R   U L T I M A T E     S O U R C E     O F     E V E R Y T H I N G     B R U T A L     I N     M E T A L!!!

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: okay Maging Senador
« Reply #7 on: June 02, 2007, 02:17:23 am »
ganun pala yun...... nice info.......  bnana bnana bnana bnana bnana