Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko  (Read 2009 times)

joeyances

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 264
  • Karma 0
kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« on: March 21, 2007, 04:06:42 am »
mga ka spy, gusto ko lng ilabas itong opinion ko nuh.
i watch last night the correspondent about the corruption sa atin bansa. Matagal na tlga ang problema yan, sa totoo lng kahit sa atin mga votante ang solusyon sa problema iyan na tuwing eleksyon tayo makakabawi sa kanila, hindi pa rin sapat dahil sa kapal ng mga mukha ng mga pulitikong ito.

Just emagin 70 million pla ang pork barrel ng mga congressman, mahilig sila gumawa ng project sa kanilang distrito, upang may maibulsa na nman sila. Buti sana kung ang mga project nila ay mapapakinabangan na ng mahabang panahon, pero ang problema pa ay every term ng kanyang panunungkulan ay pinapagawa nya as the same project, ibig sabihin plagi nasisira ang proyektong iyon dahil tinipid sa budget, pero over pricing nman ang project. Ganyan ang nang yayari sa mga probinsya. Sana turuan natin ang mga magulang natin at kamag anak sa tamang pag boto at wag na sana manalo ang dating opisyal na corrupt.

Ang hirap nman sa atin pilipino ay kung sino plagi ang opisyal sa ating gobyerno ay siya ang lagi nananalo sa eleksyon. At ang isa pa ay utang na loob natin sa kanila ang proyekto na ginagawa nila na wala nman pkinabang.

Ang political dynasty, hindi na mawala sa atin pulitika, sana nman sa susunod na henirasyon ay makunsyensya nman ang mga pamilyang ito.

Just emagin na lng na sana ang pork barrel ng congressman ay napupunta sana sa maganda proyekto, gaya ng pagtatag ng cooperatiba, upang maka pag negosyo ang mga nasasakupan niya, e d sana may trabaho sa mga probinsya. Hindi ang proyekto ni congessman na mag pagawa ng 4 na basketball court sa isang barangay. Kalsada na bako bako ang daan pagkatapos ng isang taon dahil sa tinipid na budget at over pricing pa. At marami pang proyekto na naka tiwangwang na lng at hindi mapakinabangan.

Ang Masakit pa ha, majority ng congresman pla sa atin ay hindi sumang ayon na sumailalim sa transparent ng anti corruption, ng pork barrel watch. Kapal ng mukha e.

May kasalanan din tayo siguro, nagagalit tayo noon ipinasa ang e-vat sa congreso, yap nakakainis nga, pero ibinoto natin ang the same person na sila rin ang makikinabang. Isipin nyo na lng, na baka kalahati ng kanilang pork barrel ay naiibulsa nila o 1/4 nito, maliit lng siguro ang utang nang ating bansa natin pag wala tlgang corruption, hindi na sana ipanatupad ang e-vat na yan.

Hindi lng si Congressman ang corrupt official, maging ang mga mayor sa lungsod at kanayunan.
Isa na siguro ito mayor ng Makati, marami nga sya nagawa sa makati, pero ang mga proyektong ito ay over pricing. Hindi daw mapatunayan pero, noon nagtanka ang umbudsman na imbistigahan sya at nakitang may proweba, ayon ginawang human shield ang supporter nya. Sabi pang gigipit ng administrasyon. Yan ang mahirap sa atin, utang na loob natin ang kanyang proyekto. May isa ako kakilala tga makati at sabi ay ok na ang mayor nmin, basta ang mahalaga may maganda proyekto sya at nakakatulong. Ang senyor citizen libre sa gamot at sine, may allowance pa. Oo doon na tayo, kaya lng marami pa rin wala trabaho sa makati, marami ang addict sa makati. Dahil nga sa walang trabaho. Sana ang mga nawalang pera dahil sa over pricing na proyekto, ay inilaan na lng sana sa mapag kakakitaan o hanapbuhay ng mga tga makati, bilib na sana ako, pero ang problema may good things and hidden agenda naman. Sana puro good things na lng noh.

Kaya ako naghihimutok ng ganito dahil hirap ako magbayad ng buwis, ganito din pla ang ngyayari. Previous work ko noon mantakin mo ang kinakaltas sa kin ng witholding tax ay halos kalahati na ng sweldo ko. Buti sana kung madali maghanap ng trabaho sa pilipinas, diba.

Ang naisip ko nman paraan ay kung wag muna tayong bumoto ng opisyal, dba pra wala corrupt. Sacrifice the right to vote, NGO muna ang mamono sa atin. Bka maganda ang mangyari

kelan kaya tayo makakabawi sa pulitiko ito.
 
« Last Edit: March 21, 2007, 05:01:24 am by joeyances »
what do you think

juicyjewel

  • Certified SpyGirl
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 316
  • Karma 56
  • Gender: Female
  • A Certified SpyGirl
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #1 on: March 21, 2007, 04:09:42 am »
lamunin muna sila ng lupa and start over.

then let's see if there is hope for the philippines.
Y!M = joosy_joowel
send me your XPEEPS.

micyehey

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1039
  • Karma 11
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #2 on: March 21, 2007, 04:46:18 am »
yun nga ang nakaka inis sa pilipinas!!! hindi man lang na concencya ang mga politiko na yan!!!pana'y pangako!!! sana gamitin ng masa yung utak sa pag boto hindi lang dahil idol nila yung boboto nila!!! hindi pa din ako nawawalan ng pag asa sa pinas!!! at least kahit papano unti-unting na kikita ng mga tao yung corruption at darating din yung panahon na matatakot na din yung mga pulitiko na kurakot tumakbo dahil alam nila hindi sila mananalo kasi alam na ng taong bayan yung corruption nila. sana lang mas mapa bilis yung proceso para naman umunlad na tayo!!! opinion ko lang po yun.......  toast::

el cabron

  • PINOYSPY MADE ME DO IT!
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 665
  • Karma 12
  • GONE BUT NEVER FORGOTTEN
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #3 on: March 21, 2007, 05:53:08 am »
ugali n tlga ng pulitikong Filipino yan.d na matatangal sa dugo nla ang pagiging gnyan.
ang mabuti pa ipagdasal nlng ntin na may pag-asa pa.yayaman pa tau sa kabutihan.
hehehe!  ;D

YOUR SOURCE OF EVERYTHING METAL!

emmahrc

  • "Párese derecho y apunte bien, va usted a matar a un hombre..." -Che Guevara-
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 41
  • Karma 1
  • "Hasta La Victoria Siempre..."
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #4 on: March 21, 2007, 08:16:39 am »
Yan ang struggle of life inside a democratic society especially sa hindi pa gaanong katatag na demokrasya gaya ng pilipinas. Corrupted culture and politic is the worst event in a society practicing democracy on a first stage. remember bago tayo naging democratic dumaan tayo lately sa dictorship era (Marcos Regime). And yet, naabuso ang power of an individual inside a dictatorship society and nagkaroon ng transition papuntang democracy? why democracy instead of aristocracy (rule of the few)? because simula pa ng tinulungan tayo ng U.S. sa mga guerilla's during japanese invasion era... halos di lang tayo nagkaraoon ng colonial mentality sa culture kundi pati na rin sa politics. In-adopt natin ang democratic rule of government... meaning power of the majority. but then, economically problem arises. Since we are leaving in a democratic country same as the western countries... ng magkaroon ng globalization sa economy, sino ang magtake-advantage sa open-economy? tayo na nag-uumpisa pa lang ma-develop ang economy in a democratic regime o ang other countries especially the U.S. who were practicing democracy for a hundred of years? Ikaw ba Uncle Sam papayag makipalitan sa akin ng coconut products with your high tech. military weapons with the same price and quantity?

     "Maililigtas lang natin ang ating bansa sa kahirapan kung ang bawat isa sa atin ay kagaya MO...!" hindi lang sa paraan ng pagboto (suffrage) ang demokrasya kundi sa pagligtas ng kamangmangan natin sa bawat mga pangyayaring nagaganap...  psrulez::
"Self-interest by Man's nature is the most among his unsatisfied wants..." -MIB-

Hirochi

  • Tsk! Tsk!Tsk! Tsk!Tsk! Tsk!Tsk! Tsk!Tsk! Tsk!
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 692
  • Karma -3
  • Gender: Male
  • -=Im Here to Share=-
    • Do Visit Spytamers Site
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #5 on: March 21, 2007, 08:56:38 am »
Dapat kasi tangalin na ang mga kurakot na tao eh. yun lnga tlga ang pagasa ntin pra mka bangon..

Van Wilder

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 609
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • MVP
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #6 on: March 21, 2007, 09:30:09 am »
Wag na kaung umasa pa na magbabago ang Pilipinas. Talagang ganito na tau.

-Anti-BAYOTicâ„¢-

  • can2terorist PARACETAMOD MEDJAKOL
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1874
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • Basta count to ten laang ng count to ten
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #7 on: March 21, 2007, 10:17:59 am »
bkit hinde nlang kaya ntin gayahin ang MAINLAND CHINA? they are very productive. Wala ang niisang tambay..at kung magkasala ka kahit ordinaryong mamamayan o politiko ka...FIRING SQUAD..isang linggo lng ang proseso isang linggo ang apela tpos na....With regards sa mga politiko nila..they resign for there shame eh dito? Ayun magdedemanda pa ng LIBELO kahit malakas ang ebidensya..tsk tsk PHILIPPINES,PHILIPPINES,PHILIPPINES,kelan ka kaya magbabago?
Awake to righteousness,and do not sin; for some do not have the knowledge of GOD 1 corinthians 15:34


joeyances

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 264
  • Karma 0
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #8 on: March 23, 2007, 03:03:55 am »
mga ka spy salamat sa pag babasa nyo ng topic ko ha, kaya lng ako nanggagalaitin d2 ksi hirap ako mag bayad ng taxes... ay sana makusyensya nman sila.

Khit papa ano ok rin pla ito si Lacson eh, dahil sya lng ang hindi kumukubra ng pork barrel, yon nga lng pag may humihingi kaya ng tulong sa kanya binibgyan nya kaya? May mga project rin sya kaya... Sana nga ganun sya, bihira ang k2lad nya?
what do you think

juicyjewel

  • Certified SpyGirl
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 316
  • Karma 56
  • Gender: Female
  • A Certified SpyGirl
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #9 on: March 23, 2007, 11:06:10 am »
Wag na kaung umasa pa na magbabago ang Pilipinas. Talagang ganito na tau.

i'm afraid that i am at the verge of believing this.
Y!M = joosy_joowel
send me your XPEEPS.

aktibista

  • REBEL WITHOUT A CAUSE
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 30
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #10 on: March 23, 2007, 11:16:09 am »
habang andyan yung mga oppurtunistang dayuhan at mga pulitiko wlang inisip kung hnd kapangyarihan wlang magbabago sa pilipinas..  smoking:: rebolusyon!  gun::






Protesting against the American-backed military regime and the war destroying their country


excon

  • Penitentiary Chief
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1746
  • Karma 18
  • Gender: Male
  • "hey fish! welcome to Prisneyland!"
Re: kailan kaya tayo makabawi sa mga pulitiko
« Reply #11 on: April 10, 2007, 09:15:29 am »
wala akong maisip kung paano tayo makakabawi sa kanila.. hayaan na lang natin ang Diyos at konsensya nila ang umusig sa kanila..