yep... same thing here... kung local posts lang gaya ng councilor, vice-mayor at mayor, pwede siguro... pero kung sa congress at lalung-lalo na pag national posts, wag na kayong mag-ambisyon... tingnan na lang natin si bong revilla, lito lapid at kahit na sila ramon revilla at robert jaworski, walang ginawa kundi bumutas ng upuan sa senado... si jinggoy at loi, ginawang entablado ang senado para balikan ng balikan si gloria... para bang si gloria ang may kasalanan kung bakit nakakulong si erap... isa pa tong si richard gomez, tatakbo rin... naunang lumapit sa kampo ni erap, pero nang makatunog na hindi siya isasama sa line-up biglang tumalon sa kabilang bakod, hehehe, binasted din... pagpapatunay lang na walang prinsipyo ang taong to, dun siya sa grupong magsusulong ng sariling kapakanan niya, e ang problema, walang kumupkop, kahiyaan na kaya hindi maka-atras kaya tumakbong independent... pakiusap sa mga spy... wag ninyong iboto ang taong ito...