mukhang magtatayo ka ng pc shop ah,
kung gagamit ka ng server o yung pc na panggagalingan ng lahat ng internet connection, e switch lang ang kelangan mo , utp cables at mga rj45 na kinakabit sa magkabilang dulo ng utp cable ,
kung di ka naman gagamit ng server ay bumili ka ng router at switch kasama na rin ang utp cables(sukatin, mula sa bawat pc hanggang sa switch) at mga rj45 (numbers of pc x 2), kung saan tatayong internet server ang iyong router na kokonekta sa isp mo at ikakalat naman ito ng switch sa lahat ng pc ,
tatak ng router at switch?: dlink o kaya linksys, magkaiba nga lang ng presyo, may iba pa ring tatak pero yung dalawang nabanggit medyo subok na
tapos configure na lang ang router para kumonekta sa isp mo, tapos ayun na, may internet ka na , may konting bubutingtingin nalang sa network connection mo para ma enable ang file sharing , mga lan games etc.
sa mga configuration sa router at sa mga file sharing, sigurado ako alam yan ng mga nagkakabit ng dsl, kaya kung naguguluhan ka, sa kanila mo ipagawa, libre lang yun, trabaho nila yun e , hehe, pero yung pagnenetwork tulad ng paglalatag ng kable e ibang bayad na yun
good luck sa iyong bubuksang business
sana medyo nakatulong ako ng kaunti kung pano magnetwork