Bwisit talaga yang mga taga fire department na yan, may nag inspection lang dito kamakailan sa shop namin, pag dating nila hinanap ang mga fire extinguisher, sa likod bahay lang namin, may factory ng mga fire extinguisher, syempre, dahil kapitbahay at dahil madami akong binili, binigyan ako ng discount sa mga class A pa nilang fire extinguisher. Eto na, nag inspection ang mga magagaling at mga swapang na inspector ng fire department naka kuntodo uniporme at ID pa. Ininspection ang shop ko na dapat daw ay may 2 na green na fire extinguisher, dahil syempre, meron ako at naniguro bago sila mag inspection pinakita ko ang 5 na green fire extinguisher na binili ko. Aba, ang mga inspector, nagtaas ng boses! Ang sabi, illegal daw ang mga extinguishers ko dahil hindi daw sa kanila binili, dapat daw may tatak ng departamento nila ang mga tangke at may tag ng opisina nila ang mga ito. Nag init na din ang ulo ko at nakipag taasan na din ako ng boses sa mga hayok sa pera. Ang sabi ko, bakit po? ano ba ang problema sa mga fire extinguisher ko? 2 lang ang hinahanap nyo at lima itong pinakita ko. Anong apoy ba ang hindi kayang patayin nitong mga binili ko sa factory na kayang patayin ng dala nyong mga mas maliit pa na tangke na merong tag price na 3.5X sa pagkakabili ko. Para sa akin, mas makakapatay ng apoy ang mga gamit ko kumpara sa mga binibenta nila. Ang sagot ng isang bigoteng beteranong bombero, kung di ka bibili sa amin ng fire extinguisher, hindi marerelease ang papel at permit mo sa fire department, kasi pag sa amin binili sigurado ka na mabisa ang laman kesa sa mga nabibili sa labas. Nag init na ang ulo ko, sumagot na ako. Sabi ko, kung gusto nyo, testingin natin one on one ang mga extinguishers, punta tayo sa tabing bakod, (open yun, maluwag at panay damuhan.) unahan tayo sa pag patay ng apoy, gamitin mo yang dala mong maliit na pag kamahal mahal at gagamitin ko itong malakeng binili ko sa factory na sinasabi nyong mahina ang timpla. Sila naman itong nagalit at pasigaw na sinabi, ang dami mong alam ha, wag ka lang sana masunugan at maski tumawag ka sa fire department e walang tutulong sayo. Ang pinakamalaki lang nyang pag kakamali ay nakatapat sya sa CCD camera at nakarecord lahat ng boses at galaw niya. Buti na lang, kinaumagahan, may ibang inspector na dumating. Pag inspection, ayun, pirmado naman agad ang permit ko at wala namang setsebureche. Yung plano kong ireklamo ang naunang grupo ay di ko na tinuloy, basta sa akin, may hawak akong ebidensya ng kanilang pasimpleng pagnenegosyo na gamit ang fire department na dapat tumutulong sa mga mamamayan ng walang hinihinging kapalit o bayad.