share ko nalang sayo tong experience ko
4 years ago somewhere in pinyahan quezon city sa may east ave may project ako na building and one day sinama nung kliyente ko sa site yung Jesuit Priest sa ateneo na kaibigan niya, at nung araw rin yon hapon nabigyan kami ng chance na mag usap at sinabi ko sa kanya na isa akong atheista at hindi ako naniniwala sa Dios sabi ko okay na ako sa isang lifetime then biglang sinabi nya, ""okay baka nga totoo ang sinasabi mo ika niya, pero hindi ito issue kung sino sa atin ang tama, totoo na maaring sapat na ang sang lifetime para sayo kung namuhay ka naman ng matiwasay PERO may mawawala ba sayo kung aasa ka na sa kabila ng lahat ng ito ay merong HOPE na lahat ng nangyaring ito sa iyo ay maipagpapatuloy mo sa darating na buhay? na may pag asa ka na lahat ng mga taong mahal mo ay makikita mo pa sa darating na panahon? wala akong cardboard cut out knockdown proof laban sa mga argument mo iho, sabi nya,at wala rin akong kakayahan para makipag patalinuhan sa syensya sa matematika sa iyo, isa lang akong jesuitang pari pero may PAG ASA ako balang araw na itong magagandang bagay na ito ay magpapatuloy, yun ang sinabi nya sa akin, nayanig ang pagkatao ko at yun ang dahilan kung bakit nagbalik loon ako sa DIos nung narinig ko yung sinabi nya bilang isang batang arogante na akala ko alam ko na lahat, bakit mo nga naman idedeprive ang sarili mo sa HOPE or pag asang yon which is the main reason bakit tayo lumalaban sa buhay ngayon, malaki ang nabago non sa paniniwala ko kahit na hanggang ngayon mayabang parin ako,kaya ang punto?bilang isang Kristyano kailangan mong sundan ang turo ng Dios, at alam mo na ang susunod mong gagawin