Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Bakit may mga Pinoy na nag-iingles kahit kapwa Pinoy ang kanilang kausap?  (Read 3950 times)


nald

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1158
  • Karma 0
  • The
yeah. me two. i don't understanding these one.
The Gods envy us. They envy us because we're mortal, because any moment might be our last. Everything is more beautiful because we're doomed. You will never be lovelier than you are now. We will never be here again.

monkey d luffy

  • GearThird
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1057
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • eslupmi d rorepme
thats the reason why most pinoys dont, because they will be scrutinized for speaking a foreign language. . .
an invisible communication hurdle. . .    i say why not
A man never needs a reason to wear a suit


sweetbayag2

  • mahirap labanan ang katamaran, nakakatamad kasi
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4211
  • Karma 53
  • Gender: Male
    • wag ka makolit, pumpyangen keta jan eh. . . .
can you repeat the question? : in english please! jakngamaawatan  ::inlove
ang pagbabalik http://pickourbricks.com
http://stores.ebay.com/pickourbricks
di nako bastos, negosyante na po ako

nald

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1158
  • Karma 0
  • The
Wala naman sigurong masama kung gusto lang mag improve ng kanyang pananalita sa english ang isang tao...

ang mas nakakahiya kamo ay yung mga taong piangkakaila na hindi sila pinoy.

may na encounter na kasi akong isang Pilipino sa high school dati sa ibang bansa. Tinanong sya ng kasama ko kung Pinoy sya, pinagkaila ba naman... eh yung itsura nya e mukhang taga manila zoo naman tapos yung accent pa ay sobrang thick.

Tapos mag 2 years pa lang naman sya sa ibang bansa... Langya yun. Pero okay lang at hindi naman sya kawalan sa ating pinoy at mukha naman syang bagong gising lagi at hindi naliligo.
The Gods envy us. They envy us because we're mortal, because any moment might be our last. Everything is more beautiful because we're doomed. You will never be lovelier than you are now. We will never be here again.

bogli_guy

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 535
  • Karma 15
In my opinion, PRACTICE, pangalawa kung minsan mas maigsi iexpress ang ilang bagay gamit ang isang dayuhang pananalita.Whew hirap ah,hehehe. ::drool laffman:: toast::

latertdz

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 391
  • Karma 0
likas na s 1 pinoy ang magsalita ng english, lalo na at nagaral sya s 1 exclusive school.

kakashi915

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 693
  • Karma 4
perhaps they use to it.....not a big deal for me,unless there english is so bad so!!!! better speak in tagalog^_^....as long na carry nila mag english why not???? ;)

popeye1981

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1062
  • Karma 2
Not a problem.  Everybody in the world want's to learn English.  It's good to feel you would know several languages that adds power.... toast::

edjaydaya

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 612
  • Karma 3
  • Gender: Male
noong panahon ng mga amerikano dito sa ating bansa marami sa atin ang natuto at nag aral ng wikang inglis para sila ay maintindihan at makaintindi sa pakikipag usap sa mga ito, isa ito sa mga paraan para makahingi at maging pabor sa mga puti, wasak ang ekonomiya ng ating bansa noon dahil katatapos lang ng digmaan at ang mga amerikano ang may hawak ng kapangyarihan kaya ang ating mga ninuno at pilit na nag aral at tinuruan ang kanilang mga anak ng wikang inglis kahit ito pa ay baluktot kaya hanggang ngayon ang mentalidad na ito ang nagtutulak sa karamihan para ipakita ang narating na kakayahan o antas ng pinag aralan.

Saint Lucifer

  • I love you more than Jesus!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 357
  • Karma 2
  • Gender: Male
  • I feel shame as a minor action
Hindi naman masama kung pareho kayo nagkakaintindihan.

Ang nakakainis yung gumagamit ng Taglish. Akala mo kung sinong sosyal pero sa totoo lang hindi nila kayang magsalita ng derechong Tagalog o English.

By saintlucifer at 2010-02-17

Don

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 591
  • Karma 2
May binisita akong pasyente, home health (hospice) nurse ako, yung caregiver pinay, eh di siempre mas happy ako kasi kababayan. sa harap ng pasyente english ang usap namin pero nung kami na lang dalawa nagtagalog na ako kasi siempre noypi kami pareho, aba eh ako tagalog salita ko, siya english eh di nag english na din ako. ang tigas ng dila niya pero ok lang naisip ko lang siguro gusto masanay mag english wala pa kasi siyang 1 year dito.

batang espiya

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 842
  • Karma 3
  • Gender: Male
  • Breast milk is BEST for babies up to 75 years old
May mga instances din na minsan, lalo na yong mga taga probinsya (hindi lumaki sa NCR) ay mas kumportable o mas na e-express nila sarili nila or mas magaling sila mag-english kaysa sa tagalog.... or maybe minsan nahihiya sila mag-Tagalog kasi feeling nila, pagtatawanan sila...

may mga kaibigan akong Bisaya na mas prefer nila mag-english kesa tagalog.... may mga Ilokano rin akong na encounter na ganito....

Ang nakaka-bwiset lang yong mga katulad nila Kris Aquino at Ruffa Guttierez :

"Can you make kwento...."

"You're so kulit...."

Parang ang sarap sabihan ng mga to ng : "Hoy B*tch! Umayos ka nga... Wag ka masyado maarte... Mamaya i-kick kita dyan in the face eh...."  LOL  ;D
You can't seee me!!!

nindya_turtol

  • 2008 Guardians
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 273
  • Karma 4
I'm not graduation... i english only tiny..  ;D

voyager_

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2717
  • Karma 34
  • Gender: Male
  • ROG Strix GL753-VE
    • "The Iglesia Ni Cristo"
ok lang yan basta diretsong english. practice ba kasi karamihan na sa mga kababayan natin ay ibang bansa na ang pinapantasyang destinasyon.

kanya kanyang trip yan.....

and besides kahit pa magreklamo tayo  ng magreklamo may mangyayari ba? improve your english na lang para makasabay.  toast:: toast:: toast:: toast:: toast::
Rom 1:23  At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.

foshizzle

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 90
  • Karma 0
my two cents worth...

most of the time, thru text and emails, preference ko talaga to use English for a couple of reasons:

first of which is that the arrangement of the letters/keys on keyboards are arrange in such a way to accommodate primarily the English language.  mas natural sa akin ang dating magtype ng English words than typing our own beloved Filipino Language.. and that does not mean that i love the English language more than our own, to think so based on that is just plain stupid.  it is just more convenient for me to type English words dahil most of the Tagalog words ay meron repeated letter specially vowels. the letter "A" for example. meron tagalog words na may three consecutive letter A's.

another reason for typing in English, it's also annoying to see corrections. in default settings, parati lumalabas ang mga corrections and it always seem to be an eye sore for me.

and lastly, there are things that when you say in Tagalog, negative parati ang dating and would almost always lead to misunderstandings... and part of culture na din siguro as Filipinos to be frank and straight forward kaya we would always opt to take the literal meaning of what we read.  emotions are difficult to convey thru text form.  take for example sarcasm...  i enjoy using sarcasm in everyday conversations but i find it very hard to use it in texting/emails/comments because the literal take on them would usually be negative.

so for me, it all boils down to "preference"... and to think otherwise is dumb and ignorant.  if you honestly think that people are expressing themselves in English just to impress whoever would come across what they've wrote, you gotta be shitt*n me.  what does that kind of thinking say about you?  that you are impressed by people who can speak/write good English? medyo mababa yatang batayan yun to be impressed.

"Bakit may mga Pinoy na nag-iingles kahit kapwa Pinoy ang kanilang kausap?" sa pagkakalagay ng title, you're saying it like it's a bad thing...

SORRY FOR THE LONG READ. PEACE!  toast::

P.S.  Jinojologs ng mga pages katulad nyan ang facebook. (not that i have anything against jologs... but you know what i mean   smoking:: )
"Let me never fall into the vulgar mistake of dreaming that I am persecuted whenever I am contradicted."

hyperboy25

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 218
  • Karma 3
  • Gender: Male
akala ko  ba kelangan lang sagutin ang tanong? eh bakit eksplanasyon na agad ang sinasagot po natin dyan?

Bakit may mga Pinoy na nag-iingles kahit kapwa Pinoy ang kanilang kausap?

ang sagot ko ay.

Karapatan natin mga pinoy ang mag salita o ilabas ang ating mga saloobin sa kahit anong paraan o wika na nais natin.

Kagustuhan nila yun, pede naman tayong tumutol sa kanila o pede rin tayo makigaya sa kanila.


IWARAS

  • 2008 Guardians
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 434
  • Karma 2
  • Gender: Male
  • TRAIN BY DAY JOE HOGAN PODCAST BY NIGHT! ALL DAY!
Ang sagot ko -> Kasi mas komportable sila. Ano paki mo sa long hair nila?.

Bakit may mga taong ganitong mahilig mangkutya ng ibang taO?

Ginamit pa si Rizal sa Profile Picture.
Ano nga ba yung sabi ni Rizal?
"Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa mabahong isda"

Madaming alam na lenggwahe si Rizal, pero ang tanong, ilang Filipino dialects ba ang alam nya?
Karamihan ng mga nasulat nya eh hindi naman Filipino eh, meron ba syang tula na Chavacano, Bisaya, Waray O Kapampangan?
Parang wala diba?
Eh kung hindi ka kumportable mag-tagalog o Filipino, masama ka na?
Bakit kaya hindi nalang natin hayaan kung saan kumportable ang tao magsalita?
Tsaka hindi naman Tagalog ang salita ng lahat eh, may mga tao sa Mindanao kahit sa Visayas o kahit sa mismong Luzon, na hindi marunong mag-tagalog o hindi kumportable sa tagalog.
Kung hindi nakakasakit ng tao, hayaan nyo nalang.

Tungkol dun sa ikinakaila na pinoy sya, eh baka hindi mo alam ang historya ng buhay nya.
Kung pumunta ka sa kasulok-sulukan ng Mindanao, malalaman mo na may mga tao pa ring hindi tanggap na Pilipino sila.
Kasi ang Pilipino ang mga nagpa-alipin sa lahat ng mga bansang nag-colonize sa Pilipinas.
Pero ang mga moro yung mga lumaban at halos maubos ang lahi kasi hindi sila sumuko sa mga dayuhan.
Kaya hindi nila kinokonsider na tawagin na Pilipino.
Kung hindi mo naintindihan, magbasa ka ng Philippine History.
Kung hindi mo parin maintindihan, isipin mo na tao ka lang, at maraming bagay sa mundo na hindi nyo maiintindihan.

Puro kasi "pagkamakabayan" aang iniisip nyo eh, hindi muna kayo nag-iisip ng mabuti bago kayo gumawa ng mga pages na ganyan.

dweizz

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 756
  • Karma 35
mas hindi maganda yung nagmamataas... eh ano naman kung nag english sila? di naman kayo inaagrabyado ng tao... insecure?

hyperboy25

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 218
  • Karma 3
  • Gender: Male
kung tutuusin sabi nang mga kano mas magaling pa nga tayo mag ingles kesa sa kanila.

jesstaticX

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 292
  • Karma 0
i would say there's nothing with that, it's one way of improving our communication skills.

waldoh

  • i love Jeon ji Hyun
  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 206
  • Karma 0


kasi you know naman di ba, its like kapag sometimes, to make pa-sosy the sound of kwentuhan... no! joke only! its just para masaya the conversation in a way... coz it's like astig you know...

kidding!

well nothing wrong with Filipino conversations...

English conversations...

Tag-lish conversations...


but tip though, when applying for a job (especially BPOs or Business Process Outsourcing companies and not just call centers okies?) it would be best to speak in english...

so some people might talk to friends in english to practice the language... nothing to lose... a lot to gain... speaking a foreign language (and not just American English Language) is really useful and quite advantageous for a Pinoy...

can make a living out of it...

can bring you to places...

really useful when your overseas...

enables Pinoys to enjoy US entertainment...

enables Pinoys to be tech savvy since the language ain't a barrier to new knowledge...

separates us to other countries who can't speak/understand english (i don't know if its just me but I found myself proud when watching filipina beauty queens on question and answer portions without an interpreter compare to countries that needs one...)

and a lot of other advantages :)

kaso yung iba kasi OA mag english and I know most likely yun yung aim ng TS... para sa kanilang mga OA:

Madapaka sana! (with accent) heheh  ::lmao  ::lmao  ::lmao  ::lmao  ::lmao  ::lmao

Rigaton

  • Guest
kaya nyo bang sagutin ang katanungang ito?

please be a facebook fan

http://www.facebook.com/pages/Bakit-may-mga-Pinoy-na-nag-iingles-kahit-kapwa-Pinoy-ang-kanilang-kausap/342698907902?ref=mf

http://img706.imageshack.us/img706/2128/90877814.jpg

Maraming dahilan kung bakit nagsasalita ng English ang isang pinoy kahit kapwa pinoy ang kausap. Maaring nakasanayan na ang English sa tagal ng pamamalagi sa ibang bansa at nahihirapan na ring magtagalog. Paris din lang yon ng nakasanayan mo ang tagalog at madalang kang magsalita ng English mahihirapan ka din sumabay.Well adjusted na kumbaga. Kung iisipin mong mabuti kasi mas mainam na magsalita ka ng English laluna at di mo kilala ang kausap mo dahil baka iba ang dialect ng kausap mo di lang kayo magkakaintindihan lalo. Marami sa pinoy ang di nakakapagsalita ng tagalog laluna sa Ilocos region pero magkakaintindihan kayo sa English. Sa Mindanao naman ay halo halo ang dialect. Most probably ang dahilan ay mas convenient na mag English ang tao dahil nakasanayan na at wala kang magagawa doon. Advice ko lang sa mga kapwa pinoy , pagbutihin ang pagaaral ng English at malayo ang mararating nyo keysa sa walang alam. Im sure a lot of espiyas will agree.Subukan mo ngang mag apply ng trabaho ng tagalog lang ang alam mo kahit sa Makati lang at malalaman mo ang ibig kong sabihin.Kaya nga nag aaral ang tao para matuto di ba?

Pasosyal? OA? Call it whatever you want pero isa yan sa pangunahing dahilan kung bakit mas preferred ng foreign employers ang mga pinoy. Peace bro!! Magsimula ka ng magaral ng English at malayo ang mararating mo.

Napahaba yata. Di kaya mas madaling ipaliwanag to sa English mga bro?

Rigaton

  • Guest
noong panahon ng mga amerikano dito sa ating bansa marami sa atin ang natuto at nag aral ng wikang inglis para sila ay maintindihan at makaintindi sa pakikipag usap sa mga ito, isa ito sa mga paraan para makahingi at maging pabor sa mga puti, wasak ang ekonomiya ng ating bansa noon dahil katatapos lang ng digmaan at ang mga amerikano ang may hawak ng kapangyarihan kaya ang ating mga ninuno at pilit na nag aral at tinuruan ang kanilang mga anak ng wikang inglis kahit ito pa ay baluktot kaya hanggang ngayon ang mentalidad na ito ang nagtutulak sa karamihan para ipakita ang narating na kakayahan o antas ng pinag aralan.

Kaya nga maraming pinoy ang nasa overseas dahil sa kakayahan sa English bro.Maraming pinoy ang nakaahon sa kahirapan dahil marunong magsalita ng English at marami ang nagtitiis pa rin ng hirap dahil di makapagsalita ng English.Khit dian sa Manila walang tatanggap sayo pag wala kang alam sa English..maliban na lang kung janitor ang papasukan mo. Opinion lang bro. Peace!!