Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Floyd Mayweather : “MANNY PACQUIAO, YES, YOU’RE NEXT!”  (Read 14369 times)

spell

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 171
  • Karma 0

Alam mo ba ang reason kung bakit bumalik sa boxing si Mayweather?

http://sports.espn.go.com/sports/boxing/news/story?id=4304657

di ko alam kung nagjo joke ka or seryoso.

Aware ako dyan. Pero tulad nga ng sabi ko, kung pera lang talaga habol niya at wala siyang pakialam sa outcome ng laban, bakit di tinanggap ni Floyd ung laban? Bakit pa pinatatagal?

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Aware ako dyan. Pero tulad nga ng sabi ko, kung pera lang talaga habol niya at wala siyang pakialam sa outcome ng laban, bakit di tinanggap ni Floyd ung laban? Bakit pa pinatatagal?

dahil sa alam nyang si Pacquiao ang dudurog sa kanya? at hangga't maaari, ay iiwasan nyang labanan si pacquiao.

of course pera lang ang habol ni Mayweather. Hindi naman yan babalik ng boxing kung gusto lang nyang makipagsuntukan para sa fans.


juan pablo

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 334
  • Karma 25
@spell
Medyo naguguluhan na ko, so tama ang sabi ni yamatoyukihiro na sa tingin mo walang kwenta ang magiging laban ni Pacquiao at Mayweather? Base sa sinabi mo:

Kung ayaw ng Pacquiao fans ng walang kwentang laban, bakit mukhang gusto nila na natuloy sana ung labanang Pacquiao-Mayweather dati? At yung Marquez-Mayweather, kung tutuusin ang lugi kung condition ang pag-uusapan ay si Mayweather dahil kakagaling lang sa almost 2 years na retirement. Nagkatalo lang sa fighting style. Sa tingin ko di talaga uubra ang counter puncher sa isang defensive boxer.

Dun naman kay Marquez at Mayweather na laban, syempre consider mo din yung size ng kalaban at ikaw na din nagsabi na sa tingin mo hindi talaga uubra ang counter puncher sa isang defensive boxer, so dun palang para sayo malabong mananalo si Marquez kay Mayweather.

Ang pinupunto ko yung kay Diaz ay yung kondisyon niya. Kahit sa mismong comeback fight niya, title holder siya tapos undercard lang sa Pacquiao-Marquezz II comeback fight niya? Ayokong masayang lang ang labanang Pacquiao-Mayweather na may potential na maging Fight of the Decade o baka nga one of the greatest boxing match of all time.

Kay Diaz naman kaya sya undercard dahil syempre ang main event ay yung hahatak ng maraming pera, at ano naman expect mo, ang pangalan ng event Pacquiao-Marquez so imposibleng hindi maging undercard si Diaz at bakit sa tingin mo masasayang yung laban na Pacquiao at Mayweather? Dahil isang taon hindi lumaban si Mayweather? Sino may kasalanan nun?

Second retirement? Isang beses lang nagretire si Mayweather.

Yung sinasabi ko ung time na dapat maghaharap sila na hindi natuloy (na naging dahilan sa pagtawag kay Mayweather ng chicken, gayweather, etc). Dalawa lang naman ang gusto ko na makalaban ni Pacquiao, si Marquez at si Mayweather. Since mangyayari na ung kay Marquez (medyo nakaka-disappoint lang na ngayon lang natuloy), si Mayweather na lang (at kung sakaling matuloy nga, sana lang nakuha ulit niya yung galing niya or higit pa).

Ok technically isang beses lang sya nagretire, pero isang taon uli sya hindi lumaban. Hindi pa nagsisimula ang laban meron na agad paghuhugutan ng dahilan kung sakaling hindi maganda ang performance ni Mayweather?

Wala naman yan sa kung gaano katagal kang fan kung bias ka naman (kapag kababayan/idol ang pinag-uusapan).

-------

Sa mga nagsasabi na pera lang habol ni Mayweather...

Kung pera lang talaga habol ni Floyd, bakit pa niya pinatagal kung wala naman siya pakialam kung manalo or matalo siya?

Mag-isip kahit minsan lang, wag puro pride pairalin.

Nambibintang ka ng bias pero di mo ba napapansin na ikaw din mismo may pagka bias, galit ka sa ginagawa ng fans ni Pacquiao pero ginagawa mo din yun kay Mayweather. Parang pinipilit mo na Pinoy fans lang ni Pacquiao ang bias.

Actually dito ako naguluhan talaga, nagtataka ka kung bakit pinatatagal ni Mayweather yung laban? Simple lang, build up, para lalong lumaki ang pera, medyo nakakatawa din na binanggit mo yung pride dahil napakataas ng pride ni Mayweather kaya hindi ako naniniwala na wala syang pakialam kung matatalo sya.

spell

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 171
  • Karma 0
@gardov

Gaya nga ng sabi ko, kung pera lang ang habol ni Mayweather at wala siyang pakialam sa magiging outcome ng laban, natuloy na ang laban nila dati pa. Parang ung ginawa ni Diaz, kakagaling lang sa retirement pagkatapos lang ng isang laban diretso agad kay Pacquiao. Kung ganun ang ginawa ni Mayweather, pera lang talaga habol niya. Kaso di naman ganun nangyari, diba?

--

@juan pablo

Ang sinasabi ko na walang kwenta ay kung natuloy ung laban dapat nila DATI. Hindi ung possible na match-up nila ngayon.

Quote
Dun naman kay Marquez at Mayweather na laban, syempre consider mo din yung size ng kalaban at ikaw na din nagsabi na sa tingin mo hindi talaga uubra ang counter puncher sa isang defensive boxer, so dun palang para sayo malabong mananalo si Marquez kay Mayweather.

Tulad nga ng sabi ko, ang pinupunto ko ung kondisyon ni Diaz at hindi ung mismatch sa fighting style. Kung sakaling natuloy DATI yung Pacquiao-Mayweather, malamang talo si Mayweather dahil wala sa kondisyon parang nangyari sa Pacquiao-Diaz.

Quote
(1)Kay Diaz naman kaya sya undercard dahil syempre ang main event ay yung hahatak ng maraming pera, at ano naman expect mo, ang pangalan ng event Pacquiao-Marquez so imposibleng hindi maging undercard si Diaz

(2)at bakit sa tingin mo masasayang yung laban na Pacquiao at Mayweather? Dahil isang taon hindi lumaban si Mayweather? Sino may kasalanan nun?

1. Ganito para mas malinaw. Kunyari si Pacquiao nagretire at may hawak siyang title. Tapos nagdecide siyang bumalik tapos ang comeback fight niya 10 rounds na undercard kay Mayweather - Ortiz. Pagkatapos labanan ni Mayweather si Ortiz, kinalaban niya si Pacquiao para dun sa title na hawak niya. Nakukuha mo na gusto kong sabihin?

Nung panahong yun, champion siya. Kahit na comeback fight lang, dapat ginawa na parang champion. Main event dapat. Insulto na nga ung undercard lang siya, dagdag insulto pa na nilagay laban niya dun sa taong hahamon sa title na hawak niya. Parang dun pa lang tinanggap na niya na ganun siya ka-inferior kay Pacquiao in both ego and skills.

(Di ko sinasabi na ung comeback fight niya dapat ung main event at yung kay Pacquiao at Marquez ang undercard.)

2. Masasayang yung laban nila kung natuloy yung laban dapat nila DATI. Ang mali lang naman ni Mayweather ay ung pagttrashtalk niya kay Pacquiao.

Quote
Ok technically isang beses lang sya nagretire, pero isang taon uli sya hindi lumaban. Hindi pa nagsisimula ang laban meron na agad paghuhugutan ng dahilan kung sakaling hindi maganda ang performance ni Mayweather?

Kung tama ako sa iniisip ko (at sana tama nga), yang di paglaban niya ng ganyan katagal ay para ibalik ung dati niyang galing para matuloy na laban nila ni Pacquiao. Gaya nga ng sabi ni Pacquiao dun sa interview niya sa show na GAME (GMA News TV), mukhang pinaghahandaan siya ni Mayweather dahil southpaw ung lalaban niya. Kaya excited ako na mapanood yang laban ni Floyd since dyan makikita kung pinaghahandaan niya talaga si Pacquiao.

Sa tingin ko lang ulit ay yung laban ni Floyd kay Mosley ang gumising sa kanya na di niya kakayanin si Pacquiao kung ganun lang kaya niyang gawin.

Quote
Nambibintang ka ng bias pero di mo ba napapansin na ikaw din mismo may pagka bias, galit ka sa ginagawa ng fans ni Pacquiao pero ginagawa mo din yun kay Mayweather. Parang pinipilit mo na Pinoy fans lang ni Pacquiao ang bias

Alin sa sinabi ko ang bias? Kung bias ako kay Floyd, sana ang sinabi ko ay walang laban si Pacquiao kay Floyd or something that goes around that line. Pero ganun ba sinabi ko?

Quote
Actually dito ako naguluhan talaga, nagtataka ka kung bakit pinatatagal ni Mayweather yung laban? Simple lang, build up, para lalong lumaki ang pera, medyo nakakatawa din na binanggit mo yung pride dahil napakataas ng pride ni Mayweather kaya hindi ako naniniwala na wala syang pakialam kung matatalo sya.

Hindi ako nagtatanong or nagtataka. May speculation ako kung bakit pinatatagal ni Floyd (nabanggit ko na sa taas).

Yang tanong na yan ay para dun sa masyadong close-minded na pera lang daw ang habol ni Mayweather.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
@gardov

Gaya nga ng sabi ko, kung pera lang ang habol ni Mayweather at wala siyang pakialam sa magiging outcome ng laban, natuloy na ang laban nila dati pa. Parang ung ginawa ni Diaz, kakagaling lang sa retirement pagkatapos lang ng isang laban diretso agad kay Pacquiao. Kung ganun ang ginawa ni Mayweather, pera lang talaga habol niya. Kaso di naman ganun nangyari, diba?

 

Una, takot syang kalabanin si Pacquiao. Yung sinasabi nyang " PACMAN YOU"RE NEXT", pautot nya lang yun para ma hype up ang upcoming fight nya against ORTIZ.

Alam nya kasing against Pacquiao, mas malaki ang chance nyang matalo. Kung matatalo sya kay Pacquiao, magiging tainted na ang legacy nya. yung stock nya bababa ng husto... at yung magiging next fight nya ay hindi na ganun kalaki ang kikitain.

Also, katulad ng nipost ko na, malaki utang nya sa IRS kaya sya bumalik sa boxing game.

at isa pa, wag kang manlait ng opinyon ng tao, kung ang binibigay mo rin lang naman ay ang sarili mong opinyon. Hindi porke iba ng opinyon sayo, mga mabababa na pagiisip.
 


subicboy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1170
  • Karma 19
  • Gender: Male
@gardov

Gaya nga ng sabi ko, kung pera lang ang habol ni Mayweather at wala siyang pakialam sa magiging outcome ng laban, natuloy na ang laban nila dati pa. Parang ung ginawa ni Diaz, kakagaling lang sa retirement pagkatapos lang ng isang laban diretso agad kay Pacquiao. Kung ganun ang ginawa ni Mayweather, pera lang talaga habol niya. Kaso di naman ganun nangyari, diba?

parehas na may pakialam c mayweather sa magiging resulta ng laban nya kay pakyaw at sa pera, kya ayaw nya itong labanan. una sa RESULTA, alam ni mayweather na matatalo cya kay pakyaw oras na maglaban cla, masisira ang ipinagmamalaki nyang "walang talo" n record at makakaapekto un sa pangalawang pinapahalagahan nya ang PERA. pag may talo na cya mahihirapan na cya makipagnegotiate at ibenta ang kanyang sarili. hindi n rin cya mkakapagdemand ng kung ano ano pra makalamang sa kalaban(dito magaling c floyd) at ito ay may derektang epekto din sa RESULTA ng mga susunod nyang laban..so malinaw naman na cguro kya patuloy nyang iniiwasan c pakyaw at lumalaban ng iba ay para kumita ng pera at samantalahin ang pagkakataon n kaya nya magdemand..

kahit anong klaseng paghahanda o preparasyon ang gawin nya hindi nya matatalo ang nasa peak n pakyaw at alam na nya yan..at ang tanging paraan na lang nya ay hintayin humina c pakyaw,makitaan ng matinding vulnerability na kaya nyang iexploit, na ginagawa na nya sa ngaun kasabay ng pgprotekta sa kanyang record(una) at pagkita ng pera(pangalawa)







erap

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1193
  • Karma 9
  • Gender: Male
  • Ceritified Former President!
kaya lang naman bumebenta ang laban ni gayweder kasi inaabangan ng tao na matalo sya...

pag natalo sya, dun na matatapos ang career nya..ganyan kasimple...
YOU ONLY LIVE ONCE, BUT IF YOU DO IT RIGHT, ONCE IS ENOUGH!!!

spell

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 171
  • Karma 0
@gardov

Kung bluff lang ung sinabi niya, bakit inabot ng 16 months bago siya lumaban ulit? Lahat naman yata ng mga considered na top boxers si Pacquiao ang gusto makalaban.

Magkakaalaman na lang kapag nangyari na.

Kung may nabasa ka na sa tingin mo ay hindi tama, hahayaan mo na lang ba dahil lang sa opinion lang din ang sasabihin mo?

---

@subicboy

Nakita mo ba kung pano lumaban si Floyd bago siya magretire? Please lang huwag masyadong bias.

subicboy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1170
  • Karma 19
  • Gender: Male

@subicboy

Nakita mo ba kung pano lumaban si Floyd bago siya magretire? Please lang huwag masyadong bias.

hindi ako bias, kung mahina talaga c pakyaw kay mayweather, mauuna pa ako magsabi na hndi kaya ni pakyaw c floyd, pero nasundan ko na kc ang mga laban nilang dlawa nuon pa at ang napansin ko ay katulad din ng napansin ng mas nakakarami(pati ni floyd)..

spell

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 171
  • Karma 0
@subicboy

Kailangan ba ang makatapat ni Pacquiao ay yung fighting style na mahina siya para lang matalo siya? Tama, hindi ka nga bias.

yamatoyukihiro

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1239
  • Karma 0
ahehe okay, i'll just interpret this as you want people to look at mayweather fairly even with everything else considered. I stand corrected, more than a year long vacation nga ang mas appropriate na term kaysa sa second retirement. and yeah, kuntento na rin ako dahil naunawaan ko na rin na same lang din ang iniisip mo sa iniisip namin na lamang (or even no match) si mayweather kay manny the way they both are right now. Medyo nakakatawa lang isipin, based on the thoughts being suggested, na hindi deserved ni mayweather na matawag na gayweather after niya magdadadada na wala lang si manny kumpara sa kanya (isama mo na dun ang iba pa niyang "pagbibiro"), samantalang maraming  tao  (kasama ka po doon) ang nakakapansin din naman sa mga actions niya na parang iniiwasan lang niya matalo para hindi mawala ang marketability niya (although sa tingin ko with floyd's talent a loss wouldn't mean that he's a lesser boxer, it just means he happened to face the better guy, and so he could probably still generate a lot of money after a loss, but that's another story that is yet to be seen...)

lastly, sa tingin ko hindi maganda na laitin at sabihing nakakasuka, yung sinasabi mo, na kagustuhan lang ng mga ilang pinoy pacquiao fans na isatisfy yung ego/pride nila. To a lot of people, manny is a really huge filipino icon who has earned the admiration and respect of a lot of filipinos kaya pag iniinsulto si manny ni mayweather parang iniinsulto mo na rin ang libo-libo (o milyong) tao na nagtitiwala  at proud sa abilities ni manny. At dahil doon gusto masatisfy ng mga pinoy ang ego nila, para bang "hoy patunayan mo nga yang sinasabi mo, sigurado kasi kami na mas magaling ang pambato namin" which is really a normal reaction I think kaya wala akong makitang dahilan para maging kasukasuka yun.

subicboy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1170
  • Karma 19
  • Gender: Male
@subicboy

Kailangan ba ang makatapat ni Pacquiao ay yung fighting style na mahina siya para lang matalo siya? Tama, hindi ka nga bias.

hindi lang fighting style ang nagiging dahilan ng pagkapanalo at pagkatalo sa isang laban, maraming bagay pa ang umiikot dito..parang ganito yan..mabilis c floyd pero mas mabilis c pakyaw, malakas sumuntok c floyd pero mas malakas sumuntok c pakyaw, determinado c floyd pero mas determinado c pakyaw, buo ang tiwala ni floyd sa kanyang sarili pero mas buo ang tiwala ni pakyaw sa kanyang sarili at marami pang iba..

may nakalaban n c pakyaw n mas maganda ang style sa knya, c marquez, pero natalo ba cya?hindi, dahil hindi sapat ang style pra manalo sa laban..nga pla naglaban cla sa 130lbs, timbang na kumportable c marquez pro hindi c pakyaw dahil paakyat n cya ng weight division..

Brando Orgasmo

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 198
  • Karma 0
Nagkalakas lang ng loob yan kasi hindi maganda yung huling laban ni Manny..

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43

@gardov
Kung may nabasa ka na sa tingin mo ay hindi tama, hahayaan mo na lang ba dahil lang sa opinion lang din ang sasabihin mo?

Kung sa tingin mo ay hindi tama ang nabasa mo, e di ibigay mo ang opinyon mo at rason kung bakit sa palagay mo ay hindi tama ang opinyon nila. Pero ang sabihing makikitid ang utak dahil sa ang opinyon mo ay hindi kaparehas ng sa iyo ay  panlalait. Isipin mo na sa isang diskusyon, may mga opinyong nagkakaiba. Para maging hindi bayolente ang paguusap, dapat mga salitang may respeto ang ibigay mo at hindi mga salitang alam mong makakapag umpisa ng argumentong puro personalan at nawawala sa punto ng usapan.


@gardov
Kung bluff lang ung sinabi niya, bakit inabot ng 16 months bago siya lumaban ulit? Lahat naman yata ng mga considered na top boxers si Pacquiao ang gusto makalaban.

Magkakaalaman na lang kapag nangyari na.

Obviously, magkakaalaman na lang kung mangyari na...pero hindi ito mangyayari.

Sa 16 months na yon, bakit kung kailan pumirma si Pacquiao para kalabanin si Marquez, saka naman ang pirma ni Floyd para kalabanin si Ortiz.

16 months na naghintay si Pacquiao para pumirma si Floyd sa kontrata. Also, 65 million dollars was offered to Mayweather para labanan si Pacquiao. What did Mayweather do? The usual, he made some ridiculous demands ulit... like instead of 65 million, he asked for 100 million dollars.

Mayweather’s endless and unreasonable demands had grown tiring. He first requested for an Olympic-style drug testing which Pacquiao initially refused but eventually accepted. Despite of Pacman’s acceptance, Mayweather still backed out of the offer. He even went as far as demand a $100 million dollar purse to face the Filipino boxing champ but the amount had been termed as “ridiculous” by Arum.

source: http://www.pinoygigs.com/blog/sports/mayweather-refused-65-million-to-fight-pacquiao/

juan pablo

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 334
  • Karma 25
Yung issue mo kay Diaz kasalanan ng promoter nya yun, at main event man o hindi tinanggap nya yun ibig sabihin pinaghandaan nya na yun. Again kung hindi sya handa kasalanan nya na yun, hindi mo dapat penalize si Pacquiao, or yung fans nya, kung wala sa kondisyon si Diaz.

Dun naman sa bias, hindi naman kailangan na sabihin mo na walang laban si Pacquiao kay Mayweather para sabihing may bias ka sa kanya. Yung mga speculation mo sa mga events or situation leading up to Mayweather calling out Pacquiao ay in favor kay Mayweather. Katulad ng kung bakit pinatatagal yung laban, speculation mo pinaghahandaan nya si Pacquiao kaya nya pinatatagal, ang speculation naman namin ay pinalalaki nya lang yung pera just in case na matalo sya in a way panalo pa din sya financially.

spell

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 171
  • Karma 0
@yamatoyukihiro

I'll share the way I see this whole thing.

Nung bumalik si Floyd after his retirement, kung tama pagkakaalala ko ang sabi niya na siya daw ang tunay na pound for pound king kaya gusto makalaban yung current na may hawak nung title na yun which is Pacquiao. His comeback fight against Marquez was probably just to gauge where his skill level was, which proved to be not the same as how it was before he retired but he might thought that it wasn't off by that much.

Bakit ko naisip yun na ganun iniisip niya? Dun kasi nag-umpisa ung pangttrashtalk niya kay Pacquiao after ng laban niya kay Marquez. Tapos nagkaroon ng negotations kaso di nagkasundo dahil nga sa Olympic style drug test. Hindi na natuloy ang laban at si Mosley na lang kinalaban ni Floyd (Clottey naman kay Pacquiao). After nung laban niya kay Mosley, maganda nga na hindi natuloy yung laban kasi kung natuloy yun malamang talo si Floyd. Then after nung laban na 'to, wala na akong maalala na nagtrashtalk pa si Floyd. At tingin ko dahil yun sa laban niya kay Mosley na naisip niya na hindi pa siya handang harapin si Pacquiao. Sumunod na nga yung long vacation niya. Correct me if I'm wrong ang narinig ko na lang sa kanya ay yung $100m demand niya.

Base dun sa mga observation ko, maaaring ung long vacation niya ay hindi talaga vacation kundi preparation for Pacquiao along with fighting a southpaw. As I've said in an earlier post, I'm looking forward to see the Mayweather-Ortiz as it would probably confirm or gave a hint on whether Floyd is really making preparations or not for his possible fight against Pacquiao.

And that last part, ano ba ginagawa/ginawa ni Floyd? Insulto ba? Sa nakikita ko, trashtalk lang yun (insulto = personal, trashtalk = laro). Ngayon lang ba sila nakaranas ng trashtalk? Kung trashtalk lang din ginagawa nila, then my apologies. Kaso ung iba dito, personal na ang atake na di nila matanggap kapag di nagyayabang si Floyd. Ano hindi nakakasuka sa ganyang ugali?

--

@subicboy

Hindi natalo si Pacquiao ni Marquez? Lol. Panoorin mo nga ulit. Panalo dapat si Pacquiao sa unang laban (imbes na draw) at talo si Pacquiao sa pangalawa. At tungkol dyan sa weight class, pumunta pa dito sa Pinas si Marquez para bigyan siya ng rematch after nung 2nd fight nila. Kung tama pagkakaalala ko, pumayag din siya na umakyat ng weight class kung saan komportable si Pacquiao pero di siya pinagbigyan.

Mas mabilis si Pacquiao kaysa kay Floyd? Malakas sumuntok si Floyd? Lol. Hindi ka nga talaga bias.

--

@gardov

Quote
Kung sa tingin mo ay hindi tama ang nabasa mo, e di ibigay mo ang opinyon mo at rason kung bakit sa palagay mo ay hindi tama ang opinyon nila. Pero ang sabihing makikitid ang utak dahil sa ang opinyon mo ay hindi kaparehas ng sa iyo ay  panlalait. Isipin mo na sa isang diskusyon, may mga opinyong nagkakaiba. Para maging hindi bayolente ang paguusap, dapat mga salitang may respeto ang ibigay mo at hindi mga salitang alam mong makakapag umpisa ng argumentong puro personalan at nawawala sa punto ng usapan.

Sinabi ko na ang opinyon ko kung bakit sa tingin ko mali ang iniisip nila (yung tanong na nilagay ko). At wala akong sinabi na makikitid ang utak nila dahil lang iba ang opinyon nila sa opinyon ko. Ang sinabi ko lang mag-isip kahit minsan lang wag puro pride pairalin (sinabi ko ito as an advice and not as an insult). Kung respeto lang din ang pag-uusapan, sila ang sabihan mo wag ako. Sila etong kung umasta ay parang ininsulto buong pagkatao nila na ganun na lang galit nila kay Floyd.

Quote
Obviously, magkakaalaman na lang kung mangyari na...pero hindi ito mangyayari.

Sa 16 months na yon, bakit kung kailan pumirma si Pacquiao para kalabanin si Marquez, saka naman ang pirma ni Floyd para kalabanin si Ortiz.

16 months na naghintay si Pacquiao para pumirma si Floyd sa kontrata. Also, 65 million dollars was offered to Mayweather para labanan si Pacquiao. What did Mayweather do? The usual, he made some ridiculous demands ulit... like instead of 65 million, he asked for 100 million dollars.

Para siguro subukan muna kung nasa kondisyon na siya na kayang labanan si Pacquiao (na sa tingin ko ay dahil dun sa laban niya kay Mosley na hindi niya kaya si Pacquiao kung ganun lang kaya niya). Tulad ng sabi ko, magkakaalaman na lang pagkatapos ng laban niya kay Ortiz (kapag natalo siya kay Ortiz, mas maganda kung wag na lang niyang labanan si Pacquiao).

At yang $100m na demand, that was made last March pa (link). Yung sinabi niya na lalabanan niya si Pacquiao (excluding the first one) ay nung last week lang ng June.

At yang pag-iwas niya kay Pacquiao (with that offer), was his best option. Kitang-kita sa laban niya kay Mosley na hindi pwedeng ganun ang attitude niya (maging bara-bara) kay Pacquiao. Mas magandang subukan niya muna sa iba kasi baka masayang lang.

--

@juan pablo

Ang pinupunto ko lang kay Diaz ay dun pa lang sa comeback fight niya ay parang sinabi niya na agad na wala lang siya at ang laban niya kay Pacquiao ay parang formalities lang. At ginagamit ko yang puntong yan na maganda na hindi natuloy ung dapat sana ay laban ni Pacquiao at Mayweather DATI kasi sobrang sayang lang ang matchup nila kung ang kahahantungan ng laban nila ay yung katulad ng kay Pacquiao at Diaz (hindi kasama ung issue nung pagiging undercard niya).

As for being biased, I define it as being inclined on one side with complete disregard of the other. In my case, I considered both but I find the other to be quite unreasonable. As far as definition is concerned, I'm not being biased.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43

@gardov

Sinabi ko na ang opinyon ko kung bakit sa tingin ko mali ang iniisip nila (yung tanong na nilagay ko). At wala akong sinabi na makikitid ang utak nila dahil lang iba ang opinyon nila sa opinyon ko. Ang sinabi ko lang mag-isip kahit minsan lang wag puro pride pairalin (sinabi ko ito as an advice and not as an insult). Kung respeto lang din ang pag-uusapan, sila ang sabihan mo wag ako. Sila etong kung umasta ay parang ininsulto buong pagkatao nila na ganun na lang galit nila kay Floyd.

Para siguro subukan muna kung nasa kondisyon na siya na kayang labanan si Pacquiao (na sa tingin ko ay dahil dun sa laban niya kay Mosley na hindi niya kaya si Pacquiao kung ganun lang kaya niya). Tulad ng sabi ko, magkakaalaman na lang pagkatapos ng laban niya kay Ortiz (kapag natalo siya kay Ortiz, mas maganda kung wag na lang niyang labanan si Pacquiao).

At yang $100m na demand, that was made last March pa (link). Yung sinabi niya na lalabanan niya si Pacquiao (excluding the first one) ay nung last week lang ng June.

At yang pag-iwas niya kay Pacquiao (with that offer), was his best option. Kitang-kita sa laban niya kay Mosley na hindi pwedeng ganun ang attitude niya (maging bara-bara) kay Pacquiao. Mas magandang subukan niya muna sa iba kasi baka masayang lang.

--



Una, bakit ka apektado kung laitin nila si Mayweather? sensya na pero nakakatawa lang kasi... maraming nanglalait na itim/puti sa work ko kay Pacquiao, pero hindi ako apektado... I agree lang with them dahil sometimes they make a fair point like kung bakit ayaw ni Pacman ng olympic testing

At sa paghamon nya kay Pacquiao, eto ang point ko, kung kailan nakapirma na si Pacquiao, sya namang pirma nya kay Ortiz. See, kung pumirma si Mayweather sa offer ng camp ni Pacman na 65 million, e di sana sila ang maglalaban. Pero para makaiwas si Mayweather, humingi sya ng 100 million. Of course tatangihan yun ng camp ni Pacman dahil masyado nang ridiculous ang presyong hinihingi nya.

At oo nga, ala ka nga palang sinabihang makitid utak... nagsuka ka lang pala sa mga opinyon ng iba.

yamatoyukihiro

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1239
  • Karma 0
I guess that's an interesting way of looking at things, and kung nagkataon na ganun nga ang ginawa ni floyd e di mas maganda. Um, yeah, gets ko naman ang difference ng trashtalk at insulto. Parang likas naman sa ating mga pinoy ang makipag-asaran kaya ang mga trashtalk matatawanan mo lang din. pero kung ganito ba naman ang trashtalk na gagawin ni mayweather (I hope you'll take the time to read the article and watch the whole video)

Article: http://www.usatoday.com/sports/columnist/lopresti/2010-09-09-mayweather-pacquiao-internet-rant_N.htm
Video: http://www.huffingtonpost.com/2010/09/02/floyd-mayweather-racist-rant_n_703731.html

(masyado slang yung vid kaya hindi ganun kadali intindihin lahat ng sinabi niya)

I know medyo touchy ang americans pagdating sa racism samantalang tayong mga pinoy we can simply laugh it off dahil kaya rin natin manglait in the same way without making too much of a fuss over it (magagaling nga tayo mang-asar e, minsan nga lang pikon din tayo). Now, after floyd took the trash talking and name calling to that level, unleashing the words faggot and whore and associating with manny two of our most exotic delicacies, cats and dogs, thereby subtly implying that every filipino probably eats them (I'm sure you're aware that a lot of americans have a very poor regard for people who eat dogs since most of them consider dogs to be man's bestfriend), what kind of immunity does floyd have that he should not receive our own retaliatory set of derogatory trashtalking na wala nang kinalaman sa boxing? We can take those kinds of insults with no problems at all, sila ba can they take it if manny suddenly posts a video on youtube saying that "Mayweather is a gay negro and if I beat him I'm going to make him hunt for wilderbeests in the african savanah, you know, and maybe tell him to quit being a boxer and join a reggae band instead." A lot of people all over the world wouldn't be too happy to watch something like that I bet. Of course manny has proven that he is a man with finesse kaya he would never bother stooping to that low of a level of name calling kaya eto tayong mga kababayan niya na binabato lang pabalik yung bola ng pangaasar na hinagis sa kanya. Kumbaga parang leave the trash talking to us manny, magconcentrate ka lang sa trabaho mo sa ring. Anyway, I'm sure floyd really doesn't mind getting insulted that much kasi kaya pa rin naman niya humirit ng kung ano ano kaya quits lang.

juan pablo

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 334
  • Karma 25
@spell
Hindi ko naman sinasabi na fully biased ka kay Mayweather, sabi ko lang may pagka bias ka kay Mayweather dahil yung opinions mo at speculations mo ay inclined or in favor kay Mayweather.

Tungkol naman sa pag trash talk ni Mayweather kay Pacquiao hindi tumigil si Mayweather sa pag trash talk after nung Mosley fight, actually yung mga banat nga ni Mayweather minsan personal na at wala ng kinalaman sa boxing, pwede mo na hindi consider na trash talk yun kumbaga eh personal attacks na yun sa pagkatao ni Pacquiao.

Agree din naman ako na may ibang fans ni Pacquiao na sobra din manglait pero ang pagkakaiba ay fans ni Pacquiao yung gumagawa nun hindi si Pacquiao mismo. So kung nakakasuka yung ugali ng mga fans na yun ni Pacquiao, di nakakasuka din yung ugali Mayweather.

bakekong12345678

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2551
  • Karma 8
isa lang masasabi ko dito, di yan matutuloy.  ::lmao



praeto_RYAN

  • It is an adjective, not a noun!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2757
  • Karma 77
  • Gender: Male
isa lang masasabi ko dito, di yan matutuloy.  ::lmao

i partly agree with bakekong in that there is a big possibility that this fight wont push thru.  or if it would push thru, it will not be in the near future.  why do i say so?  it will have to be that GayWeather experience some shattering event in his life, or some dramatic "push" for him to really fight Pacquiao in the ring.  I mean all actions of Floyd points to him being terrified of Manny.  And yes, him (Floyd) saying he'd fight Manny is just one big show.  And I ain't buying into his words.  only when i see them face off in the ring on fight day will i even believe a word that comes out of his (Floyd) stinking trap called mouth.
When you brighten another's path, you also brighten your own. - Transsiberian (2008)

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
i partly agree with bakekong in that there is a big possibility that this fight wont push thru.  or if it would push thru, it will not be in the near future.  why do i say so?  it will have to be that GayWeather experience some shattering event in his life, or some dramatic "push" for him to really fight Pacquiao in the ring.  I mean all actions of Floyd points to him being terrified of Manny.  And yes, him (Floyd) saying he'd fight Manny is just one big show.  And I ain't buying into his words.  only when i see them face off in the ring on fight day will i even believe a word that comes out of his (Floyd) stinking trap called mouth.


Hindi talaga papatol na yang si Mayweather... 65 million nga inayawan. sayang. kung nilabanan nya sana si Pacquiao. matalo man sya, yung pangalan nya laging masasambit kapag sinabi ang pangalan ni Pacquiao. pero ngayon, siguradong tuwing masasambit pangalan nya, kasunod ay yung pagiwas nya kay pacquiao.

spell

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 171
  • Karma 0
@gardov

Hindi ako apektado sa pangttrashtalk. Dun ako naiinis sa mga masyadong ginagawang personal ung ginagawa ni Floyd na akala mo ininsulto pagkatao nila. Di ako nagrreact dahil si Floyd ang pinaguusapan kundi dahil may nakikita akong nakakainis (katulad nung sobrang media hype sa Azkals dati na yung iba na nadala lang sa hype feeling nila sobrang galing ng Azkals akala mo nanalo ng World Cup).

At sa pagpirma, sinabi ko na nga point ko. Mas magandang dumaan muna siya sa iba kaysa dumiretso siya kay Pacquiao. Mas magandang tingnan niya muna kung ayos na kondisyon na o hindi pa. Sayang lang kung ididiretso niya kay Pacquiao.

Wala bang nakakasuka sa opinyon nila?

--

@yamatoyukihiro

Nabasa ko na ung article at pinanood ko yung video. Wala naman akong nabasa o narinig na nakaka-insulto. Ang nakita ko lang trashtalk. At may isa pa akong nakita, ang pagiging hypocrite ng mga Pinoy. We laugh at racism? Yeah when the jokes are on them. Pagtayo na ang pinagtatawanan, expect fury to be unleashed. Parang ung incident kay Lee Dae Hae. (link) Ginaya niya kung paano daw magsalita ng English ang mga Pinoy. Ano nangyari? Nagalit kasi insulto daw kasi maraming Korean na ang English teacher ay Pinoy. Diba ba sila makatanggap ng joke? Kung ganun pala dapat, kailangan din  natin mag-apologize sa mga Indian, Chinese, Japanese, American, British at kung ano-ano pang lahi ng ginagaya natin ang accent at pinagtatawan.

Kung trashtalk lang, wala akong problema. Call Floyd whatever they want. Problema lang mukhang yung iba dito personal na. Hinuhusgahan na pagkatao dahil lang sa trashtalk.

--

@juan pablo

Ganun naman talaga ang trashtalk. Kadalasan wala ng kinalaman sa laro. Kung nakapaglaro ka na ng online/lan game, siguro naranasan mo na yan kahit isang beses.

Tulad nga ng sabi ko kay yamatoyukihiro...

Kung trashtalk lang, wala akong problema. Call Floyd whatever they want. Problema lang mukhang yung iba dito personal na. Hinuhusgahan na pagkatao dahil lang sa trashtalk.

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
@gardov

Hindi ako apektado sa pangttrashtalk. Dun ako naiinis sa mga masyadong ginagawang personal ung ginagawa ni Floyd na akala mo ininsulto pagkatao nila. Di ako nagrreact dahil si Floyd ang pinaguusapan kundi dahil may nakikita akong nakakainis (katulad nung sobrang media hype sa Azkals dati na yung iba na nadala lang sa hype feeling nila sobrang galing ng Azkals akala mo nanalo ng World Cup).

At sa pagpirma, sinabi ko na nga point ko. Mas magandang dumaan muna siya sa iba kaysa dumiretso siya kay Pacquiao. Mas magandang tingnan niya muna kung ayos na kondisyon na o hindi pa. Sayang lang kung ididiretso niya kay Pacquiao.

Wala bang nakakasuka sa opinyon nila?

 


ahhh o sya sya. paikot ikot na lang to.  ::lmao

AndrewSturm

  • Man Whore of the Year
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 815
  • Karma 16
  • Man Whore
Trashtalk lang pala kay floyd yung sabihan ang isang tao na PED user na kahit kailan ay hindi pa bumagsak sa test. Trashtalk lang din pala kung sasabihan kang magnanakaw ka ng walang ebidensya o pruweba.

Ang labas lang sakin e sa pananaw ni Floyd, hindi patas kung lalabanan nya ang current Manny (PEDs or no PEDs).

Kunwari nga ay may impluwensya ng PEDs si Pacman, Kunwari lang. Ibig sabihin nga takot sya(Floyd) sa Pacman na ito kaya ganun na lang ang pagpilit nya sa sarili nya na "Siguro nga naka steroids itong lokong to.. ang bagsik e". Sabagay sabi nga ni Floyd Sr. “If my son’s fighting that little man, I’m concerned about my son’s life”. That is because he believes that this guy is on PEDs.

Wala naman akong kinikilingan pero im just stating the obvious, If they fight, its gonna be a toss up.