Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Pag seselos sa isang pagkakaibigan  (Read 8942 times)

kimagure

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 160
  • Karma 8
  • Gender: Male
Pag seselos sa isang pagkakaibigan
« on: November 17, 2014, 09:15:46 AM »
First of all, Thank you for reading this and I hope maging ok ang lahat. Actually ok naman ang relationship ko. ako lang naman.  ::laffman

I have a GF for 6 years, I love her! I really do.. Sa 6 years namin meron ako mga naging kaibigan na babae "2" both officemate ko yun. Pero di niya alam kasi di naman siya sanay na nagkaka close friend ako lalo't na babae pa. Hindi mahigpit ang GF ko, napaka supportive niya. Meron newly hired samin at sakto napunta sa team namin. so hindi naging mahirap naging close siya samin agad lalo't sakin. So nakakausap ko siya dati sa phone, email at minsan coffee shops. ngayon wala na yun phone conversation at madalang din ang pag labas namin na dalawa lang. Hindi ko binibigyan ng kung anong dahilan ang pagkakaibigan niya sakin dahil ganoon din siya sa iba namin ka officemate. ang kaso may problema ako sa sarili ko. sa tuwing meron siya na nakakausap o nagaaya sa kanya na lumabas, naiinis ako hindi ko alam bat ba ko nag seselos. di ko masabi sa kanya pero aware siya na bigla nagbabago mood ko at madalas kami meron mga arguments. madami siyang fans sa office, at maikwento ko lang minsan ngyari na inaya siya ng isa namin officemate manood ng sine, nainis ako kasi bakit siya pumayag pero hindi ko sinabi directly na nagseselos ako kaya nag explain siya kung bat siya sasama "kasi magkaibigan sila". Pero once daw na malaman niya na yun friendship na meron siya kanino man ay binigyan ng ibang kulay doon siya nanginilag. Kaya nag explain ako sa kanya na kahit close yun friendship namin I know my limitations kaya wag siya mag alala pero yun nga lang I can't help it but to get jealous. di ko din talaga alam.

I really need your inputs. thank you so much!

 ::thanksforhelp
Lakers/Ginebra
Valentino Rossi
Manny Pacquiao/Nonito Donaire
NBA 2k13
Mogul Kahn

호밀 크루즈

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 626
  • Karma 65
  • Gender: Male
  • Hanggang di mo naiintindihan, 'wag mong huhusgahan
Re: Pag seselos sa isang pagkakaibigan
« Reply #1 on: November 17, 2014, 09:30:34 AM »
Palagay ko may gusto ka sakanya (dun sa officemate mo), ayaw mo nga lang siguro aminin sa sarili mo kasi sabi mo may GF ka at mahal mo talaga sya (sabi mo yun). Suggestion ko lang, pag ganun nakikita mo syang niyayaya ng iba, ituon mo yung attention mo sa iba. Tawag ka kay GF, kumustahin mo yung araw nya at makipag kwentuhan ka sandali.

May gusto ka sa ka-officemate mo TS. Otherwise, di ka sana maaapektuhan.
DESTINY is not a matter of chance...It is a matter of CHOICE.

kimagure

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 160
  • Karma 8
  • Gender: Male
Re: Pag seselos sa isang pagkakaibigan
« Reply #2 on: November 17, 2014, 09:40:10 AM »
Palagay ko may gusto ka sakanya (dun sa officemate mo), ayaw mo nga lang siguro aminin sa sarili mo kasi sabi mo may GF ka at mahal mo talaga sya (sabi mo yun). Suggestion ko lang, pag ganun nakikita mo syang niyayaya ng iba, ituon mo yung attention mo sa iba. Tawag ka kay GF, kumustahin mo yung araw nya at makipag kwentuhan ka sandali.

May gusto ka sa ka-officemate mo TS. Otherwise, di ka sana maaapektuhan.

Opo sir, Mahal ko talaga GF ko ayaw ko magkahiwalay kami. yun nga lang sa araw araw na pangungulit o biruan nung officemate ko ayun nga nasasanay ako. baka nga nagkakagusto ako pero mali. kaya di dapat magtuloy. Alam ko din naman na wala ako karapatan para manghimasok o mainis sa tuwing meron mag aaya sa kanya siguro nga dapat makapag hanap pa ko ng ibang pwede ko pag tuunan ng pansin kaysa maapektuhan na ko ng sobra sa tuwing meron na lang sa kanya mag aaya..

Lakers/Ginebra
Valentino Rossi
Manny Pacquiao/Nonito Donaire
NBA 2k13
Mogul Kahn