Mga senyores, malalim yan usapin na yan. Just this morning, I heard na kaya pala binabanatan mga obispo not only coz of their stand against the RH Bill pero gusto ng mga KKK na privatize ang PCSO. Pag na privatize yan at na award sa isang KKK ang PCSO eh di bilyones ang kikitain nila. Hence, kasama dun sa strategy nila ay pahinain ang credibilidad ng PCSO at palabasin na mas higit na makakabuti kun it is in the hands of the private sector.
Humingi ang mga bishops ng sasakyan sa PCSO at binigyan naman sila, kasalanan ba nila yun? Kun sa tingin ng PCSO eh di dapat sila bigyan dahil sa rason na separation of church and state eh di sana di nila binigyan. Remember na Board ng PCSO ang nagdedesisyon at collective decision yun pagbigay ng sasakyan sa kanila. Pangalawa, sabi nga ni Manong Johnny, kailangan din tingnan ang pagkakagamit ng sasakyan. May mga serbisyo ang gobyerno na dapat ibigay sa tao pero dahil di nagagampanan yun ng gobyerno lalo na sa mga kanayunan, ang simbahan ang nagpupuno nito at nagagamit ang mga sasakyan na ito sa mga kawanggawa ng simbahan. Imbes na ibili ng bago ambulansya, ibinibili ng pari ng second-hand na 4X4 na sasakyan ang pera dahil di naman pwede akyat sa bundok or punta rough road ang ambulansya at ang sobra ay gamit pambili gamot or ano mang pwede itulong sa mga liblib na pook.
Ihambing ang halaga ng mga naibigay na sasakyan na isyu ngayon which is P7M sa kabuuan ng intelligence fund na inubos nila na P138M. Sana, nagiisip or nagbabasa naman ang iba para malaman ang kabuuan ng pangyayari at hindi maghusga agad labas sa mga kaparian. Ihambing din ang halaga sa pork barrel ng lahat ng senador at congressman at sa discretionary fund ng office of the president. Ilan mga sasakyan ang nabubulok sa Bureau of Customs na sana'y nagagamit sa missionary or charity work? Pitong sasakyan lang at parang ang laki na ng lugi ng gobyerno? At hihingin pa na ibalik nila ito? Di ba nakakatawa yan at kawalan ng "taste" or "culture" ang pagpapabalik nito?
Imbes na sana puro imbestiga ginagawa ni Mr. Benigno at halukayin ang nakaraan ay harapin na lang nito ang future at gawa ng programa to generate investments and jobs. Tapos na yun at di na maibabalik ang nawalang pera. Kasalanan lahat yan ng mga tao who prostituted their profession that made wholesale graft possible - if only lawyers, accountants, auditors and even the lowly clerks did not type the PO or sabotaged the corruption-in-process, di sana nangyari mga yan. Indeed, vigilance is the price of democracy.
alam mo pre, ang bottom line dito e kesyo binigyan nga ng SUV
ang mga pari na yan e ang kasalanan e yung nagbigay?
di ka ba nagtataka bakit nga ba SUV ang hinigi at hindi ambulansya o van?
it spells self indulgence po kasi SUV ang hiningi. lumalabas na tiwali ang pari
at kinonsinti ng tao sa PCSO kung sino man ang nagbigay (with the help of GMA).
at dun sa mga nagsasabi na dahan dahan sa pagsasalita sa bishop,
nakupo pantay pantay tayo. ni presidente nga e galit na galit kayo
tapos pag bishop/pari may exception? sira!
pardon for my term -- mag tatanga tangahan nanaman ba ang pinoy
dahil alagad sya ng simbahan? tulad na lang ng pagboto ng pinoy kay pnoy....
takte naman na bansa to.
at dun rin sa mga nagsasabi na mas maraming dapat pagtuunan ng pansin na mas
mahalaga, HUY gising. sobrang rami po talaga, at ang paghuli sa mga ganyan
na may kuneksyon sa mga tiwaling opisyal e step para masolve ang sinasabi nyong maraming
problema. san nyo ba gusto mag start? e paulit ulit kayo nagsasabi dami problema jan,
tulad ng edukasyon, droga, smuggling, corruption, at kung ano ano pa. one step at a time.
kung di masolusyunan mga simpleng problema na ganto na lantaran na
e pano nyo pa mareresolba yung mga drug lord, at kurapsyon sa pera na naglalaho na lang bigla
na dapat sa edukasyon, pagkaen, magsasaka, mangingisda napupunta?
God bless this country!!