mga ka-espiya hindi ko alam kung san dapat ito ilalagay.. pero dahil mag susumbong ako sa inyo kaya ito napili ko.
gusto ko lang malaman ang tamang proseso ng pag imbita sa barangay. kasi nung nakaraang araw ung pinsan ko lasing at dahil sa sobrang kalasingan e panay labas ng sama ng luob sa pamangkin namin (which is wrong). kaya yung pamangkin namin na nasa wastong edad naman e nag sumbong sa barangay. tama ba ang proseso nila ng pag kuha sa pinsan ko kasi nasa loob na sya ng bahay nila tapos ung mga tga barangay e kinuha pa xa (pumasok hanggang piinto ng bahay kasama ung pamangkin ko). saka isa pa bago mag sumbong sa barangay ang pamangkin ko ee nag paputok sya ng baril (wala sya lisensya pra humawak ng baril dahil simpleng sibilyan lang sya)
sana matulungan nyo ka espiya.