The bible says...
Ephesians 4:29 ESV
Let no corrupting talk come out of your mouths, but only such as is good for building up, as fits the occasion, that it may give grace to those who hear.
Romans 12:3 ESV
For by the grace given to me I say to everyone among you not to think of himself more highly than he ought to think, but to think with sober judgment, each according to the measure of faith that God has assigned.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ang una kong naramdaman nang mapanood ko at marinig ang mga ginawang pagpapatawa ni Vice at nasabi patungkol kay Jessica ay awa, lungkot simpatya.
"Awa" dahil unang una ay hindi madaling pagusapan ang iyong kaanyuan sa harap ng maraming tao. Alam nating mataba siya pero natatawa ba tayo? Pinagtawanan siya dahil hinalintulad siya sa lechong baboy at pati na rin ang size ng panty niyang napagkamalan pang comforter.
"Lungkot" dahil naisip ko agad kung ano ang naramdaman ni Ms. Jessica ng mapanood at marinig ito. Maging katatawanan sa harap ng maraming tao pagkatapos niyang maging dedikado sa kanyang mabuti at maayos na trabaho bilang tagapaghatid ng balita at serbisyo publiko. Isinapubliko ang kalagayan ng mga mahihirap nating kababayan at naghatid tulong sa mga nasalanta ng mga bagyo, lindol at ibat ibang pangyayari hindi lang sa Pilipinas pati na rin sa abroad.
"Simpatya" dahil katulad ng maraming Pilipino na nakapanood ak din ay isa sa nakisimpatya dahil pagbalibaligtarin man natin ay hindi naging maganda ang birong binitawan ni Vice.
Tama ang mga ka Espiya na nagsabing "paano kung isa sa atin or isa sa mga mahal natin sa buhay" ang dumaan sa ganitong panlalait. Ano ang una nating mararamdaman? Walang masamang ibigay ang ating mga saloobin dahil kanya kanya tayo ng ating mga pananaw at para sa aking pananaw humingi na lang ng patawad at matuto na sana si Vice na sa mga susunod ay wag na niyang muling ulitin para mas maging maganda ang pagiging komedyante niya at ang mga galit at inis ng tao ay mawala na rin.
God bless us all