Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!  (Read 7917 times)

edjaydaya

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 612
  • Karma 3
  • Gender: Male
HINDI INAASAHAN NI Mr. Tony Tuviera, big boss ng TAPE, Inc. (Television and Production Exponents, Inc), na aabot ng 30 years sa ere ang Eat… Bulaga! Nang mag-celebrate sila ng 25th anniversary five years ago, doon lamang siya natauhan.

“Sobrang tagal na pala,” sabi ni Mr. T. “Nagre-rehearse noon para sa bonggang anniversary presentation, doon na ako napapaiyak. Halos mag-breakdown ako noong nagpe-pray na kami before the 25th anniversary airing, nag-iiyak na ako.
“Hindi ko na napigil ang sarili ko nang panoorin ko na ang intro at nasa audience na ako. Doon ko na-realize na nagtagal pala talaga kami. Kung mapapansin mo, hindi kami ‘yung naglalagay sa title ng programa ng Year 1, or Year 2.

Sa isang eksklusibong panayam kay Mr. T, sa umpisa pa lang ng EB noon, hindi na nila akalain na aabot man lang sila kahit ng dalawang taon.

“Ngayong 30 years na ang inabot ng programa, naisip ko, kalahati pala ng buhay ko halos inilaan ko na rito.”

Sa tindi ng hirap na dinanas ng programa at mga taong may kinalaman sa produksiyon nito, hindi mapigilang maging sentimental na lang ang gaya ni Mr. Tuviera.

“Ngayon siguro, wala na kaming ibang ginagawa kung hindi ibalik sa tao ang suportang naibigay nila sa loob ng 30 years. Kung mapapansin mo, ang naiisip na lang namin, puro pagtulong na lang sa mga tao.”

Ang dating congressman na si Cesar Jalosjos ang lumapit sa nag-uumpisang si Mr. Tuviera noon. Ibang kumpanya pa ‘yun noon, Production Specialists pa. Nai-share ni Mr. Jalosjos kay Mr. T ang pangarap nitong makabuo ng isang noontime show.
“Nilapitan niya ako, pero ang naisip ko agad, mabigat ang makakalaban namin,” sabi pa ni Mr. T. “Hindi biro ang babanggain namin, Student Canteen ‘yun, isa nang institusyon.”
Ang Student Canteen ay hosted by Eddie Ilarde, Bobby Ledesma, Pepe Pimentel at Leila Benitez.

“Nang tanungin ako ni Mr. Jalosjos kung kakayanin ba, naisip ko na lang, bakit hindi subukan? Pero, umabot pa ng dalawang taon bago tuluyang naitayo ang programa.”

Doon pumasok kay Mr. T ang ideyang gawing hosts ang dating napapanood lang sa isa pang programang may pamagat na OK Lang — sina Tito, Vic & Joey. Hanggang ma-absorb ang pamosong trio ng Discorama, isang sikat na musical-variety show noong late ’70s.
“Wala na talaga akong ibang ikinonsidera. Sa tingin ko, sa panahong ‘yun, sila lang ang pupuwede talagang i-develop. Pero, nang lapitan ko si Tito noon, tinanggihan na niya agad. ‘Yung loyalty kasi nila, nasa Discorama pa, e, kapatid ng show na ‘yun ang Student Canteen.
Pumayag ang TV&J sa one-shot deal nang gamitin sila ng grupo ni Mr. T para mag-host ng isang edisyon noon ng Binibining Pilipinas, na during that time, may tour sa 9 cities, at sila ang isinama roon.

Magkagayunman, bigo si Mr. T na makuha ang matamis na “oo” ng TV&J para sa isang noontime show hanggang sa nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan ang side ng TV&J sa mga producer ng Student Canteen at Discorama.

“Hindi talaga naging madali dahil may tatlong producer pa ang nag-aabang sa kanila para sa offers, pero eventually, napapayag na namin sila,” patuloy niya.
Marami ang hindi nakaaalam, ang unang ikino-consider na maging first female host ng Eat Bulaga ay si Charo Santos, na noo’y naging beauty title-holder na as Baron Travel Girl. Gusto ring isama sa grupo si Tessie Tomas, pero hindi umubra dahil during that time, may mataas na katungkulan sa McCann Ericson at nakatakda na itong ipadala noon sa London. ”E, pinag-aaral si Tessie ng kumpanya nila sa London kaya sinamantala na niya ‘yun. Si Charo, at that time, just won Best Actress sa Asian Film Festival for Itim at mas gustong mag-concentrate sa acting at baka raw hindi niya kayanin ‘yung everyday TV hosting.

“Pero, that time, may nakita na akong nakakasa-kasama ng TV&J, si Chiqui Hollman. Matagal bago namin napapayag, kasi, ang feeling ng lahat, even TV&J, hindi talaga madaling banggain ang Student Canteen.

Apat na taong nasa ere ang EB noon, pero hindi nila matalu-talo ang SC. Hindi malilimutan ang matinding struggle ng grupo ng TAPE para sa ratings. Iniisip na lang daw nila, dumaraan sila sa pagsubok kahit alam nilang talo na sila. Unti-unti, gumagapang sila sa kumpetisyon.

Ilan sa mga nagsimulang nagpalaki sa pangalan ng EB ay sina Bert De Leon at Joey de Leon. Si Bert ang siyang unang direktor ng programa samantalang si Joey ang “utak” sa likod ng pamagat na Eat Bulaga. Bukod kay Mr. Tuviera, naroroon pa si Malou Choa na noong panahong ‘yun ay Production Assistant pa lamang.

Isa pang hindi malilimutan ni Mr. T ay ang nasirang Oskee Salazar, isang bantog na entertainment writer, na noong time na ‘yun ay nagbigay talaga ng ideya kung bakit nagsimulang bumongga ang ratings ng EB.

“Tinatanong namin siya kung ano ba ang uso, ang gusto ng masa, ‘yung napupulsuhan niya. That was the time na hindi kami makasabay man lang sa taas ng ratings ng Student Canteen.
“There was a time na ginaya-gaya na namin, talo pa rin kami. Frustrated na kami. Tinaningan na kami ni Mr. Jalosjos, ipasasara na ang show dahil luging-lugi na raw. Binibigyan na lang kami ng tatlong buwan at kung hindi namin mapapaangat ang ratings, magsasara na kami,” sabi pa niya.

‘Yun ang time na nakausap ni Mr. T ang nasirang Oskee at sinabi nga ng huli na ang nauuso raw ay ang macho dancing sa mga gay bar.

“E, hindi naman puwede sa TV ‘yun, may mga naka-trunks na lalaki at nagsasayaw. Puwede pa siguro, nakapantalon at nakasando. Nag-feature kami ng isa, pero wala namang masyadong pagkakaiba. Hindi gaanong kinagat.

“Na-set aside ‘yun, hanggang after two weeks, may kumausap sa akin, may pelikula raw, Can’t Stop The Music. Village People. Gusto nilang i-promote namin ang movie na ‘yun sa programa.
“Noong time na ‘yun, walang nagtitiwala sa noontime show para mag-promote ng kahit na ano. Si Mother Lily (Monteverde) lang ang nagtiwala sa amin na mag-promote sa noontime. Utang na loob din namin kay Mother ‘yun. Pinag-aralan namin ‘yung idea. Ibinalik namin ‘yung may nagsasayaw na lalaki, pero hindi lang isa, dalawa na. Contest na talaga. Pagalingang sumayaw o mag-perform na parang Village People. ‘Yun ‘yung ‘Macho Man’ contest.
“Hindi lang naging dalawa, hanggang dumami na, may kaminero, bumbero, construction worker, iba-iba. Hindi namin akalain. Sa 45 days na natitira sa taning sa amin, napaangat namin ang ratings namin dahil sa contest na ‘yun.

“Tinapatan kami nu’ng kabila, Vivian Velez na parang Body Beautiful naman, sumasayaw rin. Before that, nakakaawa kami sa ratings. Nagpo-40% sila, nag-e-8% lang kami. Noong uminit ang ‘Macho Man’, nag-10.8% na kami, pataas nang pataas. Nakaalis kaming bigla sa single figure na rating.” In three months, tuloy-tuloy ‘yun hanggang finally ay tinalo na nila ang Student Canteen. Doon na-realize ni Mr. T na dapat ay napupulsuhan talaga kung ano ang gusto ng mga tao at naging pamantayan na nila ‘yun.

“Naranasan namin ‘yung gutom, pero sa pagdaan ng panahon, wala kang maririnig na reklamo sa tatlo. Noon, mga buwan ang lumilipas, pabale-bale lang sila, hindi sumusuweldo nang buo, pero hindi namin sila naringgan ng pagrereklamo, o nagsabi na lang na tigilan na namin ang show.

“Kung iisipin, may ibang greener pastures, pero nag-stick sila sa amin. Itinuring nilang pamilya talaga kami, walang iwanan. Kakain kami, sabay-sabay, pero kanya-kanyang bayad. Hindi pa uso ang libre-libre noon. Kaya nang magkapera kami, ‘yun ang una naming inisip, mag-provide ng pagkain sa staff. Kahit simpleng pagkain, libre na nang magkapera na kami. Kasi, pagkain ang lagi naming pinagsasaluhan maski noong araw pa.

“Ang pinakamabigat na naging problema noon, ‘yung hindi kami nakakabayad ng renta para sa facilities. Naroong todo-pakiusapan para lang makapag-show kami. Puro kami pangako. Hindi kami nakakabayad. Kaya siguro alam namin ang pakiramdam ng nakikiusap. Kaya ‘pag may nakikiusap sa amin, pinapakinggan namin, gumagawa kami ng paraan para matulungan. Malambot ang puso namin sa mga taong alam naming may kasalatan sa buhay.
“Kaya kami, tumutulong na lang ngayon. Marami rin kasi kaming pinagdaanan na ang karamihan, pinansyal. ‘Yung hindi mo na alam kung saan kukunin ang suweldo.
Sa tatlong dekadang lumipas para sa Eat… Bulaga!, masasabing lahat na halos ng puwedeng gawin sa isang musical-variety show ay nagawa na ng programa.
Ang orihinal na magkakilala talaga ay sina Mr. T at Tito Sotto. Pareho silang mahilig sa banda. Si Joey ay nakilala lang niya sa OK Lang noon sa Channel 13. Napakabata pa raw ni Vic noon. Nagkasama-sama sila, pero wala pa ‘yung closeness.

“Mga anak ni Tito, anak ni Joey at Vic, lumalaking kasama ng mga anak ko. Kapag nagbabakasyon kami tuwing Holy Week, magkakasama kami na parang magkakapamilya na talaga.
“Nagkataon lang na magkakasama kami, nabuo ‘yun at umiikot dahil lang sa isang programa, pero nagsasama-sama kami dahil nag-e-enjoy kami na para kaming isang pamilya.
“Kaya lumalabas ‘yun sa show. Nag-e-enjoy na rin ang mga tao. Hindi sinasabi nina Tito, Vic & Joey na panoorin sila at magbibigay sila ng saya. Kung ano lang ang ginagawa nila, ‘yung napapanood sa kanila, nae-enjoy ng mga tao dahil sila mismo, nag-e-enjoy sa ginagawa nila.
“Hindi na sikreto ‘yan. Tinginan lang nila, alam na nila kung paano sasaluhin ang isa. ’Yun din ang natututunan ng iba. Kaya buo ang Dabarkads kasi pakiramdaman lang ‘yan. Nakapagsasalita lahat, nagagawa ang gusto nila dahil lang sa pakiramdaman,” sabi ni Mr. T.

Nakapokus lang ang lahat sa kung ano ang gusto ng show, magbigay ng kasiyahan. Higit pa riyan, nag-e-enjoy ang mga manonood dahil natural na lumalabas sa hosts at mga kasama sa programa ang kasiyahan sa mismong ginagawa nila. Ito ang malinaw na mga bagay na wala sa ibang programa, na sa pagdaan ng panahon, tumapat sa Eat… Bulaga! at pilit na pinababagsak ito, pero sa huli’y nangangabigo lamang sila.

by Archie de Calma



This is could be one for the books! ::pampam ::pampam ::pampam

aktibista

  • REBEL WITHOUT A CAUSE
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 30
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #1 on: October 09, 2009, 07:54:27 am »
malamang nasa book na ng guiness to pinaka mahabang noontime show sa balat ng mundo samantal yung katapat nilang show wowowee guiness din pinakamayabang na host sa balat ng lupa ;)

abusado2

  • Brain is everything, without it you're nothing
  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 477
  • Karma 4
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #2 on: October 09, 2009, 08:29:25 am »
Mula Noon hanggang Ngayon EB pa din...



sa EB you deserve this  :applause :applause :applause :applause :applause :applause :applause :applause
Dont blame me I didnt vote for him...

sweetmyles

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 136
  • Karma 1
  • Ad Astra Per Aspera
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #3 on: October 09, 2009, 08:34:53 am »
malamang nasa book na ng guiness to pinaka mahabang noontime show sa balat ng mundo samantal yung katapat nilang show wowowee guiness din pinakamayabang na host sa balat ng lupa ;)

T least hindi boring.  ::pampam ::pampam

al de monte

  • i rock
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3410
  • Karma 3
  • Gender: Male
  • mga bisaya dili palupig sa mga tawng manlupig
    • <a href=http://www.coolmyspacecomments.com><img src=http://i85.photobucket.com/albums/k68/nwzx7/filipino/05.jpg title="MySpace Comment Codes"  border=0></a><br><a href='http://www.coolmyspacecomments.com'>
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #4 on: October 09, 2009, 08:51:37 am »
hangat may bata, may eat bulaga... :applause :applause :applause

laces522

  • KEEP IT NAUGHTY NOT TRASHY BUT NASTY!
  • Certified SpyGirl
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4309
  • Karma 27
  • Gender: Female
  • Be wary cause i am a feline..sly,foxy and cunning!
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #5 on: October 09, 2009, 08:54:35 am »
EB remains unbeatable!!! ::pampam ::pampam ::pampam :applause

Queso

  • Chinita Inspector
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3278
  • Karma 30
  • Gender: Male
  • i ♥ chinita
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #6 on: October 09, 2009, 09:05:11 am »

lahat ng babangga ay magigiba..  ;)

deeper one zero

  • "In-depth binary focus"
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2223
  • Karma 9
  • Gender: Male
  • deeper ♥'s demi forever
    • "i" surf
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #7 on: October 09, 2009, 09:18:41 am »
eat bulaga...

from channel 9 to channel 2 to channel 7..


ang institusyon, ang nakasanayan ng tao. ang noontime show ng Pilipino!
"THERE IS NO SUBSTITUTE FOR THE REAL."

mangkepwing

  • Study as If U live Forever, Lived as if u will die tomorrow
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2613
  • Karma 1
  • Gender: Male
  • Ur Friendly MangTEmi At Ur Service
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #8 on: October 09, 2009, 09:31:24 am »
hangat may bata may eatbulaga ,kaya ung mga batang nanonood dati ng eatbulaga nanonood pa din hangang ngayon. iba talaga ang original at walang tinatapakan kung hindi makapagbigay tuwa saya pagasa at tulong , yan ang eatbulaga .

PROUD EB FAN
doN't Race In thE stReetS, BettEr yEt Race iN thE stripS!

Master Dave

  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4421
  • Karma 153
  • Gender: Male
  • Master of none
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #9 on: October 09, 2009, 09:34:05 am »
kaya pa siguro nila ng another 20 years! toast::

eviliori

  • Let It Rain.... BLooD !!!...
  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1737
  • Karma 1
  • Gender: Male
  • Riot Of BLood !!!...
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #10 on: October 09, 2009, 10:12:59 am »
ang tindi nang EB whewz !!.. at ang host nang wowowee ang tindi sa hangin =P.....

I LoVe OnLy MySeLf... aNd FiGhT fOr OnLy MySeLf !!!!...

c0rn3lius

  • Guest
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #11 on: October 09, 2009, 10:43:16 am »
kahit siguro wala na ang TV & J sa EB, magta-top pa rin sila sa ratings....

@leX

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 986
  • Karma 4
  • Gender: Male
  • "Alexander the Great"
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #12 on: October 09, 2009, 10:59:44 am »
Proud to be a dabarkads... Grabe simula ng ipinanganak ako EB na sila... until now EB parin sila and they remain the best in noontime shows. Kinalakihan ko na talaga ito... Cheers for another 30 years! toast::



"No matter how gifted you are, you alone cannot change the world..."

miyabi2

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 442
  • Karma 49
  • Gender: Male
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #13 on: October 09, 2009, 01:29:47 pm »
kahit siguro wala na ang TV & J sa EB, magta-top pa rin sila sa ratings....

BUmuLAGtA sila sa WOWOWEE  ::lmao

TNS Philippines Television Audience Measurement


NATIONAL Daytime Program Rankings for October 8 (Thursday)


Program/Channel/Rating

1 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/22.4
2 Wowowee/ABS-CBN/21.4  :applause
3 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/20.3
4 Maria De Jesus/ABS-CBN/17.4
5 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin/ABS-CBN/16.6
6 Pinoy Big Brother Double Up Uber/ABS-CBN/15.6
7 Eat ... Bulaga!/GMA/15.0  ::lmao
8 Tinik Sa Dibdib/GMA/13.1
9 Pilipinas Game KNB?/ABS-CBN/12.4
10 Daisy Siete/GMA/12.3


BALANCE LUZON

Program/Channel/Rating

1 TV Patrol World/ABS-CBN/40.2
2 May Bukas Pa/ABS-CBN/39.0
3 Katorse/ABS-CBN/37.6
4 Lovers In Paris/ABS-CBN/33.2
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/27.0
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/25.9
7 Wowowee/ABS-CBN/24.8  :applause
8 Darna/GMA/24.2
9 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin/ABS-CBN/23.0
10 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/22.2


VISAYAS Whole Day Program Rankings for October 8 (Thursday)

Program/Channel/Rating

1 TV Patrol World/ABS-CBN/54.3
2 May Bukas Pa/ABS-CBN/50.3
3 Katorse/ABS-CBN/47.1
4 Lovers In Paris/ABS-CBN/46.0
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/37.8
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/37.3
7 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/34.2
8 Wowowee/ABS-CBN/33.2  :applause
9 Maria De Jesus/ABS-CBN/31.7
10 Pinoy Big Brother Double Up/ABS-CBN/29.6


MINDANAO Whole Day Program Rankings, October 8 (Thursday)

Program/Channel/Rating


1 May Bukas Pa/ABS-CBN/56.9
2 TV Patrol World/ABS-CBN/56.5
3 Lovers In Paris/ABS-CBN/55.6
4 Katorse/ABS-CBN/51.8
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/45.7
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/ABS-CBN/43.6
7 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/39.5
8 Maria De Jesus/ABS-CBN/37.6
9 Wowowee/ABS-CBN/37.0  :applause
10 Pinoy Big Brother Double Up/ABS-CBN/30.7


kaya galit na galit si tandang joey kay willie eh  laffman::

DXM

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 187
  • Karma 8
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #14 on: October 09, 2009, 01:37:26 pm »
ilang lindol na ang yumanig, ilang bagyo ang nanalanta hanggang ngayon.. eat bulaga  toast::


joelanch

  • a lost soul searching for his path
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1116
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #15 on: October 09, 2009, 01:41:55 pm »
ibang klase talaga ang eat bulaga. kay daming loyal fans. magagaling din kasi ang mga host. unlike sa kabila na yung mga contestants ang nagdadala ng shows at parang pangsupport lang yung hosts

laitzu

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3254
  • Karma 23
  • Gender: Male
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #16 on: October 09, 2009, 01:50:13 pm »
Mula Batanes hanggang Jolo, ibang klase talaga ang Eat Bulaga  toast::

TVJ Interview with Jessica Soho.
[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=aBU_6EHGjkQ[/youtube]
Get $50 to start/Earn up to $20/day/Earn $5 per referral


Ethan Hunt

  • IMF Agent
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 688
  • Karma 3
  • It isn't mission difficult-it's mission impossible
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #17 on: October 09, 2009, 05:45:53 pm »
BUmuLAGtA sila sa WOWOWEE  ::lmao

TNS Philippines Television Audience Measurement


NATIONAL Daytime Program Rankings for October 8 (Thursday)


Program/Channel/Rating

1 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/22.4
2 Wowowee/ABS-CBN/21.4  :applause
3 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/20.3
4 Maria De Jesus/ABS-CBN/17.4
5 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin/ABS-CBN/16.6
6 Pinoy Big Brother Double Up Uber/ABS-CBN/15.6
7 Eat ... Bulaga!/GMA/15.0  ::lmao
8 Tinik Sa Dibdib/GMA/13.1
9 Pilipinas Game KNB?/ABS-CBN/12.4
10 Daisy Siete/GMA/12.3


BALANCE LUZON

Program/Channel/Rating

1 TV Patrol World/ABS-CBN/40.2
2 May Bukas Pa/ABS-CBN/39.0
3 Katorse/ABS-CBN/37.6
4 Lovers In Paris/ABS-CBN/33.2
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/27.0
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/25.9
7 Wowowee/ABS-CBN/24.8  :applause
8 Darna/GMA/24.2
9 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin/ABS-CBN/23.0
10 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/22.2


VISAYAS Whole Day Program Rankings for October 8 (Thursday)

Program/Channel/Rating

1 TV Patrol World/ABS-CBN/54.3
2 May Bukas Pa/ABS-CBN/50.3
3 Katorse/ABS-CBN/47.1
4 Lovers In Paris/ABS-CBN/46.0
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/37.8
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/37.3
7 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/34.2
8 Wowowee/ABS-CBN/33.2  :applause
9 Maria De Jesus/ABS-CBN/31.7
10 Pinoy Big Brother Double Up/ABS-CBN/29.6


MINDANAO Whole Day Program Rankings, October 8 (Thursday)

Program/Channel/Rating


1 May Bukas Pa/ABS-CBN/56.9
2 TV Patrol World/ABS-CBN/56.5
3 Lovers In Paris/ABS-CBN/55.6
4 Katorse/ABS-CBN/51.8
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/45.7
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/ABS-CBN/43.6
7 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/39.5
8 Maria De Jesus/ABS-CBN/37.6
9 Wowowee/ABS-CBN/37.0  :applause
10 Pinoy Big Brother Double Up/ABS-CBN/30.7


kaya galit na galit si tandang joey kay willie eh  laffman::


you depend too much on ratings. trust on yourself. believe what you want to believe. no one can ever match your opinion. "Opinions are like wrist watches, everybody has watches, but one believes, his own." ;)

jflash23

  • hindi dahil matagal kana sa espiya tama ka na..
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1578
  • Karma 1
  • iba ang pisikal sa marumi..ROW 4
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #18 on: October 10, 2009, 09:36:56 am »
BUmuLAGtA sila sa WOWOWEE  ::lmao

TNS Philippines Television Audience Measurement


NATIONAL Daytime Program Rankings for October 8 (Thursday)


Program/Channel/Rating

1 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/22.4
2 Wowowee/ABS-CBN/21.4  :applause
3 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/20.3
4 Maria De Jesus/ABS-CBN/17.4
5 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin/ABS-CBN/16.6
6 Pinoy Big Brother Double Up Uber/ABS-CBN/15.6
7 Eat ... Bulaga!/GMA/15.0  ::lmao
8 Tinik Sa Dibdib/GMA/13.1
9 Pilipinas Game KNB?/ABS-CBN/12.4
10 Daisy Siete/GMA/12.3


BALANCE LUZON

Program/Channel/Rating

1 TV Patrol World/ABS-CBN/40.2
2 May Bukas Pa/ABS-CBN/39.0
3 Katorse/ABS-CBN/37.6
4 Lovers In Paris/ABS-CBN/33.2
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/27.0
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/25.9
7 Wowowee/ABS-CBN/24.8  :applause
8 Darna/GMA/24.2
9 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin/ABS-CBN/23.0
10 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/22.2


VISAYAS Whole Day Program Rankings for October 8 (Thursday)

Program/Channel/Rating

1 TV Patrol World/ABS-CBN/54.3
2 May Bukas Pa/ABS-CBN/50.3
3 Katorse/ABS-CBN/47.1
4 Lovers In Paris/ABS-CBN/46.0
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/37.8
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/37.3
7 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/34.2
8 Wowowee/ABS-CBN/33.2  :applause
9 Maria De Jesus/ABS-CBN/31.7
10 Pinoy Big Brother Double Up/ABS-CBN/29.6


MINDANAO Whole Day Program Rankings, October 8 (Thursday)

Program/Channel/Rating


1 May Bukas Pa/ABS-CBN/56.9
2 TV Patrol World/ABS-CBN/56.5
3 Lovers In Paris/ABS-CBN/55.6
4 Katorse/ABS-CBN/51.8
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/45.7
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/ABS-CBN/43.6
7 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/39.5
8 Maria De Jesus/ABS-CBN/37.6
9 Wowowee/ABS-CBN/37.0  :applause
10 Pinoy Big Brother Double Up/ABS-CBN/30.7


kaya galit na galit si tandang joey kay willie eh  laffman::




wala akong paki sa ratings-ratings na yan bro..

basta maganda ang EAT BULAGA..

bastos ang host ng wowowee

tapos

maveriq96

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1425
  • Karma 12
  • Gender: Male
  • banzaiiii!!!
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #19 on: October 10, 2009, 12:45:41 pm »
ratings.....nababayaran......smoking::

HEIDERN

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2357
  • Karma 11
  • Gender: Male
  • BITAG X-TREME
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #20 on: October 11, 2009, 04:38:59 am »
ratings.....nababayaran......smoking::
tumpak,,,,,,tsaka hindi ako bilib sa hinayupak na ratings na yan ,,,,maraming tao na natulungan ng EB at marami na ring artista ang sa kanila nadiskobre,,,ex. JERICHO ROSALES,RACHEL ANN GO,etc.

sikensangwits

  • Mature (18+)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 520
  • Karma 4
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #21 on: October 18, 2009, 03:56:27 am »
BUmuLAGtA sila sa WOWOWEE  ::lmao

TNS Philippines Television Audience Measurement


NATIONAL Daytime Program Rankings for October 8 (Thursday)


Program/Channel/Rating

1 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/22.4
2 Wowowee/ABS-CBN/21.4  :applause
3 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/20.3
4 Maria De Jesus/ABS-CBN/17.4
5 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin/ABS-CBN/16.6
6 Pinoy Big Brother Double Up Uber/ABS-CBN/15.6
7 Eat ... Bulaga!/GMA/15.0  ::lmao
8 Tinik Sa Dibdib/GMA/13.1
9 Pilipinas Game KNB?/ABS-CBN/12.4
10 Daisy Siete/GMA/12.3


BALANCE LUZON

Program/Channel/Rating

1 TV Patrol World/ABS-CBN/40.2
2 May Bukas Pa/ABS-CBN/39.0
3 Katorse/ABS-CBN/37.6
4 Lovers In Paris/ABS-CBN/33.2
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/27.0
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/25.9
7 Wowowee/ABS-CBN/24.8  :applause
8 Darna/GMA/24.2
9 Ang Lalaking Nagmahal Sa Akin/ABS-CBN/23.0
10 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/22.2


VISAYAS Whole Day Program Rankings for October 8 (Thursday)

Program/Channel/Rating

1 TV Patrol World/ABS-CBN/54.3
2 May Bukas Pa/ABS-CBN/50.3
3 Katorse/ABS-CBN/47.1
4 Lovers In Paris/ABS-CBN/46.0
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/37.8
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/37.3
7 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/34.2
8 Wowowee/ABS-CBN/33.2  :applause
9 Maria De Jesus/ABS-CBN/31.7
10 Pinoy Big Brother Double Up/ABS-CBN/29.6


MINDANAO Whole Day Program Rankings, October 8 (Thursday)

Program/Channel/Rating


1 May Bukas Pa/ABS-CBN/56.9
2 TV Patrol World/ABS-CBN/56.5
3 Lovers In Paris/ABS-CBN/55.6
4 Katorse/ABS-CBN/51.8
5 Dahil May Isang Ikaw/ABS-CBN/45.7
6 Kambal Sa Uma/ABS-CBN/ABS-CBN/43.6
7 Banana Split Daily Servings/ABS-CBN/39.5
8 Maria De Jesus/ABS-CBN/37.6
9 Wowowee/ABS-CBN/37.0  :applause
10 Pinoy Big Brother Double Up/ABS-CBN/30.7


kaya galit na galit si tandang joey kay willie eh  laffman::



wag ka masyado mag papapaniwala sa RATINGS brad, gusto mo magtayo ka ng sariling noontime show mo, pagtapos magbayad ka sa ahensyang iyan, sigurado numero UNO show mo.  :P  di kami Ma-loloko ng Ratings na yan. sows! :P
 

tariusp

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 215
  • Karma 0
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #22 on: October 20, 2009, 03:17:39 am »

wag ka masyado mag papapaniwala sa RATINGS brad, gusto mo magtayo ka ng sariling noontime show mo, pagtapos magbayad ka sa ahensyang iyan, sigurado numero UNO show mo.  :P  di kami Ma-loloko ng Ratings na yan. sows! :P

hindi nga kayo ngpapaloko sa ratings pero mga sarili nyu nmn ang niloloko nyo :P laffman::


you like EB because you hate willie
they like wowowee because they hate joey  ::lmao

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #23 on: October 20, 2009, 03:43:59 am »
eto ka na naman bro, BIAS reporting ka eh. di mo na naman sinama Mega Manila Ratings

MEGA MANILA Whole Day Program Rankings for October 8 (Thursday)
   Program    Channel    Rtg(%)
1    MARS RAVELO’S DARNA    GMA    30.3
2    24 ORAS    GMA    27.6
3    STAIRWAY TO HEAVEN    GMA    26.2
4    ROSALINDA    GMA    25.4
5    SURVIVOR PHILIPPINES: PALAU    GMA    22.7
6    TV PATROL WORLD    ABS-CBN    21
7    LOVERS IN PARIS    ABS-CBN    19.9
8    EAT… BULAGA!    GMA    19.8
9    KATORSE    ABS-CBN    19.3
10    MAY BUKAS PA    ABS-CBN    18.9

according din sa TNS ang total respondent ay 34M people. with Mega Manila having 11.5m respondents. and the rest kalat na sa Luzon, Visayas and Mindanao. (34-11.5)/3 = 7.5m respondents for each LuzViMin.

shavehead

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 541
  • Karma -1
  • Gender: Male
  • Hi to all fellow Espiya....
Re: Tony Tuviera: Ama ng Eat… Bulaga!
« Reply #24 on: October 20, 2009, 03:57:08 am »
hindi nga kayo ngpapaloko sa ratings pero mga sarili nyu nmn ang niloloko nyo :P laffman::


you like EB because you hate willie
they like wowowee because they hate joey  ::lmao

Korek.........tumpak....