in my own humble opinion and based on my OWN PERSONAL EXPERIENCES, mga salot sa lipunan yang mga hinayupak at pesteng mga NPA na yan.
noong bata pa ako ay sobrang bilib ako sa mga NPA, pero habang lumalaki ako at namumulat sa mga pinaggagagawa na mga NPA na yan, naisip ko na hindi na IDEOLOHIYA ang kanilang ipinaglalaban kundi pansariling interes at sariling kaginhawaan.
merong ginawang pagsasaliksik noong 2002 tungkol sa kaalaman ng mga kasapi ng grupong NPA sa ideolohiyang ipinaglalaban nila at lumalabas na anim na porsiyento lamang ang nakakaalam sa tinatawag nilang ideolohiya, ang natitirang 94% ay walang konkretong kaalaman kung ano ba ang kanilang ipinaglalaban.
ano ba ang ipinaglalaban ng makakaliwang grupong ito? ang kanilang adhikain ay agawin ang kapangyarihan sa pamamagitan ng marahas na pamamaraan at palitan ang ating kasalukuyang gobyerno na demokrasiyang republika sa gobyernong kumunista na ibinabase nila sa bansang tsina sa kaisipang marx at lenin. sa ilalim ng rehimeng komunista, walang pribadong pag aari at negosyo, lahat ng ariarian ay kontrolado ng gobyerno. pano na lang yung mga pinaghirapan ng mga taong nagsipag at nagpakahirap magtrbaho ngayong panahon ng demokrasya? e di laking tuwa ng mga tamad at makikihati sila sa perang hindi nila pinagpaguran.
sa mga nakalipas na taon, maraming bansa na ang tumalikod sa pagiging komunista, pero meron na ba kayong nabalitaan na bansa na kusang iniwan ang demokrasya para maging bansang komunista? bakit kaya? noong 1990, iniwan ng mga bansang poland, east germany, bulgaria, romania, czechoslovakia, hungary at iba pa ang pagiging komunista, mula noon ay unti unting bumangon ang kanilang ekonomiya. ngunit ang mga bansang naiwan sa pagiging komunista atulad ng north korea, cuba, at laos ay nahihirapang bumangon.
para sa akin, hadlang ang makakaliwang grupo o ang NPA sa pag usad ng ekonomiya ng ating bansa lalong lalo na sa mga rural areas. maraming negosyo at industriya ang di natutuloy dahil sa mga ginagawang harassment ng grupong NPA. maraming negosyante ang nagdadalawang isip magpatayo ng negosyo dahil sa NPA. meron akong personal na kaalaman dito dahil lumaki ako sa probinsya at marami na akong personal na nasaksihan.
isa na dito ay ang paghingi ng revolutionary tax na sobra sobra. sa una ay medyo malaki ng halaga ang hinihingi nila pero pwede pang palagpasin. pero habang tumatagal umaabot na sa milyong milyong halaga ang kanilang hinihingi. saan napupunta ang mga perang ito? kay Jose Maria Sison kaya na napakanda ang buhay sa bansang Netherlands, na siyang pinanggagalingan ng mga mararahas na utos para sa mga NPA? kung hindi ka naman magbibigay ng revolutionary tax dahil hindi na kaya ng iyong kinikita, susunugin nila ang negosyo mo, kikidnapin o papatayin nila ang may ari ng negosyo, tatakutin ka nila upang isara na ang iyong negosyo.
isipin natin, kung hindi dahil sa mga NPA, marami sanang negosyo ang natuloy, marami sanang negosyo ang hindi nagsara, MARAMI SANANG TRABAHO PARA SA MGA GUSTONG MAGTRABAHO DOON SA MGA PROBINSYA, at napakalaking tulong sana ito sa ating ekonomiya. magbabayad ka na nga ng napakalaking tax sa gobyerno, magbabayad ka pa ng mas malaking revolutionary tax sa NPA, pano ka pa kikita ng konting pera nyan, magsara ka na lang or better wag ka na magnegosyo.
mahaba pa sana to pero baka magmukhang thesis na.
anyway, ito po ay ang aking sariling opinyon at kaisipan lamang. ang mga salungat na opinyon at kaisipan po ay aking rinerespeto at binibigyan ng halaga.
magandang araw po sa ating lahat. Godbless...