Mga ka-espiya magtatanong lang sana ako kung alam niyo ba yung Sunsonic brand na Tablet 7 inches. Kasi nangyari eh nasira siya bale una nag hang, tapos biglang nasira ung image niya parang sira ung video card pag sa PC tapos pinatay ko. Charge ko siya until full battery tapos nung in-on ko lumabas yung SUNSONIC na logo tapos ANDROID pero andun nalang siya. Nangyari na sa phone ko yung infinite boot loop pero yung Tablet ko kasi d ko ma access yung recovery mode. May Power Button siya at Volume (+) at Volume (-) wala siyang Home button. Sinubukan ko sa USB pero hindi nadedetect ng PC ko kasi naka off ung USB Debugging ng Tablet. Pano kaya ayusin?