Sino ba bumoto sa nagmamanipula na yun? yung mga squatter diba? Hindi pa ako nakakita ng nangampanya sa mayaman... lagi sa mahirap... tatargetin ba nila ang masa kung hindi ito madali utuin?
@2fear!
ganun pala yun, kung hindi ako nagsikap sa buhay eh gobyerno ang may kasalanan... ok... hindi rin ako mayaman, pero hindi ako nagpapauto sa mga yan... natural na paniwalaan nila yung mga yun dahil sa kagustuhan nila makaraos sa hirap, na mali dahil hindi nila alam na kasinungalingan lng lahat...
@namster
wala naman dapat sa status eh, ang kaso eh sila yung nagpapauto sa mga pangako ng mga yan...
Nakakaawa naman talaga yung mga squatter sa totoo lang, pero hindi naman lahat sila napunta sa sitwasyon na ganun dahil sa gobyerno...
matapobre ka nga. tsk tsk tsk.
ano ba ang target ng mga pulitiko? makakuha ng maraming boto diba? aba kung mas marami ang mayaman sa atin edi di magaatubili na ligawan ng mga kandidato ang mayayaman. pero hindi eh, mas marami pa rin sa atin ang nakakaranas ng gutom. numbers game din naman yan eh.
mababa talaga tingin mo sa mga kapwa mo. well, sabagay kayong mayayaman (feeling?) nakakaligo kayo kahit ilang beses sa isang araw, pdeng magbabad, magspray ng masangsang na pabango. pero nakakatawa lang dahil kahit ano ang tago ng inyong amoy, may baho pa ring sumisingaw.
back to topic.
wala namang problema kung tumakbo si erap eh, karapatan nya yun, kung may naviolate man sya na batas, meron naman tayong korte. nasa ating mga kamay (mayaman o mahirap) ang desisyon kung makakaupo ba siya sa pwesto. pero kakatakot lang dahil kung merong sumingaw na dayaan nung nakaraan, siguradong may sisingaw ulit sa susunod na halalan. kung totoo man nakapangdaya sila noon, siguradong mauulit pa rin ito. pero sana hindi mangyari ito.
malaki rin kasi ang papel ng gobyerno para maiangat ang buhay ng isang juan dela cruz. tulad nalang sa pagpataw ng buwis (RVAT) at wastong paggamit ng kaban ng bayan.