Espiya

Espiya Newstand (Current Events, Classifieds, Events) => Current Discussions => Politics => : Erotomania March 12, 2013, 04:08:06 PM

: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: Erotomania March 12, 2013, 04:08:06 PM


[youtube]jkbrWvQBYnI[/youtube]


napanood ko kanina at natatawa ako sa kanilang dalawa, imbes na ilatag nila pareho yung platoporma nila para sa maynila eh nauwi sa personalan.

i'll go with Lim pa rin, mas medyo nabawasan ang mga drug addicts, mas maraming trabaho at mas medyo tumahimik ang maynila. si erap parang personalan lang ang gusto niya dahil iniwan siya ni Lim dati.

nagtataka lang din ako rito kay erap eh siya lang makikita kong from president eh magiging mayor, wala na ba siyang karapatang tumakbo sa kongreso?
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: MasterChief63 March 12, 2013, 04:15:05 PM
LIM = less Drugs
ERAP = Estradas control all the DRUGs in San Juan, thats why they have a solid hold on it, if Erap wins then Manila will have more Drugs from San Juan
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: Erotomania March 12, 2013, 04:42:00 PM

maybe that's why he want to control manila, big drug selling from a big city  :D
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: beaverjohn2006 March 12, 2013, 05:29:04 PM
"Bat ako iiyak sa harap ng isang criminal" LIM

"Iyakin ka ,tumutulo pa nga luha mo" ERAP

Wahaha! ::lmao  napikon si lim.

joker talaga at nuknukan ng sinunggaling si erap!   

nauwi sa personalan... ;D ;D ;D

tsalap pakinggan magkuwento ni erap wala bang full episode ito about sa debate nila? ;D ;D ;D
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: BlueAlphaZero March 12, 2013, 05:32:17 PM
My vote goes to Mayor Alfredo Lim. Joseph Estrada just wants to use Manila as his steppingstone back to the presidency.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: kenji_kulet March 12, 2013, 05:53:53 PM
Lim parin less crime for sure
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: Erotomania March 12, 2013, 06:20:24 PM

but for sure erap will win, malakas pa rin talaga ang erap magic, at kapag nanalo ito malamang umpisa na ng dynasty nila sa manila like what they did in san juan
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: MasterChief63 March 12, 2013, 06:24:35 PM
but for sure erap will win, malakas pa rin talaga ang erap magic, at kapag nanalo ito malamang umpisa na ng dynasty nila sa manila like what they did in san juan

yep mananalo erap, not with vote buying but with Meth-for-Votes program, masyado na maliit ang value ng piso pero ang shabu ganun pa rin

ERAP 2013: "SHABU PA"
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: sixty9 March 12, 2013, 06:25:26 PM
hehehe,, parang usapang lasing lang eh.. nakaka aliw panoorin ung dalawa
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: mikester March 12, 2013, 06:40:46 PM
only in the Philippines.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: gkhan March 12, 2013, 08:23:30 PM
People should never forget what Senyor Joseph did for San Juan when he became the town's executive. Hence, he has the experience bringing a moribund city to one with a world class stature.  Senyor Alfredo has been there for the last six years but never have I seen an urban renewal program to uplift the city's blight. He was only vindictive in removing and destroying all those projects that former Mayor Lito did.  However, because of his age, Senyor Joseph might not be diligent in reading documents already so he might again leave administrative control of the city to his guys as what he was doing when he was President. Nuon, ang nagbabasa ng mga dokumento sa Malakanyang ay si Manong Ronnie, ang kanyang Executive Secretary. Similarly, he might leave all control of the city to his Vice Mayor which will be Senyor Isko.  Then, Manila may be in better hands.  Ang pulis, laging utak pulis yan.  Even in the treatment of the Isko Fiasco re arresting those who he says are conducting binggo, walang finesse - utak pulis pa rin. In politics, you don't do that sa perceived "kalaban". Kaya nga sa Manila, walang class, walang finesse, walang sophistication ang pagpapatakbo ng gobyerno at nakikita ito in the absence of appreciation of beauty, of the fine arts, of the Humanities.  Bakit hindi nila magaya ang ginawa ng mayor ng New York or those mayors of world class cities? Ang daming pera ng Manila pero saan napupunta? Pati koryente eh di mabayaran? Anong klase ng ama ng isang tahanan ang walang cash flow management na di mabayaran ang bill ng koryente? That already tells you the kind of mentality of a police.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: bundukero March 12, 2013, 09:04:33 PM
ako simula sa legal age of voting eh hindi p ko bumoto. . . i'll go with Mayor Lim. . . why? Ok naman ang maynila, the last time he run as a mayor way back 90's natalo sya ni atienza. Ang nag nagpatalo sa kanya eh yung isang paraan Panu sugpuin yung droga. . . andyan yung Spray paint campaign nya na madaming nagalit sa kanya. . .  time heals, he ran as a senator and he got it. . .. now he's the Mayor of manila again for the nth time. .

i think meron pang ibang agenda si estrada bakit gusto nya tumakbo sa maynila. . .
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: Yubi Akira March 12, 2013, 09:10:00 PM
 ako walang pipiliin sa dalawa kse nde naman ako botante ng Maynila ;D
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: tiberionx March 12, 2013, 09:10:29 PM
ayaw ko din yung ginawa ni lim na giniba yung gma projects ni atienza ... sayang ang pera at ang ganda na ng baywalk and recto during that time

ngayon ang pangit na ulit ...
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: frigate March 12, 2013, 10:42:00 PM
matanong lang po everytime kase na Estradas will run and laging ipinagmamalaki eh ang San Juan but for my point of view, nasaan ang San Juan ngayon?  what is it known for?  since 70's ata Estrada na ang nakaupo dyan pero parang hindi naman talaga umasenso anong meron sa San Juan?

sana bumoto ng tama ang mga tao kahit na paulit ulit na lang na popularity beats credibility pero sana at sana pa rin bumoto ng tama.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: MasterChief63 March 12, 2013, 10:52:17 PM
ayaw ko din yung ginawa ni lim na giniba yung gma projects ni atienza ... sayang ang pera at ang ganda na ng baywalk and recto during that time

ngayon ang pangit na ulit ...

mas gugustuhin ko na PANGIT kesa sa pesteng TRAPIK, and that RECTO project made prostitutes and thieves have a place to call "Work"
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: markakol March 12, 2013, 11:29:53 PM
ako Lim,
bakit pa ako mag vote sa taong subok na, pinatalsik na sa pwesto at nakulong. tsk tsk tsk tao nga naman.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: paolopierce March 12, 2013, 11:34:25 PM
pag si erap nanalo dito inireready lang niya un manila para sa president election para kay jinggoy un ang sabi ng erpat ko kasi nga big city
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: Prince Barry March 12, 2013, 11:57:58 PM
People should never forget what Senyor Joseph did for San Juan when he became the town's executive. Hence, he has the experience bringing a moribund city to one with a world class stature.  Senyor Alfredo has been there for the last six years but never have I seen an urban renewal program to uplift the city's blight. He was only vindictive in removing and destroying all those projects that former Mayor Lito did.  However, because of his age, Senyor Joseph might not be diligent in reading documents already so he might again leave administrative control of the city to his guys as what he was doing when he was President. Nuon, ang nagbabasa ng mga dokumento sa Malakanyang ay si Manong Ronnie, ang kanyang Executive Secretary. Similarly, he might leave all control of the city to his Vice Mayor which will be Senyor Isko.  Then, Manila may be in better hands.  Ang pulis, laging utak pulis yan.  Even in the treatment of the Isko Fiasco re arresting those who he says are conducting binggo, walang finesse - utak pulis pa rin. In politics, you don't do that sa perceived "kalaban". Kaya nga sa Manila, walang class, walang finesse, walang sophistication ang pagpapatakbo ng gobyerno at nakikita ito in the absence of appreciation of beauty, of the fine arts, of the Humanities.  Bakit hindi nila magaya ang ginawa ng mayor ng New York or those mayors of world class cities? Ang daming pera ng Manila pero saan napupunta? Pati koryente eh di mabayaran? Anong klase ng ama ng isang tahanan ang walang cash flow management na di mabayaran ang bill ng koryente? That already tells you the kind of mentality of a police.

very well said  finger4u finger4u finger4u
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: Erotomania March 13, 2013, 12:50:30 AM
ayaw ko din yung ginawa ni lim na giniba yung gma projects ni atienza ... sayang ang pera at ang ganda na ng baywalk and recto during that time

ngayon ang pangit na ulit ...

mas naging worst ang recto at avenida noong time ni atienza

kung manileño ka at araw araw mong dinadaanan ang avenida patungo sa school o trabaho, maiinis ka dahil sa ginawa ni atienza. siya lang ang bukod tanging nagsara ng kahabaan niyon para gawing plasa at tiangge. hindi niya alam na malaki ang kontribusyon ng avenida sa history ng manila, andyan ang pangunahing sinehan noon na dinarayo ng mga artista. at yan din ang paboritong pasyalan noon ng mga tao, pero noong sinara niya eh nagkanda letse letse na ang trapiko doon. kung saan saan ba naman paikot ikotin ang mga sasakyan palabas ng avenida. kaya noong si LIM ang nanalo, laking tuwa ng mga manileño, binuksan ulit ang avenida para sa madla, at wala na rin yung mga prosti roon.

yung baywalk naman ewan ko ba bakit ginawang parang discohan bar ni atienza. humina tuloy yung mga bar doon sa katapat lang niya halos na malate. yung trapik sa roxas naging doble dahil ginawang parking na yung gilid ng roxas. hindi na maenjoy ng pamilya yung sunset sa baywalk dahil sa ingay ng mga banda at maraming lasing. kaya laking tuwa rin namin nung binalik sa normal ulit ni LIM yung baywalk.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: Idiot March 13, 2013, 03:47:18 AM
di marunong sa Financial management si Lim

ilan years na syang nakaupo e yung 800 million utang sa meralco  hanggang ngayon di mabayaran may 200 Million pa

2012 pa to baka pakana ni erap who knows pero COA report na ito

http://newsinfo.inquirer.net/249899/manila-city-hall-virtually-bankrupt-has-more-debts-than-cash-coa

erap still has the magic and charisma

and Lim mahirap depensahan na malaki naman ang income ng City and yet di mabayaran ang utang tsk tsk

sana inuna muna ni Lim ang utang nag-hire sana sya ng mga accounting at financial management to manage the city finances  6 years of mayorship still may utang paden

: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: Yubi Akira March 13, 2013, 03:59:11 AM

 sino sa inyo ang botante ng manila?
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: kluverbucy March 13, 2013, 05:06:20 AM
Sa ginawa ni Lim sa Recto, Avenida at Manila bay pabor ako mas nakakatakot dati sa panahon ni Atienza ang baho baho at ang dumi ng Manila bay noon lalo dun sa mga club na nakatayo dun lumaganap ang prostitusyon, away kalye at ang panghi panghi dati. Isa pa nakatutok si Lim sa Public Health madaming naprovide na tulong sa mga hospital projects. Ang problema ay ang BASURA sa manila walang pake si Lim sa BASURA kasi dito nagmumula ang income nya sa BASURA, sa collections ng basura sa Manila dyan siya tiba tiba, kita nyo ang Quezon City napaka daling nagpatupad ng less plastics, ang MANILA na kung saan dapat limitahan ang PLASTICS para luminis linis naman sana, ano ang move na ginawa??? WALA!!!

Dahil din sa basura, dyan nagka talo yang dalawang yan si Lim gustong solohin ang collection sa basura kahit hirap na ang mga bataan nya, kaya nga kahit anong recycle ang gawin nandyan pa din ang SANTAMBAK na basura sa manila. Heto pa si Lim kasi nangako kay ISKO na ngayong halalan si ISKO na ang tatakbo for mayoralty dating dati pa dapat tumakbo si Isko kaso mukhang gusto pa din mamuno ni Lim, since walang kakapitan na malakas si Isko dito na pumasok si Erap.

Siguro kung sino man ang manalo for mayoralty ng Manila yun na lang ang nakatadhana sakanila parehong may - at + side din kasi sila.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: lagotdough March 13, 2013, 05:31:02 AM
mas naging worst ang recto at avenida noong time ni atienza

kung manileño ka at araw araw mong dinadaanan ang avenida patungo sa school o trabaho, maiinis ka dahil sa ginawa ni atienza. siya lang ang bukod tanging nagsara ng kahabaan niyon para gawing plasa at tiangge. hindi niya alam na malaki ang kontribusyon ng avenida sa history ng manila, andyan ang pangunahing sinehan noon na dinarayo ng mga artista. at yan din ang paboritong pasyalan noon ng mga tao, pero noong sinara niya eh nagkanda letse letse na ang trapiko doon. kung saan saan ba naman paikot ikotin ang mga sasakyan palabas ng avenida. kaya noong si LIM ang nanalo, laking tuwa ng mga manileño, binuksan ulit ang avenida para sa madla, at wala na rin yung mga prosti roon.

yung baywalk naman ewan ko ba bakit ginawang parang discohan bar ni atienza. humina tuloy yung mga bar doon sa katapat lang niya halos na malate. yung trapik sa roxas naging doble dahil ginawang parking na yung gilid ng roxas. hindi na maenjoy ng pamilya yung sunset sa baywalk dahil sa ingay ng mga banda at maraming lasing. kaya laking tuwa rin namin nung binalik sa normal ulit ni LIM yung baywalk.
mas gugustuhin ko na PANGIT kesa sa pesteng TRAPIK, and that RECTO project made prostitutes and thieves have a place to call "Work"


tama nga sila. from manila din ako. nakita ko ups and downs ng manila at isa na sa down na yun eh yung sa avenida. grabe ang prostitution at holdup dun araw araw. ccm ako nag aaral dati kaya alam ko yung mga nangyayari dun. at bwisit na trapik kasi imbis na sa avenida ang daan ng mga sasakyan. sa tomas mapua pa eh ang kitid kitid ng daanan dun. tama lang ginawa ni lim. sa tingin ko :)
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: weng151515 March 13, 2013, 06:33:34 AM
yup... for sure ang first base ni erap is to grab manila para sa mga anak nya so, napa unlad nya ba ang san juan? nope san juan is not moving at all toward progressiveness,although legal yata shabu don pati carnaping...pag nagkataon at nanalo si erap kawawang isko umaasang magiging meyor wala bigla.. for sure sa taga manila after manalo si erap it will be jingoys turn to become mayor of manila..
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: ftc March 13, 2013, 06:38:03 AM
Erap - nakulong na nga dahil kumupit sa pera ng bayan, hihirit pa baka makaisa?
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: subicboy March 13, 2013, 07:00:07 AM
ewan ko sa iba pero di ako natawa sa inasta ni erap na tinutukso si Lim na umiiyak...parang bumabalik na sa pagkabata o kung ganun talaga siya, sigurado ayaw ko sa kanya...dagdag pa na napatunayan na plunderer siya, kriminal to e! tsk tsk tsk
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: stalker_123456789 March 13, 2013, 07:31:59 AM
kay Erap ako mga pre,,,,,
sa Maynila ako nakatira,
lugmok talaga katiwalian sa Maynila...
trapik,kotongan, atbp.
Nakikita ko to as in everyday ng buhay ko nakikita ko na kelangan ng pagbabago ng Maynila..
Compared to other cities, napg-iwanan na taga-Maynila...
Kapag may turista, di ba Maynila una nilang binibisita bago yung tourist spot...
Nakakaturn-off, sana umunlad ulit Maynila...
Ilang taon na ba si Lim sa Maynila pero ganun pa din..
kapag nga pumupunta ako sa City Hall e nag tsitsismisan at fb lang mga empleyado e,,
Iniisip ko, pano nila maayos ang maynila kung dun pa lang sa opisina e ganun na..
We've given Lim more time pero ganun pa din,,walang pagbabago..
Subok lang kay Erap..Tutal naman 1 term lang sya kasi ipapasa din nya kay Isko yan after 1 term...
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: KeiiChi March 13, 2013, 09:01:17 AM
Tanga lang ang boboto kay ERAP!  smoking::
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: MasterChief63 March 13, 2013, 09:08:04 AM
kay Erap ako mga pre,,,,,
sa Maynila ako nakatira

sa Maynila din ako nakatira, sa Tondo, whatever this shit LIM has WILL GET FAR FAR WORSE when the Estradas get hold of it
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: -=Kurabo=- March 13, 2013, 09:23:53 AM
Tanga lang ang boboto kay ERAP!  smoking::

and you'll see a lot of them this coming election laffman::

: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: dashu27 March 13, 2013, 11:37:53 AM
Si erap na kulong na!pang ilan na ba sya sa Last Presidential Election? Sigh... yan ang Pinoy.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: redrum 666 March 13, 2013, 01:11:08 PM
I'm from manila and kay lim pa din ako.. Di dapat manghinayang dun sa pinagiba ni lim sa avenida kasi overpriced na ung project substandard pa ung mga ginamit.. Ang ung sa baywalk di nagbabayad ng tax sa city of manila ung karamihan dun including ung bar ni manny pacquiao kaya pinasara ni lim.. The only reason kaya tumatakbo si erap dito sa manila e para ipasok lahat ng mga business nya na di pinayagan ni lim during his term..si isko nagpadala sa promise na sa kanya ang manila after 1 term ni erap and ung promise na siya ang magiging little mayor ng manila in preparation for his own mayoralty run! Ang dapat kay isko bawasbawasan ang pag kaaddict sa pagsusugal sa casino..well sabi nga nila birds of the same feather stick together.. Magkasundo sila ni erap pagdating sa pagsusugal.. Pag nanalo si erap at isko manila will be the sin city uli.. More drugs, gambling, at corruption! Lilipat na ko qc hahahaha pag nanalo si erap!
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: jagger60 March 13, 2013, 02:35:32 PM
sa Maynila din ako nakatira, sa Tondo, whatever this shit LIM has WILL GET FAR FAR WORSE when the Estradas get hold of it

taga Tondo din ako, sa Gagalangin...walang ibang pag pipilian kaya kay Lim din ako.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: gkhan March 14, 2013, 01:27:00 AM
Si erap na kulong na!pang ilan na ba sya sa Last Presidential Election? Sigh... yan ang Pinoy.

Sa totoo lang, mga senyor at senyora, ang tunay na nanalo nun last presidential election ay si Senyor Joseph.  Nguni't kailangan palabasin ng mga makina na nanalo si Senyor Simyon para mapaniwala tayong lahat na mas mabilis ang "automated election".  Bukod dito, malaking insulto sa mukha ng mga dilawan at naghaharing uri kun opisyal na lumabas na si Senyor Joseph ang nanalo.  In fact, si Yuchengo na mayari ng RCBC at isa sa mga haligi daw ng mga naghaharing uri na pinahintay ng dalawang oras ni Senyor Erap sa Malacanyang dahil sa kanyang mga mapanlinlang na insurance at educational plans ay di pa nagbabayad sa mga biktima nila hanggang ngayon. Obligado silang di lumabas na panalo si Senyor Joseph. Kaya hanggang ngayon, nasa phase pa rin ng pagbabayad utang si Senyor Boy. Maski labag sa lahat ng probisyon ng batas, hindi pa rin mailabas ang source code bukod sa napakaraming paglabag na itinakda ng batas. Maybe, in the local level, mabilis ang resulta dahil konti lang ang binibilang nguni't sa presidential level, kung susuriin ang date ng official declaration ng CON SELECT ng nanalo, masyado pa rin delayed compared sa time ng declaration nun manual pa ang bilangan.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: Idiot March 14, 2013, 03:35:32 AM
Tanga lang ang boboto kay ERAP!

ha ha ha ha ha sana matino na ang Pinas

but sad to say madaming ganyan sa Pinas

More drugs, gambling, at corruption! Lilipat na ko qc hahahaha pag nanalo si erap!

so saan ka universe nakatira

the Vatican city nagkaroon ng issue yan lugar na sagrado na ginagamit ng Mafioso yung bangko ng vatican para sa Money Laundering sinabi na yan sa mga foreign news channel at mga leading newspaper

and when we say mafia involve yan sa gambling, smuggling at iba

The USA sikat ang Las Vegas madaming pasugalan dun at sa ibang states na uso Porno

Macau na puro pasugalan

Taiwan - may pigeon race sila dun they say may pustahan

Japan - Panchinko at mga mga iba na hinahawakan ng mga Yakuza even the government itself tinotolerate nila mga Yakuza. Sabi ng mga analyst kaya "NAKABANGON" ang japan sa tulong ng mga Yakuza and that's money laundering

every countries e may mga pasugalan yan di yan mawawala
 
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: MasterChief63 March 14, 2013, 03:38:28 AM
ERAP 2013: METH for VOTES

because the value of the Peso goes down, but the value of METH... NEVAH!!!

SHABU PA!!!
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: kluverbucy March 14, 2013, 04:21:20 AM
Ano??? noong last election si Erap ang nanalo as President??? yang balitang yan, kuro-kuro mukhang malabo brads. Sarili nga nyang Bise hindi siya binoto eh..  ::lmao ::lmao ::lmao
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: CokeZero March 14, 2013, 08:51:40 AM
natatawa lang ako sa reply ng iba  ::lmao PEACE!
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: clickaway March 14, 2013, 01:46:51 PM
batang quiapo ako mga sir.

honestly.. ang pangit ng maynila, ang pangit na ang baho pa...

Have you tried walking to divisoria? sa pier area naka punta na ba kayo? sa quiapo? sa Raon?  sobrang Dumi Sobrang BAHO...

i live there for 24 years of mylife.... hangang ngayon pag bumabalik ako sa quiapo para mag simba every first friday of the month ganon pa rin.. walang pag babago...

if you dont want change Vote Lim,,,,  dont be too negative with erap... nakulong nga siya pero we all know its political...

on edsa 2 he can declare a martial law.. but he never din... he was offered to go on asylum in US but he never went...

: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: loverboy20 March 15, 2013, 02:30:42 AM
hindi ako taga manila and san juan pero mas madaming intriga ang naririnig tungkol sa maynila. dapat .noong presidente si erap gusto nyang mapalegal ang jueteng gagawin nyang bingo 2 ball but anung ginawa ng mga jueteng lords, syempre pinagalaw ang mga milyones para suportahan si gloria at nagpahakot ng mga tao sa kanilang sinasakupan para pumunta sa edsa. nasa tao ng maynila ang desisyon.  laffman:: vote wisely not vote pricely  toast::
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: raberdaki March 15, 2013, 03:24:56 AM
on edsa 2 he can declare a martial law.. but he never din... he was offered to go on asylum in US but he never went...

how can he declare martial law when the military is not on his side anymore?
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: subicboy March 16, 2013, 08:03:58 AM
^ korek!
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: kimagure March 26, 2013, 10:11:35 PM
LIM ako!
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: lorkanx44 March 27, 2013, 02:48:09 AM
Erap - nakulong na nga dahil kumupit sa pera ng bayan, hihirit pa baka makaisa?

dre comment lng si erap di nagnakaw ng pera sa bayan ang kinuha niya ay pera ng jueteng at kung di mu lng alam an daming nakinabang sa pera ng jueteng niya isa na ddyan ang education!
peace
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: Idiot March 27, 2013, 03:24:43 AM
Erap - nakulong na nga dahil kumupit sa pera ng bayan, hihirit pa baka makaisa?

ha ha har sino ba naman hindi kumupit kahit si Pnoy e nakabili ng Porsche

nakulong e nakulong lang sya dahil sa Jeuteng payola anong ninakaw nya dun
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: cute_boyz March 27, 2013, 05:18:58 AM
Erap para sa mahirap
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: tres11 April 16, 2013, 05:02:37 AM
...Ang Baho talaga ng Pulitika... PWE!!!!...    laffman::  toast::
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: ElCebuano April 16, 2013, 10:17:50 AM
dun ako "MANANALO" ::pampam
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: buddha April 18, 2013, 11:36:07 PM
Napakahirap bumoto sa Maynila. 'Yung isa, convicted former president na gusto pa humirit ng isa. 'Yung isa naman, kasalukuyang mayor ng isang napag-iwanang siyudad.

Ang gusto ko sana makita, isang Maynila na katulad ng pre-war era. Kahit sinong manalo sa dalawang ito, hindi uunlad ang Maynila.
: Re: Lim VS Erap....Kanino kayo?
: spanky_al April 19, 2013, 01:21:58 AM
Malas naman ng manila. Walang ibang mapagpipilian. Hehehe