Isa, akala ko ako lang.
Sabi mo, pagibig na walang hanggan
Buhay natin, bibigyan ng kasiyahan
Simula ngayon hanggang kamatayan.
Dalawa, oo dalawa kami na inibig mo
akala ko ako lang, yan ang iyong pangako
Pagmamahal na dati ay sakin, sa kanya dumeretso
Mukha ko at pagkatao, nawala sa iyong puso.
Tatlo, aayusin pa ba para maging masaya?
Bumalik ka sa akin at iniwan sya
Masaya ako at ngayon ay maayos na
Ikaw at ako, gagawa ng bagong simula
Ganito ba kabilis ang buhay sa mundo
ANg pagmamahalan, nakukuha sa isa dalawa tatlo.