depende lang yan sa lalim ng bulsa ng isang tao at kung saan galing yung pera niya.
kung pinaghirapan yan, baka hindi siya gagastos ng ganyang kalaki para dyan.
pero, kung galing sa kawalanghiyaan, posible. case in point: yung isang kaibigan ko may nakasamang congressman sa isang club. nung paalis na sila, nagtanong siya sa aide niya kung magkano pa ang natira sa clutch bag niya kasi magbibigay siya ng tip sa babaeng naka-table niya.
sabi ng aide: sir, 400 pa.
congressman: sige, ibigay mo na.
mga tol, hindi 400 pesos yun, kungdi 400,000 pesos!