kung may bible ka, read mo lang John 17:11 patuloy..... mababasa mo dun na hindi nga tao si Cristo....
eto talata mo...
11At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo.
Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin. 12Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan. sa talata 11 pinakiusapan ni jesus ang diyos na ingatan niya ang mha hinirang niya na naibigay na kay cristo upang ang hinirang ay maging ISA, katulad ni cristo at diyos, sapagkat si cristo ay kalarawan ng diyos. iisang gawain ang iligtas ang tao. hindi na IISANG DIYOS SILA, walang sinabi si cristo na diyos siya diyan.
13Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin. 14Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. 15Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama. 16Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan. 17Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.
18Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan. 19At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan. 20Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita;
21Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo. 22At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa; 23Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo. 24Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.
25Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin; 26At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.
"pansinin ilang beses inulit ni cristo na SINUGO lang siya ng AMA.... walang sinabi si cristo na isa siyang diyos. o trinidad diyan. yung kinapopootan ng sanlibutan ang tinutukoy dun ang mga hinirang sapagkat yaong tao na nakakilala kay jesus na tunay ay inuusig sa kaniyang pangalan. CRISTO, ang tanong sa realidad ngayon sino ang inuusig na tinutukoy diyan? diba ang hinirang? sino ang hinirang? kaw na mag-isip niyan doraexplorer. sinabi pa ni jesus AMA hindi ka nakikilala ng sanlibutan ngunit nakikilala kita, suriin mo sa realidad kung sino si cristo sa mga taong hindi nakikilala ang AMA... diba dios?"
tamad ako magexplain dito pakibasa ng link dahil malinaw dun at hindi sariling opinion... tska may talata pa na sagot... gabay ng espiritu ang paliwanag sa talata dun. naway ikaw ang mamulat sapagkat nagdudumilat na sa akin ang katotohanan....
JUAN 17 : 1 at 3