ok lang kung 10-10 sa bench press, para sa akin "paki ba nila"
then pag feel mo kaya mo na 10-10 na walang hirap, dagdag ka kahit tig 5 sa magka-bila, kung magaan pa din sayo dagdag ka 10 each side.
hindi minama-dali yan, kung ano lang muna kaya mo.
isang payo lang maibibigay, wag mo isipin yung iniisip ng mga nakaka-kita sayo, isipin mo kung ano ang magandang nagagawa mo sa sarili mo.
nung nasa gym ako, halos lahat din nakatingin sa binubuhat ko, halos 1 year bago ko narating 60-60lbs sa bench, tipong lahat sila medyo natatawa (dahil siguro medyo mataba ako), pero nung nag-simula ako mag-legs (squats, lounges saka calf raise), 150 agad simula ko.
para sa akin, malakas nga kayo sa bench, kamusta naman shoulder, tricep, back saka legs nyo? (walang connect LOL)
basta wag mo lang isipin mga iniisip ng iba. all in due time yan.