its not the buses.... idiots....
Katipunan ave to C5.. wala naman dumadaang bus dyan bakit matrapik... lalo na pag umaga at hapon?
dumaan na ba kayo sa tapat ng mirriam college at ateneo?
lagi sinisisi bus...kahit tanggalin ninyo lahat ng bus sa edsa magtatrapik pa rin yan.
..
Commonwealth ave.. from tandang sora to east ave/edsa, or to sm north.. or to quezon ave... VIA QUEZON CITY CIRCLE
bus din ba dahilan ng trapik dyan pag umaga? i dont think so...
kaya bago sisisihin mga bus... try muna ninyo ikutin ang buong metro manila gamit sasakyan ninyo para malaman...
I definitely agree with voyager. No matter how undisciplined the bus drivers are, the issue here is the volume of the vehicles that populates Edsa. Meaning, yung private vehicles talaga. Gaya nga ng sabi ni voyager, try nyo munang ikutin ang Metro Manila bago sisihin ang mga bus.
Pansinin nyo rin every Sunday sa Edsa, kayod pa rin mga bus drivers sa pagpasada ng bus pero walang traffic. Bakit? Dahil wala gaanong bumibyaheng private vehicles.
Ang problem talaga is yung mga private vehicles, napakadami tapos iisa lang usually mga nakasakay, compare sa buses, na madaming nakikinabang.
Ang nakikita ko kasing solusyon para mawala or mabawasan man lang ang traffic:
1. Bigyan ng regular na sahod ang mga bus drivers at konduktor. Ito yung kasagutan sa problema dyan sa picture na naipost ni bobotnaman. Maiiwasan yung mga bus na magunahan at maggitgitan sa pasahero kung mayroon ngang regular na sahod ang mga drivers at konduktors, hindi yung bumabase sa boundary or komisyon sa binibyahe nila.
2. Paigtingin yung pagsunod sa Bus terminal scheme. Dapat lahat ng terminals mayroong MMDA officer at hulihin kaagad yung mga bus na nagbababa at nagsasakay sa hindi naman nila designated na terminal. Minsan sa pagpasok ko kasi, naaasar ako, sinasakyan ko Bus A para mabilis, puro flyover ang daan. Mayroon pa rin na lahat ng terminals binababaan at nagsasakay nga ng pasahero. Gaya nga din ng sabi ni pareng toblerone, sa Ayala nga lang nasusunod yung ganitong sistema ng tamang babaan at sakayan. At para mapaigting nga rin ang disiplina para dito, na sa #1 na rin yung kasagutan.
3. Bawasan ang private vehicles sa Edsa. Gaya nga ng nasabi ko, madaming nakikinabang sa bus, bakit mo tatanggalin or babawasan? Hindi kagaya ng private vehicles na iisa lang or dalawa ang nakasakay, iilan lang ang nakikinabang. Isipin na lang yung kapakanan ng madami. Hindi naman lahat sumasakay ng MRT or LRT dahil ang totoo mas hassle pang sumakay sa mga yun. Imagine mo, pipila ka ng pagkahaba-haba tapos makakasakay ka nga, makikipagsiksikan ka naman. Tapos pagdating na sa ibang stations, hindi na makasakay ang ibang pasahero dahil sa puno na. Hindi kagaya ng bus na pwede kang makapagpahinga or matulog, komportable kang nakaupo. Kapag pumapasok ako sa office sa Makati from Valenzuela, mas okay pa talaga ang bus dahil kahit na maaga ang gising ko at pagalis sa bahay, pwede mo namang bawiin yung tulog mo sa byahe sa bus.
Ewan ko na lang, para sa akin ito ang basic and simplest solution sa pagbawas ng traffic sa Edsa.