Part – 1
Buwan ng Hunyo, 2006 nang una akong tumapak dito sa disyertong lugar dito sa Saudi Arabia. Di ko akalain na mapadpad ako sa ganitong lugar. Kung gaano kalungkot sa unang pagkakataon na mahiwalay ka sa pamilya ay ganun din pala sa unang pagapak dito sa tigang na lupa. Sa unang labas ko pa lang sa airport ay parang gusto ko nang bumalik ng Pilipinas kung pwedi nga lang maglulupasay sa Airport ay ginawa ko na pero tiniis ko na, nagkasubuan na, inisip ko isang taon lang naman ang bubunuin ko at makakauwi na rin ako. Kakaiba ang itsura ng mga tao, mahahaba ang mga balbas, ibat-ibang lahi, ibat-ibang amoy.
27 years old pa lang ako nun nung una akong makapunta dito sa Saudi Arabia. Napilitan akong mangibang bansa dahil hindi sapat ang aking kinikita sa Pilipinas, kahit na regular ako sa isang malaking kompanya ay bitin na bitin pa rin ang aking kita para sa dalawa kung anak. Matagal din akong nagaapply sa ibang bansa pero iniisip ko wala yata sa palad ko ang makapagabroad. Nagbakasakali ako na magpasa ng application ko sa isang agency na kumukuha ng trabahador papunta dito sa Saudi, at pagkaraan ng isang buwan nakatanggap ako ng balita isa ako sa pinalad na napili ng employer. Inasikaso ko kaagad ang mga kailangang dokumento, medical hanggang magPDOS at pagkaraan lang ng ilang araw ay tinawagan na ako para sa aking takdang pag-alis. Sabi ko sa sarili ko, ito na ang pagkakataon ko para makaalis na rin sa dati kong trabaho, para makaipon ng pera para sa pamilya ko.
Sa una, talagang hirap na hirap ako magadjust kasi kakaiba ang kultura dito Saudi. Marami ang bawal. Yong mga dati kung nagagawa sa Pinas ay di ko na nagagawa dito, minsan napapaiyak ako pag naaalala ko ang magiina ko na naiwan sa pinas, kung pwedi lang liparin ang pinas ay ginawa ko na. Pero sabi nga nila marami ang paraan para maibsan ang kalungkotan, pag gusto maraming paraan.
Na-asign ako sa isang malaking kompanya dito sa Riyadh, ok lang naman at maganda ang sahuran kumpara sa iba na hindi pinalad, kada taon ang aking bakasyon kaya ok na rin at least nakikita ko family ko taon-taon. Administrator ako ng opisina ng isang kompanya, hawak namin ang mga petrochemical sales office sa ibang bansa kaya maganda ring experience, nakakausap ko ang mga matataas na opisyal ng kompanya, swerti naman ako at mababait mga arabong kasama ko sa office. Pero kahit gaano man kaganda ang paligid mo kung malayo ka naman sa pamilya mo ay lungkot pa rin ang aabutin mo. Halos araw-araw iisa lang ang ikot ng mundo ko dito sa riyadh, bahay-opisina-bahay mula Sabado hanggang Miyerkules iisa lang ang ruta…pag araw naman ng Huwebis at Biyernes ay araw ng pahinga, araw ng paglalaba. Kung gusto mo namang mamasyal sa mga mall ka lang pwedi o kaya sa Batha (lugar ng pinoy) at kung mamalasin ka, hindi ka makapasok sa mga mall pag family day, kailangan may kasama ka na family bago ka payagang pumasok. Walang night life, walang six life…mababaliw ka talaga.
Tumira ako sa Batha ng ilang taon hanggang sa mapilitan akong lumipat dahil irerenovate daw ang building na aming inuupahan, maganda na sana kasi lahat ng mga kailangan mo accessible nasa baba lang ng aking tinitirhan, marami ring filipino restaurant kaya kahit di ka na magluto pwedi ka kumain anytime wag lang panahon ng Ramadan at kung nalulungkot ka at gusto mo makakita ng kababayang Filipina, tambay ka lang sa Manila Plaza ay makakakita ka na, pero ingat lang kasi marami ang Muttawa at kung mamalasin ka ay kulong ang aabutin mo, bawal kasi ang makipagusap sa mga babae pag di mo kamaganak kaya lalaki na lang ang iyong mata sa katititig at ang malungkot pa, mukha lang nakikita mo sa kanila kasi natatakpan sila ng suot nilang abaya (itim na tela)…
Buwan ng Mayo 2010, galing ako ng Pilipinas para sa aking taonang bakasyon. Pagdating ko ng Riyadh, dumiretso na ako sa aking bagong nilipatang bahay, medyo luma na yong bahay pero pwedi pang matirhan, wala akong magawa kasi wala akong ibang malipatang bahay. Isang matandang babae ang nakafront sa bahay. Dito sa Saudi kailangan may taong nakafront kung mangungupahan kayo ng isang flat, siya ang nakikipagusap sa mga Aqari (nagpapaupa ng bahay). Sa kanya din magbabayad ng lahat ng gastosin, renta ng kwarto, kuryente, tubig, etc…Si Tita Nathy sa tantya ko ay nasa 60 taong gulang na, kahit di nya sinasabi ay nakikita naman sa itsura, kulubot na ang balat at marami na ring uban at sa tingin ko mas may edad pa ito sa nanay ko. Nagpasya kaming Tita na lang ang itawag ko sa kanya para kung sakali may magtanung eh palalabasin niya na magkamag-anak ako dahil may mga kasama rin akong family sa aming floor.
Sa una mabait si Tita Nathy, lahat ng kailangan siya ang nagaasikaso. Ginawan nya ng paraan kung saan ako kwarto ilalagay. Tatlong palapag ang bahay na inuupahan ni Tita, nilagay nya ako sa ikalawang palapag para daw medyo safe kasi may mga kasama akong family, bawal kasi magsama dito sa saudi sa iisang bahay ang mga bachelor na lalake at babae kaya ang purpose nya ay magpanggap na lang akong pamangkin ng isang family sa second floor para anytime na may magtanung ay safe kami. Dalawa kami sa kwarto, hati kami sa bayaran para di masyadong mabigat sa bulsa, kahit may binibigay ang kompanya ko para sa upa ng bahay, gusto ko ring tipirin para makakaipon ipadala sa Pilipinas.
May mga kasama si Tita ng mga bachelor na babae at nalaman ko ayon sa mga kwento kwento na ang mga babaeng ito ay mga takas sa kanilang amo (illegal). Iwan ko ba bakit marami sa ating mga kababayang Pinay ang namamasukan na katulong tapos tatakas sa amo, sabagay di natin sila masisi kasi naghahanap din sila ng magandang oportunidad para kumita ng malaki pero sa bandang huli sila rin ang lumalabas na kawawa lalo pa’t dito sa Saudi. Kararating ko lang noon, galing bakasyon so ang isip ko ay nasa Pinas pa, maghahanap ka ng paraan kung paano bumalik sa normal ang takbo ng buhay dahil nasanay ka na kasama mo pamilya mo. Naisip ko pagkakataon ko na ito para makipagkaibigan sa mga alaga ni Tita…
Naging malapit kami ni Tita, kung ano man ang kailangan nyang ipagawa, ako lagi ang tinatawag nya. Isang tawag lang nya ay ora mismo pumupunta ako kaagad syempre para na rin masulyapan ko ang mga alaga nya…minsan naisip ko mahirap din pala pag mabait ka kasi kahit may ginagawa ka ay di ka makatanggi.pero ang katotohanan ay gusto ko lang makilala ang mga alaga nyang mga babae. Ang hirap kumuha ng tyempo kasi halos di lumalabas ng kanilang kwarto, dahil takot din sila baka malaman ng iba na takas sila tapos isumbong sila sa muttawa…Lagi ako tumatambay sa baba para kumuha ng tyempo..hanggang sa makita ko sila na padaan daan na lang sa harap ko..minsan nakakausap pero kumustahan lang..
Minsan isang araw kagagaling ko ng trabaho, paakyat na sana ako sa kwarto ko ng maabutan ko ang isang alaga ni Tita sa labas ng pinto, di ko alam kung sinung hinihintay o ako ang hinihintay hawak nya ang kanyang cellphone kaya naglakas loob ako na kausapin siya kung sinu hinihintay nya..sabi nya nagpapahangin lang daw kaya parang biglang nabuhay ang dugo ko…Sinubukan kong makipagkilala at di naman ako nabigo, siya daw si Rina…taga Nueva Viscaya. Tipikal na filipina ang itsura ni Rina, nasa 5″0 ang height, may pagkapayat ng konte, hanggang balikat ang buhok at katamtaman lang ang boobs, maputi at makinis ang kutis, pero sa ganitong pagkakataon at lugar ay papasa na ito sa panlasa ko, ngayon pa at kagagaling ko lang ng bakasyon, naghahanap ako ng paraan para mapawi ang pangungulila sa Pinas. Iniwan din ni Rina ang family nya para makipagsapalaran dito sa Saudi. Nakipagpalitan ako ng number, sa una ay medyo ilang sya pero ng tumagal na usapan ay binigay na rin nya, tinanung nya ako kung aanhin ko raw number nya, sabi ko wala para may makausap lang ako. Pagkatapos naming magusap, umakyat na rin ako sa kwarto ko, pumasok na rin sya sa loob at ito na ang umpisa ng paglalaro ko ng apoy dito sa tigang na lupa….(itutuloy)