inc lang ata pwede gagamit dyan.. hindi para sa lahat ng pinoy...
sa pagkakaalam ko open din to sa iba,hindi naman kasi kami madamot
basta watch kana lang sa net 25 3pm or 9pm today
i quote ko nga yung sinabi ng ka brod ko sa isang forum,napanood nya kasi kahapon
@Sis Angel, confirmed na po...ipinalabas na sa Net 25 ngayon hapon ang coverage ng ground breaking at pahayag ni Ka Eduardo.
Ipinalabas na po ngayong hapon sa Net 25 ang coverage ng groundbreaking ng Philippine Arena, the world's largest dome arena. Mismong si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang nagsabing hindi lamang para sa Iglesia ang makakagamit ng Arena kundi para din sa mga ibang kababayan din natin at sa international community.
Higit sa lahat, ito'y itinatayo ng Iglesia ni Cristo, sa pangunguna ng Tagapamahalang Pangkalahatan nito, upang makapagbigay ng papuri sa Panginoong Diyos.
Sana may makapagpost ng video clip ng tv announcement kanina. Talagang kahanga-hanga ang mga pahayag ng mga ininterview. Kahit yun mga dayuhang consultant na kinuha ng INC ay hindi makapaniwala na dito sa Pilipinas ang magpapagawa ng ganitong kalaking project.
Abangan na lamang po natin ang replay sa Net25.