Sa unang parte ng PSA2007, tinalakay natin ang “locationâ€ÂÂÂ.
Ang ikalawang parte naman po ay tungkol naman sa “BUDGETâ€ÂÂÂ.
Sa panahon ngayon, ang pera na talagang napakahalaga na dapat paghirapan at tipidin. Dahil dito, nahihirapan tayo na makakuha ng magi-sponsor para sa darating na event.
Bilang panguna, ako po ay maglaan ng salapi para sa event na ito. 10% ng kabuuang halaga na magagastos sa darating na event ay sasagutin ko na. Ito po ay maaari pang magbago at possibleng madagdagan pa subalit depende pa din sa malilikom na salapi.
Ang paraang naisip ko ay hindi naman pilitan o mandatory. Naiintindihan ko po na hindi lahat sa atin ay may kakayahang magcontribute dahil sa hirap ng buhay ngayon. Kaya po, sa mga nais magdonate o magcontribute para sa katuparan ng event na ito, maraming salamat.
Ganito po ang inyong gagawin. Magreply lamang po sa thread na ito. ilagay po ninyo ang halaga na nais ninyong ibigay at ipi-PM ko po kayo para malaman kung saan ninyo pwede ipadala.
Madalas kong ia-update ang thread na ito upang malaman ninyo kung magkanong halaga na ang ating nalilikom. Gagawin kong transparent ang lahat ng transaction na mangyayari sapagkat ayaw ko naman po makasuhan ng estafa, theft o corruption. Mahirap na, ayaw kong makulong.
Bilang isang myembro, sana po ay magTIWALA kayo sa akin. Salamat po.
Kung mayroon pa po kayong mga suggestions or comments, reply lang po.
*welcome pa din po kung may gustong mag-sponsor.
To Mods, please set this as "sticky topic". thanks