last week nabalitaan ko kasi na may gumagamit ng pangalan ko. nagpapautang sya ng 5/6 at pangalan ko ang ginagamit na ako raw ang nagpapautang at sya ang nagma-manage. kakilala ko iyong gumagamit ng pangalan ko.
kaya ko naman nalaman, kasi may lumapit sa shop ko at hinahanap ako. galit na galit yung tao at ang taas ko raw magpatubo. hiningian ko ng katibayan kasi kung may kasulatan, ipapa-blotter ko na na may gumagamit ng pangalan ko. kaso wala daw silang kasulatan. by word of mouth lang at ang ginamit nga eh, ako daw yung nagpapautang.
sa totoo lang nag-aalala ako. di ko alam kung gaano pa kadami ang pinautang ng taong iyon na ginamit ang pangalan ko. nag-aalala ako sa safety ng pamilya ko, imagine di ko alam may mga galit pala sa akin. ano ang magandang hakbang na gawin? tatanggapin kaya kung ipa-blotter ko ng wala akong katibayan. sya nga pala, today, kinausap ako nung nagpapautang inamin nya na ginamit yung pangalan ko. at kung pwede raw na pag may nagtanong, sabihin ko raw na akin yung pera sya lang daw pinamamahala ko. ang kapal din ng mukha ng gag@. opo, babae po iyong walanghiyang gumagamit ng pangalan ko. sana matulungan ninyo ako.
nagmamahal,
TobleRONe