Masusing pinag-aaralan ng Department of Health (DOH) ang isinusulong na gawing legal ang paggamit ng marijuana sa ating bansa bilang medikasyon.
Ayon kay Health Secretary Janette Garin, isinasailalim pa sa review ang nasabing panukala subalit kailangan pa ring itong idaan sa mabusising pag-aaral ng mga eksperto.
Kabilang sa ikokosindera ng ahensiya ang coverage ng medical marijuana at ang mga sakit na maaaring mabigyang lunas nito lalo na’t mistulang hindi pa handa ang Pilipinas sa ganitong panukala.
Una nang isinusulong ni Isabela Rep. Rodito Albano, may akda ng House bill 4477 o Compassionate Use of Medical Cannabis Act para sa medical purpose.
Sinabi ni Albano sa pagdinig ang House committee on health, hinihikayat nito ang kanyang mga kasamahan na mambabatas na basahin salita na word for word, sentence by sentence, paragraph by paragraph ang nilalaman ng HB 4477 kung saan malinaw kung ano lamang ang saklaw ng gamit ng medical marijuana na sumusunod sa regulatory requirements ng Department of Health.
Nabatid na may 69 kongresista na nagpatala bilang co-author ng panukala na isinumite noong Mayo 2014. (Brigada)