Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: stage 3 cancer  (Read 2450 times)

amd

  • Pioneer
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 62
  • Karma 2
stage 3 cancer
« on: February 20, 2014, 03:18:09 am »
hey guys...may katanungan lang po ako....na diagnose po kasi father ko...na may stage 3 cancer...affected yung prostate, pantog...pati kidney nya...kaya lang mas piniling hwag na lang magpagamot ng father ko...dahil gagastos lang daw ng malaki...tapos di rin daw gagaling sabing ng dr. ng father ko...at ang alam ko hanggang stage 4 lang ang cancer..last january 2014 po sya na biopsy...at yun nga po positive sya sa cancer...

tanong ko lang po kung gaano pa katagal ang natitirang panahon ng aking tatay...at sana tumagal pa ang kanyang buhay...

sa mga mag rereply salamat po ng marami...gusto ko lang po kasing maliwanagan...


rodeo

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 482
  • Karma 21
Re: stage 3 cancer
« Reply #1 on: February 20, 2014, 03:32:49 am »
first look for 2nd opinion po  muna sila.

then kung same pa rin result saka po nila kausapin doctor about life expectancy ng kanilang father.


Master Dave

  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4421
  • Karma 153
  • Gender: Male
  • Master of none
Re: stage 3 cancer
« Reply #2 on: February 20, 2014, 03:38:29 am »
A piece of advice, treat everyday as if it's his last.. Kahit magsabi ng taning ang doctor, di rin nasusunod yun.. It can happen all of a sudden..

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: stage 3 cancer
« Reply #3 on: February 20, 2014, 03:40:15 am »
depende yata sa pangangatawan din ng may cancer at kung anong stage. mabuti ng itanong sa doctor nyo.

sa pagkakakwento ng hipag kong md, merong weeks, months, minsan year, pero di nya nilinaw kung anong stage at kung saan tumama ang cancer. meron tinaningan ng months, pero weeks lang ang itinagal.

yun din ang kwento nya sa amin kapag sya daw nagka-cancer hindi na raw sya magpapagomt dahil sa sementryo din naman ang tuloy, pahahabain mo lang yung paghihirap ng may cancer. at baka mag-iwan pa ng utang sa mga mahal nya sa buhay dahil sa gastos.

amd

  • Pioneer
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 62
  • Karma 2
Re: stage 3 cancer
« Reply #4 on: February 20, 2014, 04:03:47 am »
hey guys...may katanungan lang po ako....na diagnose po kasi father ko...na may stage 3 cancer...affected yung prostate, pantog...pati kidney nya...kaya lang mas piniling hwag na lang magpagamot ng father ko...dahil gagastos lang daw ng malaki...tapos di rin daw siguradong gagaling sabing ng dr. ng father ko...at ang alam ko hanggang stage 4 lang ang cancer..last january 2014 po sya na biopsy...at yun nga po positive sya sa cancer...

tanong ko lang po kung gaano pa katagal ang natitirang panahon ng aking tatay...at sana tumagal pa ang kanyang buhay...

sa mga mag rereply salamat po ng marami...gusto ko lang po kasing maliwanagan...

☺☻JDC™

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1589
  • Karma 179
  • Gender: Male
  • "pag ako gahhh!!!!" ika nga ng nawala kong mamay.
Re: stage 3 cancer
« Reply #5 on: February 20, 2014, 04:13:41 am »
Sangayun ko sa sinabi ng ating mga kapatid.... magpasecond opinion kayo. If talagang positive or same rexult then try to extend the life of your father.. kahit na ayaw nya wag parin kayo mag agree.. normal lang na ganun mararamdaman nya.

Prayers dre...

tenayipse

  • Regional: Central Luzon
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 50
  • Karma 3
Re: stage 3 cancer
« Reply #6 on: February 20, 2014, 09:09:53 am »
hey guys...may katanungan lang po ako....na diagnose po kasi father ko...na may stage 3 cancer...affected yung prostate, pantog...pati kidney nya...kaya lang mas piniling hwag na lang magpagamot ng father ko...dahil gagastos lang daw ng malaki...tapos di rin daw gagaling sabing ng dr. ng father ko...at ang alam ko hanggang stage 4 lang ang cancer..last january 2014 po sya na biopsy...at yun nga po positive sya sa cancer...

tanong ko lang po kung gaano pa katagal ang natitirang panahon ng aking tatay...at sana tumagal pa ang kanyang buhay...

sa mga mag rereply salamat po ng marami...gusto ko lang po kasing maliwanagan...

magresearch ka tungkol sa Ashitaba,magkaiba ang ashitaba at gynura procumbens baka maconfuse ka, kung mahirapan kang maghanap, magresearch ka pano magextract ng canabis oil.(hemp o marijuana)

KaMushroom

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1648
  • Karma 24
  • Gender: Male
Re: stage 3 cancer
« Reply #7 on: February 20, 2014, 09:54:59 am »
eto lang opinion ko ha..

Do you want his sufferings to prolong?
At this point, it is not about extending his life but its about making each and every last of his moments .. uh something.

.

Sixth_String

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 499
  • Karma 52
Re: stage 3 cancer
« Reply #8 on: February 20, 2014, 10:45:10 am »
Palitan mo na eating habit nya GULAY PRUTAS 100%

Bawal kahit anong processed foods

Jann Frost

  • Pronmeister
  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3114
  • Karma 143
  • Rough over Mellow
Re: stage 3 cancer
« Reply #9 on: February 20, 2014, 03:52:16 pm »
Just live a normal life. Wag na wag kamo siya madedepress or malulungkot lalo na kayong mga mahal niya sa buhay, kailangan niyo maging matatag. Alam naman natin na malaking factor ang emotion sa paghaba at pagikli ng buhay ng tao. Saludo ako kay tatay, natanggap niya agad at nilalakasan niya loob niya para sainyo at ayaw niyang magalala pa kayo. Just keep the house always alive and positive. God bless :)

amd

  • Pioneer
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 62
  • Karma 2
Re: stage 3 cancer
« Reply #10 on: February 21, 2014, 02:28:43 am »
guys ...maraming salamat sa mga reply nyo...

ganito kasi yun...last january pa nung mag pa biopsy si tatay...pero last feb. 16 lang nya kami
kinausap na mga magkakapatid about dun sa result ng kanyang biopsy...

at yun nga pasitive sa cancer ang kanyang prostate at pantog...

may 2 option advice ang dr. nya...

1st option is mag pa chemotherapy sya for 2 months...kaya lang gagastos lang daw ng malaki..at isang concern nya is masakit daw..baka mahirapan lang daw sya...at wla rin daw kasiguruhan na gagaling sya...

2nd option is operation...aalisin ang kanyang pantog...at gagawa ng artificial na labasan ng ihi...yun bang maglalagay ng bag at iasasabit sa kanyang baywang para dun maipon ang kanyang ihi...reason naman ng tatay ko pang habang buhay naman daw nyang dadalhin yun...at sabi pa ng dr...after ng pantog baka naman daw yung kanyang lungs
ang susunod na maapektuhan...so ibig sabihin parang wala rin daw kwenta yung operation (para lang taggalin ang pantog)..

kaya desisyon ng tatay ko na wag na lang mag pagamot...

sobrang lungkot naming magkakapatid nung sinabi sa amin yun...nag iyakan kami..

pero kabilin bilinan amin ng tatay ko na wag daw kami malunkot...gusto nya pag pumanaw daw sya...celebration daw dapat gawin namin..imbis na malungkot at umiyak....
bilib din ako sa ataty ko..ni hindi man lang sya makakitaan ng lungkot...parang wala ba syang karamdamang dinadala...

dweizz

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 756
  • Karma 35
Re: stage 3 cancer
« Reply #11 on: February 21, 2014, 06:01:39 am »
bro ... na hospitalize din father ko this week lang... pa check up lang sana kami dahil sa ubo niya... noong nakita ng doctor yung condition niya pinaadmit siya... tapos marami ginawang test at nalaman na may bukol na daw sa pancreas at liver... di pa kami nagpapa biopsy at ct scan... ultra sound at xrays pa lang pero sabi ng doctors very high chance daw ito na cancer at hindi na stage 1... inuwi rin namin sa bahay agad dahil ubos na pera at marami na rin utang... sa totoo lang di ko alam na gagawin ko kung paano ang maintenance sa kanya... malapit na siya maging bed ridden  dahil mahina na... kung father ko tatanungin suko na siya sa ospital at gamot pero sister ko hindi pa(nasa ibang bansa)... nakakakuha lang ako lakas ng loob sa mga relatives namin na pumupunta sa bahay para kamustahin kami...

nivek_nayr

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 799
  • Karma 19
  • jason bourne
Re: stage 3 cancer
« Reply #12 on: February 21, 2014, 06:09:18 am »
bro advice ko lang try mo itong kings herbal ni ka rey search mo sa youtube na feature na ito sa bitag ni ben tulfo hope na makatulong itong message ko kasi marami na nagamot yun herbal na yon stage 3 cancer din..

dweizz

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 756
  • Karma 35
Re: stage 3 cancer
« Reply #13 on: February 21, 2014, 07:50:16 am »
bro advice ko lang try mo itong kings herbal ni ka rey search mo sa youtube na feature na ito sa bitag ni ben tulfo hope na makatulong itong message ko kasi marami na nagamot yun herbal na yon stage 3 cancer din..

ah... try sana namin dr tams miracle tea pero kings herbal na lang... napabilib pa si tulfo

nivek_nayr

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 799
  • Karma 19
  • jason bourne
Re: stage 3 cancer
« Reply #14 on: February 21, 2014, 09:58:20 am »
3cups per meal sa mga malalang karamdaman, 999 per bottle 750ml ata yun kung diko ngkakamali

minervacussi

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 772
  • Karma 53
Re: stage 3 cancer
« Reply #15 on: February 21, 2014, 10:08:42 am »
im sorry bro na dumdaan kayo sa ganyan... naiintindihan kita kasi last year lang pumanaw ang tatay ko dahillung cancer. mahirap ang dinaanan ng pamilya, nagsimula ang pananakit ng kanyang mga paa dahil kumalat na yung cancer cell at tuluyan na siyang nang hina at nahirapang kumain. nilaban namin mahigit isang buwang na confine sa hospital. umuwi na kami pagkatpos ng radiation theraphy bahay lalo siyang nanghina at hindi na nakatayo. gumamit din kaminng mga herbal pero sadyang matapang talaga yung lung cancer...sa huli iniwan nya din kami...

ang payo ko bro habang nakakain sya gawan mo sya ng carrots juice araw araw... nakka galing daw iyon, sa kaso kasi ng tatay ko nahirapan ng kumain...

at wag kalimutang ang prayers....

amd

  • Pioneer
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 62
  • Karma 2
Re: stage 3 cancer
« Reply #16 on: February 21, 2014, 10:36:57 pm »
bro ... na hospitalize din father ko this week lang... pa check up lang sana kami dahil sa ubo niya... noong nakita ng doctor yung condition niya pinaadmit siya... tapos marami ginawang test at nalaman na may bukol na daw sa pancreas at liver... di pa kami nagpapa biopsy at ct scan... ultra sound at xrays pa lang pero sabi ng doctors very high chance daw ito na cancer at hindi na stage 1... inuwi rin namin sa bahay agad dahil ubos na pera at marami na rin utang... sa totoo lang di ko alam na gagawin ko kung paano ang maintenance sa kanya... malapit na siya maging bed ridden  dahil mahina na... kung father ko tatanungin suko na siya sa ospital at gamot pero sister ko hindi pa(nasa ibang bansa)... nakakakuha lang ako lakas ng loob sa mga relatives namin na pumupunta sa bahay para kamustahin kami...


bro..ganyan din nangyari sa tatay ko...sumasakit daw kasi tagiliran nya...so pina check up namin...tas sabi ng dr...pa ultra sound..tas yun may nakitang bukol sa pantog nya..at prostate...nangyari operation...tinanggal mga bukol...matapos ang operation kinausap kami agad  nung dr....sabi nya kailangan daw ma biopsy yung mga bukol na natanggal..
dahil sabi nung dr...sa tingin nya cancerous daw yun...at yun nga lumabas sa biopsy result positive sa cancer yung pantog at prostate ng tatay ko..

masasabi ko lang bro sa tatay mo...mag pa biopsy sya...para nakakasigurado kung cancerous nga yung bukol ng tatay mo...dyan din nag umpisa tatay ko samga bukol din..