Di ako taga Davao, wala din akong kakilala dito personally, and I also give opinion base sa aking sariling pagkakaunawa at paninindigan. Sa palagay ko lang TS, hypocrisy ay ang pagbatikos sa isang lugar o mga tao sa lugar na yun about prostitution when reality tells you na kahit saan parte ng Pilipinas o ng mundo ka pumunta ay meron nun. Pwedeng legal o open, pwede din mang katulad sa atin na nagbubulagbulagan ang mga tao na di yun nangyayari.
Ang pananapak ni Mayor Sarah ay mali, kung ang titingnan mo lang ay ang konsepto ng batas at paano ito naiopen out of proportion sa media. Pero kung titingnan mo ng mas malalim ang dahilan, ikaw man ang lumagay sa lugar nya, kung talagang makatao ka, baka nagawa mo din yun. The Duterte finger ika nga ni pareng Lourd, wala din akong nakikitang big deal dun, dahil one way or another, napapamura tyo sa mga gawaing mali, o khit wlang kwentang bagay.
Ang prostitution ay mali kung ang pagbabasehan mo ay ang batas ng Pilipinas, pero ito ang nangyayari kahit saan, katulad lang na ang jueteng ay illegal pero and lotto o ez2 ay hindi, pero kung titignan mo ang konsepto ito ay sugal din.
One way or another, lahat tayo ipokrito, at kasama ka din dun. "People who think they know everything are a great annoyance to those of us who do"
OT:
di ko ma gets yung punto nung isang buknoy na panay ang tawag sa'yo ng tito. pero by the way he says it parang ang husay husay na nyang makipagpalitan ng salita. so I direct my answer to you dahil mas mukhang my sense ka nmang kausap at marunong magisip