Regalo ni Tony Boy: Greta bus ang dala sa taping at guesting
TAKE IT! TAKE IT! Ni Lolit Solis Updated June 23, 2009 12:00 AM
Sosyal talaga si Gretchen Barretto dahil malaking bus ang ginagamit niya kapag may mga tapings at guesting siya.
Regalo ni Papa Tonyboy Cojuangco ang bus na kasing-laki ng mga tourist bus na nakikita natin.
May sariling banyo, pahingahan at sala ang bus ni Greta. Gusto raw niya na komportable siya sa mga lugar na kanyang pinupuntahan kaya type na type ni Greta ang regalo ni Papa Tony.
Isang bagay ang gusto kong malaman. Saan kaya iginagarahe ni Gretchen ang bus? Sa exclusive village kaya na tinitirhan nila ni Papa Tony o nagrenta sila ng malaking parking lot?
Mahirap mag-maintain ng bus dahil maÂÂÂÂgastos ito sa gasolina pero can afford si Greta. Para que pa’t naging mayaman ang kanÂÂÂÂyang long-time partner?
ala Manny Pacquiao bus 'to
calling yung mga ka espiya with cams!