Nasa MLM ako pero hindi kami nagbebenta ng mga gamot gamot, pamparegla or something like that. Pag nagpre-present ako sa mga tao, never kong sinabing "Yayaman ka agad dito" kasi hindi naman talaga madaling yumaman sa MLM but hindi rin ganun kahirap para kumita ng pera. Let say, may extra income ka kahit pang grocery or pang gas man lang every week which I think hindi naiisip ng karamihan. Sad to say, madaming pinoy pa din na gustong yumaman agad kinabukasan kaya napapasali sa MLM kahit hindi pinag-aaralan kung anong system and products meron yung MLM company na sasalihan nila.
And please, sa mga nagiisip pa lang na sumali sa mga MLM, wag na wag kayong papadala sa mga sinasabing "Yayaman kayo dito agad" because there's no such thing na madali kang yayaman except kung manalo ka sa lotto
Lastly, kung sasali kayo sa MLM, dapat yung product eh nagagamit nyo talaga. Yung sinasabing "Needs over Wants" para kahit hindi kayo makapag-refer, kikita pa din kayo kahit papano. Let say may discount kayo sa bagay ng ginagamit nyo araw-araw na talagang kailangan nyo.
And yes, kumikita ako sa MLM but I'm not saying na milyonaryo ako