Ganyan ang nature of work ko sir, yung General Transcriptionist. Similar lang sya sa Medical Transcriptionist pero more on medical terms. Yung General Transcriptionist, kahit ano, kaya sya general.
Yung sa amin homebased sya & pagdating naman sa rate, depende sa ibibigay ng client. Usually $15-$19 per hour. The more na mataas ang rate, ganun kapangit ang audio or minsan yung accent, as in parang durugo ang tenga mo sa kakaintindi. Pero sanayan lang mga sir.
Right now, yung isang series sa National Geographic yung Swamp Men Billie Swamp Safari (you can check sa google or youtube), if im mistaken season 3 na kasi since season 1 kami na gumagawa nung mga subtitles. Yun ang ginagawa namin pero patapos na ang project kasi patapos na rin ang shooting nila. Yung binigay na rate is $18 per hour. Tapos may time stamping pa. Pero may mga ibang project din kami ginagawa depende sa ibibigay na deadline & kung ano yung rate. Pag malapit na deadline, yun yung ipaprioritize namin, second dun rate nun.