stay safe sa mga taga zamboanga at kalahatan ng mindanao...
may nakakwentuhan akong isang may mataas na posisyon sa isang sektor ng gobyerno noong nagpunta ako ng batad para makita yung rice terraces.
nasambit nya na isa sya sa mga nagpunta sa mindanao para tumulong sa mga magsasaka at makipagnegotiate din ng peace talks ( matagal nang nangyari to sabi nya )...
anyway, nakwento nya na ang rason daw kung bakit naging dalawa ang sangay ng mga grupong rebelde sa mindanao, MNLF at MILF, ay dahil sa hindi matanggap ng ibang muslim na si Nur Misuari ang mamumuno at makikipagugnayan sa gobyerno ng Pilipinas.
Hindi raw nila matanggap na ang isang Tausug ang mamumuno sa kanila. Na ang mga Tausug daw ay parang mababang level ng muslim sa mindanao. Para bang mga slave daw ang stature nila.
Gayunpaman, kwento lang sa akin ito nung isang lalakeng nakahuntahan ko habang hinihintay kong tumila ang ulan para makapag libot libot sa rice terraces.
Sya nga pala, walang kinalaman sa relihiyon itong mga nasambit ko, politics po. yun lang.