Espiya Lobby > College/Alumni Talk

UP: 100 taon ng kayabangan

(1/7) > >>

Master Dave:
an email from my classmate..


Kahit kaninong Pilipino nyo itanong, sasabihin na UP ang numero unong unibersidad sa 'Pinas. Yung mga nagsasabing hindi UP ang number one, mga in denial. Di nila matanggap ang laki ng pagitan ng UP sa iskwelahan nila. Yung iba naman mga bitter, hindi pumasa sa UPCAT kaya naninira?cheap daw ang U.P., Jologs ang U.P. (jolog: Gaudy, unelegant, without refinement in taste), magulo at delikado raw sa U.P., never daw nilang naisipang mag-aral sa U.P., pero deep inside U.P. ang dream school nila. Sabi nila, ito ang breeding ground ng mga future leaders ng Pinas ? pati na rin mga future rebels.
 
Sa U.P. mo makikita ang lahat ng klase ng tao. It's the "REAL WORLD" daw e--lalake, babae, binabae, tibo, tomboy, alanganin, syoke, mayaman, mahirap, jolog, sosyal, kristiyano, muslim, pagano, satanista, tarantado, sira ulo, basagulero, siga, duwag, 'langhiya, nerdoks, geeks, macho, sexy, payatot,  maganda, guwapo, panget, manyak, birhen, liberated, conservative, maginoo, bastos, peste, magnanakaw, manggagancho, mamamatay-tao, etc. etc. etc!
 
Dito mo rin makikita ang pinakamaraming fraternities - APO, S.J., Sigma Rho, Alpha Sigma, Pi Sigma, TOM, Mu, Sigma Phi, Upsilon, Downsilon, Rightsilon, Leftsilon, Babaylan, Alpha Phi Chupapi, etc.
Name it at meron ang U.P. Pati na rin ang source ng lahat ng masasarap na pagkain na makukuhanan ng sakit--fishballs, squidballs, kikiam, isaw, A.D.I.D.A.S (paa ng manok), bilog, tenga, balun-alunan, kwek-kwek, Mang Jimmys, Rodics,Beachhouse, at ang ever famous CASAA - na ngayon ay downloadan na ng mga mp3, at mpeg na bomba.
 
Kung ikukumpara mo sa mga ibang schools, sa U.P. mo makikita ang pinakabulok na systema kapag registration (ooops, may CRS na pala--copuntrzd regtrn) at ang pinaka mahihirap at mahahabang subjects. U.P. System ang tawag dahil maraming campuses all over the Philippines.
Nandyan ang U.P.Diliman, ang pinakamalaking school sa Pilipinas.
Sa sunken garden maraming milagrong nagyayari tuwing gabi. Sa sobrang laki pa ng campus, pwede kang magtayo ng house and lot at di ka pa masisita ng admin.
 
Sa U.P. Manila, nagkalat ang mga konyito at konyita. Airconditioned pa daw ang classrooms nila! Pampered! Andun ang pinakasosyal na UP building, ang UP Robinsons ( Robinsons Mall ). Nandoon din ang P.G.H., kaya kahit masaksak ka habang nag-aabang ng jeep kapag ginabi sa pag-uwi, o isa kang binabae na nabugbog dahil nahuli kang naghihipo sa sinehan sa Robinsons, o mamamatay-tao at hindi callboy ang napick-up mo sa may PWU, malamang ay mabubuhay ka pa.
 
Sa U.P. Baguio, para kang nagbabakasyon while studying. Malamig all year round, kaya marami ang laging may kayakap tuwing gabi. Familiar din ito sa mga Jolina Fans dahil dito shinoot ang isa sa mga super duper kilig movies nila ni Marvin.
 
Sa U.P. Los Banos, para sa mga gusto nang kumawala sa parents! Liblib na lugar, you can do what you never got to do when those parents are around! Ayos para sa mga nature lovers dahil bundok ang nasa likuran. Ayos din para sa mga nag-iinit na mga lovers, marami kasing talahiban.
 
Meron ding U.P. Visayas at U.P. Mindanao, para sa mga sawa na sa Luzon. And of course ang pinaka-underrated na branch, ang P.U.P.? or Philippine University of the Philippines, for short. (wahahahaha)
 
Meron ding mga hoping maging U.P-- nandyan ang UST or UP Sana Tayo, DLSU-di Lusot sa UP, at and ADMU (Ateneo de Manila Univ)-Ayaw Daw Mag-UP.
 
Hindi mo talaga makakalimutan ang buhay mo sa U.P. It's unique and one of a kind.
 
Unforgettable para sa akin yung oblation run na dinadayo pa ng taga ibang school, pati na ng mga tigang na foreigners, mga bakla, at mga kolehiyalang taga all girls school na akala mo mga inosente kapag nagtilian. First time nakakakita ng birdies ang mga virgin kuno (meron ako narinig, in a very coño accent: "ay why is that they look like sausages, wat?!? wahahahaha), nagpapapiyesta ang babaylan, labasan din ng mga video cameras ang mga gurang at mga walang asawang teachers at librarians, at tuwang-tuwa ang ibang mga lalaki dahil mas malaki pala ang mga alaga nila.
 
Laging nasa headlines ang UP! Dahil sa mga rally, sikat na alumni, at dahil na rin sa mga krimen na nangyayari all around campus. Naka-witness ako ng binaril sa A.S. walk.
 
Napaka-memorable din sa akin yung teacher ko sa KAS-I na hinarass at hinipuan ako sa cubicle nya. May kilala rin akong badaf na titser na nagbigay ng indecent proposal sa machong-macho at very papable kong kaklase, "Hoy Mr. ___, bumabagsak ka na. Kwarto o kwatro??"
 
Ang saya-saya talaga dito sa iskul natin! Taun-taon ay hindi nauubusan ng events ang U.P. Meron tayong yearly fair na ginagawa tuwing February, concerts like Elvis and Maskipaps, ang nabanggit nang Oblation Run and Lantern Parade tuwing December, ang pagpapaulan ng libreng condoms tuwing World Aids Day, pagpapa-premiere ng mga uncut versions ng bomba movies sa Film Center, halos araw-raw na mga rally, rumble ng Upsilon at Sigma Rho every month, at orgy ng babaylan every weekends. Kaya masasabi nating napaka aktibo ng eskwelahang ito.
 
Sa kabila ng lahat ng ito, nangunguna sa kahit anong bagay ang mga nag-aral sa U.P. Siguro dahil sa pinagdaanan nila sa eskwelahang ito naging mga !@#$ at street smart ang mga Isko at Iska. Kaya hindi mo mauutakan ang mga yan. Survival of the Fittest, 'ika nga, kaya kapag gumraduate ka sa U.P., you are ready for the real world. Angat ka talaga sa iba. Sa kahit anong field, mapa showbiz, politics, business, rebellion, etc. nangunguna ang mga taga UP! Mga bitter lang ang di makatanggap ng fact na yan.
 
Kaya sa lahat ng mga Isko, wherever you are (nangungurakot na pulitiko sa kongreso, namundok na kasama ang mga NPA), whatever you do (walang trabaho, director, producer, artista, model, singer, rebelde, tindera, doctor, abogado, mangingisda, magsasaka, magnanakaw, swindler, estafadora, congressman, presidente ng pinas etc.) saludo ako sa inyo!
 
Itaas ang bandila ni oble at ng buong UP System!
 
U.P. da best!
 
MABUHAY ANG MGA ISKO AT ISKA NG BAYAN!

Hayblad:
@Master Dave: sangayon ka ba? ehehe!

 isa ngang kampay jan!  toast::

Master Dave:

--- Quote from: Hayblad on October 09, 2008, 08:30:45 am ---@Master Dave: sangayon ka ba? ehehe!

 isa ngang kampay jan!  toast::

--- End quote ---

oo naman..  :D  toast::

templar:
well said!!!!

taga UP din ako ako at naranasan ko yung mga ibang sinsabi sa post

Matatalino't matatapang nga!! toast::

b0ler0:
Kulang pa yan.  Di pa binanggit ang 5 o'clock session sa Kalayaan - na naremedyuhan na nung nineties.  Pati na rin and paninilip sa Sampa mula sa Physics building pag gabi.  :D

Yun ring mga magkasintahang di kayang magbayad ng motel na nago-overnight na lang sa slopes ng Sunken Garden.  Pati na rin ang multo ng mga lamp posts along the Academic Oval... subukan mong maglakad dito ng alas-dos ng madaling umaga, mamamatay ang lamp post na dadaanan mo at sisindi pag nakalampas ka na.

Di rin ata nabanggit ang Beach House, and Mang Jimmy's, ang Rodic's, at syempre pag tight budget, and Coop.

Diliman ako, hinde Manila, pero sigurado akong mas maraming sosyal sa BA, Econ at AS lobby kumpara sa UP Manila.  Bilang pa lang ng kotse, mas marami pa sa mga estudyante sa mga classrooms.

Yung email, nagreklamo sa pila sa reg prior to computerized registration.  Wala yan sa pila sa STFAP, ang linya ay mula Vinzon's hanggang Educ.

Di rin nabanggit ang PCED, ang Gulod (sarado na ba to?), at ang Sarah's.

Speaking of PCED, pag panahon ng rumble, tambay ka lang dito ng mga alas-nuwebe ng gabi para makanood ng away a la Batch '81.

Sa UP lang mas matibay ang mga older buildings sa mga newer infrastructures.  1991 earthquake, facade ng BA, bumagasak, samantalang ang Educ at Law, ang AS at Eng, at ang Admin at Main Lib - ang tatlong set ng twin buildings - walang structural damage ni katiting.

Maraming maganda ang masasabi ukol sa Peyups.  Marami ding pangit.  Pero ang sigurado ay lahat sila, hinding-hinde mo malilimutan.  Kahit 20 years na simula nang lumisan ka mula sa unibersidad, pag mapadaan ka lang sa Katips, mapapangiti ka sa mga memories na iyong maaalala.

Sa UP, pag grumadweyt ka on time, abnoy ka.  Sa sobrang sarap ng buhay dun, nanaiisin mo talagang sultin ang MRR. 

At kahit abutan ka ng MRR, appeal lang and you will be admitted "for the last time."

After that, "for the very last time."

After that, "for the very, very last time."

After that, "for the very, very, very last time."

How many very's are possible?

Only Romeo Lee would know.  :D

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

Go to full version