Espiya Investigation Agency > Missing/Wanted Persons

Missing Mom

(1/3) > >>

anne&jo:
this is a fwd message to my email. could we give this person a hope?

since this site refers to being a spy, here's one mission to go with.


isang magandang araw ang pagbati ko sa inyo.

minarapat ko pong dumulog sa inyo at nagbabakasakali na ako ay inyong matulungan.

tawagin nyo na lamang akong "joseph" anak ni g. aurelio at bb. ma. luisa.

ito ang aking maikling talambuhay:


taong 1965 nang magkakilala ang aking mga magulang sa bayan ng paranaque at nabiyayaang magkaroon ng isang supling (ako) pebrero ng taong 1966.

bago pa man ako mailuwal ng aking ina sa kaniyang sinapupunan, yumao na ang aking ama (july 1965).

isang buwan matapos na ako'y maipanganak at mabinyagan sa st. andrews church, paranaque ay kinupkop ako ng aking lola (sa ama) bilang ala-ala ng aking nasirang ama.

septyembre ng taon ding iyon, nakatanggap ang aking lola ng isang liham mula sa aking ina na nagsasabi na sila ay umuwi na ng bacolod.

at magmula noon ay hindi na kami nagkita ng aking ina.

ito ang aking pakay sa pag liham ko sa inyo umaasang makatulong kayong may mabubuting kalooban sa inyong kapwa.

kung sino man po ang nakakakilala o may pagkakakilanlan sa aking ina ay malugod kong tatanggapin ang magandang balita.

pangalan: MARIA LUISA TUBONGBANUA

huling address na alam: 87 MABINI ST., BACOLOD, NEGROS OCC.

NAKALAKIP PO ANG KANIYANG LARAWAN KASAMA ANG AKING MGA KAPATID(1965)


kung sino man po ang may impormasyon sa aking ina at mga kapatid ay maaaring mag text o tumawag sa +639202030903.


kung kayo po ay may mabuting kalooban na isasalin ito sa wikang banyaga at ikalat sa pamamagitan ng e-mail, forums, blogs, maraming salamat at tatanawin kong isang malaking utang na loob.



maraming salamat po.



here's some info for us to help this guy





Agent Tom:
importanteng mission pala ito... forward ko din to sa mga kakilala ko....

anne&jo:

--- Quote from: peepingtom on November 21, 2007, 06:21:09 pm ---importanteng mission pala ito... forward ko din to sa mga kakilala ko....


--- End quote ---

thanks.

it's time to prove that we not only cater sex, music, videos.. we also help those who are in dire need.

i don't think that this is a hoax or a useless junk mail.

 pokepoint::

lyer:
dapat ilagay natin sa negros board to at gawin na nating sticky topic............

anne&jo:

--- Quote from: lyer on November 21, 2007, 06:47:31 pm ---dapat ilagay natin sa negros board to at gawin na nating sticky topic............

--- End quote ---

at first, i was thinking of starting this thread at visayas forum, pero, napag isip ko na not all members might access that so dito na lang, tutal mission din naman ito.

to the mods, can we make this a sticky one?

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

Go to full version