Ano nga ba ang kapayapaan sa aitng simpleng pananaw at paano ito makakamtan?
Ang kapayapaan ay hindi lang simpleng kawalan ng digmaan. Ito ay lubusang naiintindihan sa pagsusuri sa buhay ng mga simpleng tao. Sa ganitong pananaw, masasabi natin na ang kapayapaan ay kawalan ng kahirapan, may sapat na trabaho, may seguridad, respeto at hustisya. Dagdag pa nito, ang kapayapaan ay kawalan ng pakikialam ng ibang bansa sa ating politikal, ekonomik, at sosyal na aspeto.. Ang kamangmangan ay isa ring kadahilanan ng kawalan ng kapayapaan. Ang masakip pa nito, ang kamangmangan ng tao ang nagpapatibay sa kapit ng mga sakim sa kapangyarihan sa ating gobyerno.
Kung titingnang maigi ay lubhang napakabigat na suliranin ang kapayapaan. Animo?y nakaugat na ang karahasan sa ating lipunan. Subalit ang pangingibabaw ng hustisya at respeto sa ibat-ibang kultura at paniniwala ay makakatulong ng malaki
Tulong-tulong tayo sa pagpanday ng isang payapa, malaya, at maunlad na lipunan. Nasa atin ang panahon. Nasa atin ang lakas. Nasa atin ang pagpapasya. Huwag nating hayaang tayo ang sisihin ng susunod na henerasyon, tulad ng pagsisis natin sa nauna nang henerasyon.
Juan
====
Paala-ala lang po ito ni Juan....