Kapatid, eto ang situwasyon ko.
Ako'y 29 taong gulang na. Nagtatrabaho na bilang senior manager ng isang maliit na research company, pero hindi pa nakakapagtapos ng kolehiyo. Napag-isipan kong bumalik sa pag-aaral, at ngayon 3 years na mula nung nagbalik ako sa university. Nung bumalik ako, nagkataong puro babae ang naka-enroll sa current course ko (seriously, hindi ko alam kung bakit ganun). At halos lahat sila maganda (hindi ko rin alam kung bakit ganun). Aware sila sa edad ko, pero friendly naman sila lahat sa akin. Hindi naman ako pangit sa tingin nila, kase may times na madikit sila sa akin, at nagkakabiruan din ng crush sa pagitan namin, pero ayoko seryosohin kase baka naman biruan nga lang talaga't magmukha lang akong tanga. Minsan nakakalimutan nila na may kasama silang lalaki, kaya nakikita ko talaga sila in their natural state ng pakikisama sa isa't isa. Ang feeling ko tuloy, parang sa all-girls school ako naka enroll. Pero for 3 years hindi ko talaga sinubukan lumapit sa kahit sino sa kanila, kase ayokong masira tiwala at respeto nila sa akin.
Pero meron akong isang classmate na di ko maiwasan titigan. Sa lahat ng magagandang classmates ko, sya ang pinaka natitipuhan ko. 19 pa lang sya, turning 20 this year, NBSB. Focused sa studies. Friends kami, pero hindi kami ganun ka-close compared sa iba. Di ko pa sya nasusubukang kausapin sa text or social media. Hindi ko alam kung mahal ko sya, palagay ko hindi pa, pero sobrang attracted ako sa kanya, and palagay ko click naman kami kung hindi lang ako umiiwas sa pagdikit masyado. Hindi malayong ma-fall ako sa kanya at this rate.
Nakakatakot dahil hindi ko alam ang sasabihin ng mga kaklase ko kung lalapit ako sa kanya. Natatakot din ako sa magiging reaction ng magulang nya. Hindi sila mayaman, kaya talagang importanteng makapagtapos sya sa pag-aaral. Nakakatakot isipin na ako pa ang magiging dahilan ng gulo sa buhay nya. At syempre, hindi ko rin alam kung magiging issue yung generation gap namin. Baka hindi sya maging masaya kung sakali.
Sa edad kong to, palagay ko hindi na dapat ako nagpapantasya na magka-syota ng kolehiyala. Pero ayoko naman ideny ang nararamdaman kong attraction sa kanya.
Kaya eto't lumalapit ako sa inyo, nang makahingi naman ng konting advice.
Salamat sa pagbasa ng aking mumunting post.