Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Ano ang pwedeng i-kaso?  (Read 3887 times)

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Ano ang pwedeng i-kaso?
« on: October 08, 2007, 09:47:25 pm »
last week nabalitaan ko kasi na may gumagamit ng pangalan ko. nagpapautang sya ng 5/6 at pangalan ko ang ginagamit na ako raw ang nagpapautang at sya ang nagma-manage. kakilala ko iyong gumagamit ng pangalan ko.

kaya ko naman nalaman, kasi may lumapit sa shop ko at hinahanap ako. galit na galit yung tao at ang taas ko raw magpatubo. hiningian ko ng katibayan kasi kung may kasulatan, ipapa-blotter ko na na may gumagamit ng pangalan ko. kaso wala daw silang kasulatan. by word of mouth lang at ang ginamit nga eh, ako daw yung nagpapautang.

sa totoo lang nag-aalala ako. di ko alam kung gaano pa kadami ang pinautang ng taong iyon na ginamit ang pangalan ko. nag-aalala ako sa safety ng pamilya ko, imagine di ko alam may mga galit pala sa akin. ano ang magandang hakbang na gawin? tatanggapin kaya kung ipa-blotter ko ng wala akong katibayan. sya nga pala, today, kinausap ako nung nagpapautang inamin nya na ginamit yung pangalan ko. at kung pwede raw na pag may nagtanong, sabihin ko raw na akin yung pera sya lang daw pinamamahala ko. ang kapal din ng mukha ng gag@. opo, babae po iyong walanghiyang gumagamit ng pangalan ko. sana matulungan ninyo ako.

nagmamahal,
TobleRONe  laffman::
« Last Edit: October 09, 2007, 02:43:48 am by TobleRONe »

zaraki kenpachi

  • self improvement is masturbation...self destruction is the answer
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1371
  • Karma 14
  • Gender: Male
  • pagmulat ng mata...langit nakatawa...
Re: Ano nag pwedeng i-kaso?
« Reply #1 on: October 08, 2007, 10:19:39 pm »
ala akong alam sa law tol,

 pero kung ako ikaw, eh di dadalhin ko yung lumapit sa aking nangutang dun sa pulis estasyon, para magkalinawang hindi ikaw ang nagpautang sa kanila.

 para may witness ka di ba?
my country is the world and my religion is to do good

kykers

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 496
  • Karma 1
  • Gender: Male
  • " walang babaeng panget sa titing galet "
Re: Ano nag pwedeng i-kaso?
« Reply #2 on: October 09, 2007, 12:41:48 am »
in my opinion, i think you can sue her for concealing true name under art. 178 of the RPC. R.A. 6985 regulates the use of aliases and prohibits any person from using any name different from the one with which she was registered at birth or with the B.I. or such substitute name as may have been authotized by a competent court.
isang antas ng pagiisip na mas mataas kaysa pangkaraniwan, di makasarili kundi para sa mas nakararami

pinoyaggie

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 95
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Ano nag pwedeng i-kaso?
« Reply #3 on: October 09, 2007, 01:04:52 am »
In the U.S. they have Identity Theft law and it is a Federal Offense. Hindi ko alam sa Pilipinas. Maybe you can consult an attorney. Di ko lang maintindihan, bakit susugurin ka ng nangutang na kesyo mataas ang tubo mo. Dapat alam niya before siya nangutang kung magkano interest, hindi kung kelan nakautang siya saka siya magrereklamo sa tubo. Mukhang modus operandi iyan pre, baka it will lead to extorsion. Mag-ingat ka and go to the police at ipaalam mo ang sitwasyon. Good luck.

pining

  • Pioneer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 141
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Ano nag pwedeng i-kaso?
« Reply #4 on: October 09, 2007, 01:14:18 am »
Sa tingin ko di naman gaanong kalaking problema yan. Tutal ikaw aman ang nagppautang. Ang problema lang ay kung pangalan mo ang inamit tapos yung gumamit ang nangutang. Kung may nagtanong sayo uli ay kunin mo na lang yun bayad nila ng walang interest

madcarabao

  • Chief Carabao
  • Gold Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8021
  • Karma 76
  • Gender: Male
  • Pinoyspy is the reason why i surf the net!
Re: Ano nag pwedeng i-kaso?
« Reply #5 on: October 09, 2007, 01:23:04 am »
nde naman sha nagpapautang. gnagamit lang ung pangalan niya nung nagpapautang. so malaki parin ang kaso kasi ginawa nung taong un na walang consent sa name na gnamitan.

bro dapat knausap mo ung babae. sinabihan mo labas ka jan. ikaw ang maiipit niyan..

MasterChief63

  • fire your guns, it's time to run, BLOW ME AWAY
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 12329
  • Karma 254
  • Gender: Male
  • FINISH THE FIGHT...
Re: Ano nag pwedeng i-kaso?
« Reply #6 on: October 09, 2007, 01:30:06 am »
if he makes documents in regards to the loans that he has made he can be filed FORGERY for using another persons name as his own for important documents

Don Kanonji

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 204
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: Ano nag pwedeng i-kaso?
« Reply #7 on: October 09, 2007, 01:36:13 am »
Lumapit sa XXX

MiKeDaCuTe

  • Laking Beer Brand!!!
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3447
  • Karma 159
  • Gender: Male
  • Kung Kaya ng Iba, Ipagawa mo sa Kanila...
Re: Ano nag pwedeng i-kaso?
« Reply #8 on: October 09, 2007, 01:42:47 am »
sumbong kay Zaido ang pulis pangkalawakan....  laffman::

seriously pre, dapat isama mo sa pulis yung lumapit sayo... ipablotter nyo yung babaeng gumagamit sa name mo... pati sa barangay pre pumunta ka rin.. yun muna 1st step na gawin mo... delikado yan pre kasi kapag may ginawang katarantaduhan yun eh ikaw ang masisisi sa lahat... aksyunan mo na habang maaga pa repa...

add ko lang pala dun sa tanong mo, di ka pa pwede magkaso kasi dadaan muna yan sa barangay at pulis... pag di kayo nagkaayos dun saka dun mo sya pwede kasuhan...
diba sabi mo nagpapautang sya??? utangan mo muna bago mo ireklamo.. hehehe! joke lang  ;D
« Last Edit: October 09, 2007, 01:46:31 am by mikedacute »

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: Ano ang pwedeng i-kaso?
« Reply #9 on: October 09, 2007, 02:48:16 am »
salamat sa mga nagreply. nang kausap ko kanina yung nagpapautang, sinabi ko ng labas na ako dyan. wala akong alam dyan, baka sa bandang huli eh ako pa ang maipit. nakikiusap pa na pumayag na daw ako. pero pinanindigan ko na di pwede at ako ang maiipit, at sa akin nagagalit yung tao. sinabi ko na lang na baka madamay pa yung  pamilya ko sa galit ng mga pinauutang nya.

buti na lang yung bob0 ay nagtext. may ebidensya na rin ako kahit papaano.  laffman::

madcarabao

  • Chief Carabao
  • Gold Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8021
  • Karma 76
  • Gender: Male
  • Pinoyspy is the reason why i surf the net!
Re: Ano ang pwedeng i-kaso?
« Reply #10 on: October 09, 2007, 04:52:38 am »
nice one. hehe ;D entrapment na yan.. hehe

touchdown06

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 106
  • Karma -1
Re: Ano ang pwedeng i-kaso?
« Reply #11 on: October 14, 2007, 11:41:02 pm »
good to hear that..

ako naman?
ano ba pwdeng ikaso pagnagbayad ung isang tao ngfake na pera?
what if naman ikaw ung magbayad?
my kaso ba un?

darcknight

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 663
  • Karma 4
Re: Ano ang pwedeng i-kaso?
« Reply #12 on: October 15, 2007, 02:47:04 am »
first stop e-pablotter mo sa barangay nyo...bigay mo yung name nung tao na nagpanggap,ang alam ko kasi wala pa tayong identity theft law dito sa pilipinas, kailangan may witness ka rin para mapatunayang siya nga ang gumagamit ng pangalan mo, at kailangang malaman mo rin kung sino-sino ang mga taong nakuhanan niya ng mga pera...matapos mo itong magawa e-repot mo ito sa pulis station para lalong mapagtibay ang blotter na ginawa mo sa barangay ninyo, isa sa mga mamamagitan dyan ay yung brgy. captain para kayo ay pa-pagusapin kung magkakaroon kayo ng settlement or compromise pwede mo ng hindi ito ituloy sa demanda, pero kailangang may written agreement kayo signed by you and the other party and a witness na nandoon, kung hindi naman kayo magkakasundo at least nakakasa na yung hinain mong complaint sa pulis para magawan nila ng aksyon...in tha meantime kung talagang itutuloy-tuloy mo yan mangalap ka muna ng ebidensya kung mamaari may photo ka ng mga nagrereklamo at yung mga nalokong tao for proper documentation on your part the barangay and the police...
THE SPADE IS THE SWORD OF JUSTICE, ITS RAPIER MARKS THE END

xXPrinceXx

  • "I am not educated nor am I an expert in any particular field. But I am sincere and my sincerity is my credentials."
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 551
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • Proud Espiya - Dasma Cavite
    • www.uma.com.sa
Re: Ano ang pwedeng i-kaso?
« Reply #13 on: October 23, 2007, 10:10:43 pm »
Sigurado ko pinautang niya ang mga chocolates mo at pinatubuan pa  laffman::

About sa question mo eh siguro ang mga ka spies na nating magagaling sa batas ang sumagot nito hehehe ingat ka Toblerone kasi may ka spies tayo dito na mahigpit pag dating sa batas  laffman::

Nasabihan pa nga ko ng "moron" nung magstart ako ng isang topic about sa barkada ko "kung makukulong ba siya or hindi kung sakaling napatay niya ang magnanakaw"

Di ko na lang pinatulan  laffman::
Middle East - Al Khobar (Contact me 0562609596)

Van Gogh

  • MENTALLY DISORDERED
  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1533
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • ROCK ON
Re: Ano ang pwedeng i-kaso?
« Reply #14 on: November 01, 2007, 09:39:03 am »
Identity Theft!


question lang Toblerone!
sabi mo babae yung gumagamit ng pangalan mo, kung ganun.....



babae kba tol?(o pwede sa babae ung pangalan mo! curious lang! ;D)
YOUR NOT HARDCORE
UNLESS YOU LIVE HARDCORE


POSERS DIE!

Shadow_Brainiac

  • "Anino ng Mga Makukulit"
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2323
  • Karma 26
  • Gender: Male
  • Shadow_Brainiac
    • Easy Earn While Viewing 30 Seconds Ads!!
Re: Ano ang pwedeng i-kaso?
« Reply #15 on: November 01, 2007, 09:44:47 am »
Sa Pilipinas, pasok lang yan sa tinatawag na maliscious mischief. Medyo mababa lang sentensya dyan.  But pag sinamahan ng additional crime, like ginamit ung name mo sa pagnanakaw, estafa, at iba pa. Lalaki ang penalty nyan.

alucardver

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2413
  • Karma 47
  • You Can Run,But You Can't Hide!!!
Re: Ano ang pwedeng i-kaso?
« Reply #16 on: November 12, 2007, 03:39:44 pm »
aNU po ba ang tama dito? Intellectual Property or Identity Theft? hehhe, sensya na po, wala akong alam sa ganyan eh, pwede pala sumang ayon ng ganitong problema dito... ako din mga bro mag oopen ng problema ko dito. pero sa ibang thread naman, sana mabigyan nyo rin ako ng advice.  toast::
pc problem? we have tutorial on to troubleshoot your PC here at:
http://pctekguru.blogspot.com

jazz24

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 20
  • Karma -1
Re: Ano ang pwedeng i-kaso?
« Reply #17 on: November 12, 2007, 09:32:30 pm »
hindi problema yan kapatid, ikaw manigil dun sa mga nagkakautang sa pangalan mo at least nagkapera ka pa.