Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: gusto ko mag alaga ng hamster.. advice please  (Read 9841 times)

sensored

  • 2008 Guardians
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 180
  • Karma 0
gusto ko mag alaga ng hamster.. advice please
« on: July 19, 2011, 02:17:02 pm »
Hi mga ka-espiya.. sa mga nag aalaga nang hamster jan tips naman sa pag aalaga sakanila.. hindi ba sila nangangagat?.. mabaho ba?.. pano mag maintain ng hygiene nila ung hindi babaho.. plano ko kasi sa kwarto ilagay para pag gising sa umaga may makikita ka na pet.. hehe.. ano ba kailangan ko sa starter kita?.. salamat!

Skrappy <3

  • Espiya Fuckaroo <3
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 972
  • Karma 8
  • Gender: Male
  • Sex is a part of nature. I go along with nature.
Re: gusto ko mag alaga ng hamster.. advice please
« Reply #1 on: September 02, 2011, 12:02:54 am »
Hi mga ka-espiya.. sa mga nag aalaga nang hamster jan tips naman sa pag aalaga sakanila.. hindi ba sila nangangagat?.. mabaho ba?.. pano mag maintain ng hygiene nila ung hindi babaho.. plano ko kasi sa kwarto ilagay para pag gising sa umaga may makikita ka na pet.. hehe.. ano ba kailangan ko sa starter kita?.. salamat!
Mabaho pre, mapanghi ang ihi nun and if ever na papaliguan mo araw araw, mamatay in sila not a good choice for a bedroom pet

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: gusto ko mag alaga ng hamster.. advice please
« Reply #2 on: November 08, 2011, 12:25:17 pm »
misconception iyong mabaho ang hamster, nasa pag-aalaga iyon at pag maintain ng cage.

una kailangan mo ng malaking cage para sa pair of hamster. mga 2x3 feet pwede na, pero kung may budget ka mas malaki doon mas mainam. at wag kang bibili nga cage ng parang sa ibon. gamit kong kulungan, plastic storage box para malaki

pangalawa, para di "bumaho" ang cage ng hamster mo kailangan mong gumamit ng "imported" na kusot di dahil sa sinabi kong imported ay mas mahal na. mas mahal pa nga yung ordinary kusot na nabibili sa cartimar. yung imported na kusot is 1kilo 70-80 pesos, chipsi or vitakraft yung brand. samantalang yung ordinary 20 pesos isang pack, wala pang 1/4 kilo ang timbang.

isa pang advantage ng imported na kusot is mas marami ang kayang i-absord na wiwi. at mabango yung amoy ng kahoy. sa binanggit kong 2x3 feet na kulungan, kailangan 1 inch ang kapal ng kusot sa loob, kapag ganito at least weekly ang palit ng kusot. kapag manipis kasi layer ng kusot, madaling mababasa lahat at babaho talaga ang cage wiithin just a few days, mga 2-3 days lang palit ka ka agad.

para sa paglilinis naman ng kulungan. gumamit ka ng 50-50 solution ng suka at tubig, 50% suka, 50% tubig. ang ihi ng hamster ay alkaline, ang suka ay acid. manu-neutralize ng suka ang ihi/amoy na nakakapit pa sa kulungan tuwing magpapalit ka ng kusot.

as for the food, purina pellet lang gamit ko. pero hanggat maaari iba ibahin mo kinakain nila every other day para di magsawa. halimbawa, pellet, apple, pellet, carrot, pellet... etc, every other day ang pakain ng pellet.

para sa health naman ng hamster, kailangan nila ng vitamin C. bili ka ng ceelin chewable, huwag yung liquid since nawawala ang bisa kapag inihalo sa tubig. or kung matyaga ka, painumin mo sila ng liquid gamit ang syringe or dropper. ang isang hamster ay nagangailangan ng 20-40 mg ng vitamin C daily. at first subukan mo kung kakainin nila yung ceelin chewable kung ayaw, durugin mo at ibudbod mo sa pellet na kinakain nila. yan din reason kaya bakit every other day ko sila pinapakain ng pellet para may vitamin c sila, di kasi sapat yung vitamin c na nakukuha nila sa gulay at prutas. tapos pinapainom ko pa rin sila ng multivitamins, yung pangmanok ang gamit ko, aquadox ang pangalan. isang maliit na sachet lang good for 5 liters of water na, mura lang iyon 20 pesos. mababa lang ang vitamin c content nito kaya kailanagn mo pa rin ng hiwalay na vitamin c.

lahat ng binanggit ko makikita mo rin naman sa net, pinagsama sama ko na lang. at nilagay ko na yung alternative na vitamins. ang mababasa mo kasi sa net puro imported na vitamins, na di naman locally available dito sa Pilipinas.

BTW, guinea pig na alaga ko. mas mabait kasi kesa sa hamster, di pa nangangagat. pareho rin lang sila ng hamster kung paano alagaan.  toast::

Adonai

  • <3 2 F ur MoM
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1537
  • Karma 38
  • Gender: Male
Re: gusto ko mag alaga ng hamster.. advice please
« Reply #3 on: November 24, 2011, 03:27:59 am »
picture naman dyan pre ng pet at cage mo
You're not your. This not these. It's not its. We're not were.

Thanks Gat J.P. Rizal for the Arsenal shirt. <3

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: gusto ko mag alaga ng hamster.. advice please
« Reply #4 on: November 24, 2011, 02:05:42 pm »
imported na wood shaving/kusot 1 kilo = 75 pesos


makeshift plastic container turned into a cage. red yung kulay ng inumin kasi may vitamins "aquadox" 20 pesos/satchet.


makeshit cover made from wood frame and chicken wire.


This is Light, 4 months old


This is Bubbles, 2 months old.


Light and Shadow. Shadow is the only female in the group, also 2 months old. Curly or a long haired guinea pig.


Food: Food Mix (70/kg). Rabbit pellet (16/kg). Purina Pellet (32/kg).


Alternate yung pagpapakain ko ng pellets. since nagsasawa din sila kung pare-pareho ng kinakain. then minsan carrots, apples and some greens.

And may separate na cage yung dalawang bata, bully kasi yung malaki.

sentinelpower

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 157
  • Karma 0
Re: gusto ko mag alaga ng hamster.. advice please
« Reply #5 on: January 08, 2012, 09:22:14 pm »
Mejo madali magparami nito, me mga hamster ako dati, ang napakaimportante sa pagaalaga nila e malinis lagi ang lalagyanan nila, ang pagkain nila at tubig nila.