Sa Aming Muling Pagkikita (Kaibigan Kong Langgam – Ikalawang Yugto)-orihinal na akda ni deosh_pilyo-Naglaho’t nawaglit sa magulong isipan
Ang isang pangakong aking binitawan
Kung hagip nitong diwa lahat ng nagdaan
Siguro’y tanda mo pa ang
“Kaibigan Kong LANGGAMâ€ÂÂÂSa loob ng sandaling tagal na di pagkikita
Ako ay nagulat at lubhang nagtaka
Binusisi ng titig, kinusot ang mata
Saka ko nabanaag
“Si kumpareng Langgam palaâ€ÂÂÂ!Habang papalapit sa tabi ng punso
Kung saan si pareko’y doon nakatayo
Suot kanyang
“Oakley†at polong
“Giordanoâ€ÂÂÂPormang-porma pa lang, ala-
“Joaquin Burdadoâ€ÂÂÂ!
Dibdib ko’y napuno ng tuwa at inggit
Habang winiwika nya ang kanyang sinapit
“Pare ako’y sinwerte sa aking paghimig,
Sapagkat aming Reyna sa akin ay umibig!â€Â“Ngayon ako’y hari kung kanilang turing
Walang tumututol sa aking pasaring
Utos ko ay batas, anumang aking hiling
Kailangang masunod, kailangang tupadin!â€Â“Sa tingin mo kaya’y masaya yaring buhay?
Sa aking kasikata’t materyal na bagay?
Pagpapalang hiniling at sa aki’y binigay,
Bakit parang kulang pa rin, tila parang walang saysay?â€ÂÂÂKaya muli ako’y sa kanya may ibinulong,
“Sa mundong ibabaw, wala mang angking dunong
Kapag tunay na pag-big ang sa puso ay siyang baon,
Tiyak ang luwalhati at ligaya ang siyang kanlong.â€ÂÂÂBagama’t hanap ko pa ang
pag-ibig na wagasHindi ako maiinip, hinding-hindi na tatakas
Ayaw kung sa Pag-ibig sumubok at mangahas
At ayaw ko rin naming abutan ng
taglagas.