Hinding-hindi naman ako nagbibiro
Pag sinabi sa'yong nabihag mo ako
Ngunit malabo yatang masabi iyon
Dahil hindi mo naman ako matutunton
Sa kompyuter nga lang kita nakikita
Tinitingnan ka kapag walang magawa
Sa tulad mong parang isang takaw-tingin
Di hamak marami ang sa'yo'y gigiliw
Ano naman kung tawanan nila ako?
Tuwing sasabihing umiibig sa'yo
Dahil ba sa imposible kang mahalin
At di ka tagarito sa lugar namin
Alam kong pantasya ka rin ng marami
Kaya inaasam ko'y di mangyayari
Tititigan na lang kita sa desktop ko
Hanggang mga mata ko'y magsawa na sa'yo.