don't waste your time in filing a complaint at this office.
wala kayong mapapala. heto ang istorya ng reklamo ko...
5:00nh, 28 ng mayo 2011, binangga anng sasakyan ko ng isang airport taxi sa whiteplains, qc. sa lakas ng pagkakabangga, nasugod ang asawa ko sa hospital. inabot na ako ng hating-gabi sa traffic sector pero hindi nakipag-usap ang operator o kinatawan ng taxi company.
may nagpayo sa akin na mag-file ng "administrative case" sa LTFRB laban sa operator ng taxi na aking sinunod. nagpunta ako sa kanilang tanggapan ika-31 ng mayo, akala ko simpleng complaint sheet lang, kailangan daw notaryado. may itinurong atty ang nasa complaint desk at pinuntahan ko, ang bayad, 200 petot!
naitakda ang pagdinig sa reklamo ika 7 ng hulyo, 2011 at inaatasan ang inirereklamong kumpanya na magsumite ng notaryadong liham-kasagutan hinggil sa aking reklamo.
dumating ang araw ng pag-dinig, dumating ang kinatawan ng kupanya kasama ang driver pero walang dalang liham-kasagutan. itinakda ulit ang ikalawang pag-dinig sa ika-18 ng agosto, 2011. (hmmm, nakaka-amoy na ako ng kuntsabahan sa sitwasyon sa kadahilanang kilalang kumpanya ang aking kalaban).
dumating ang araw ng ika-lawang pag-dinig, 18 agosto 2011. humarap ako pero wala ang kinatawan at driver ng aking inirereklamo. nag-desisyon ang opisyal na dumidinig na gawan na ng resolusyon ang reklamo ko.
kahapon, naisip kong susugan ang aking reklamo kaya't mula bulacan, nagpunta ako sa kanilang tanggapan. bago pa ako maka-akyat sa legal office, kailangan pumila ako kasama ang mga fixer at liaison officer sa lobby ng nasabing tanggapan. makalipas ang 30 minuto, pina-akyat na ako ng guwardya.. pag harap ko sa isang nag-ngangalang chris mendoza, agad naman niya akong inasikaso.. hinanap ang kalagayan ng reklamo ko sa kaniyang desktop.. ito na ang masakit.. makalipas ang ilang minuto na pagtayo sa kaniyang tabi habang halos lahat ng yata ng exel files niya ay nabuksan na, hindi makita ang case number ko.. wow, ang tagal ng hinintay ko, wala naman pala akong inaasahan. kinuha ni g. chris ang aking contact details at nangakong mag-tetext siya kinabukasan, kaya't ako ay umasa.
kinabukasan, ala-una y medya na ng hapon, wala pa akong natatanggap na text kaya't minabuti kong tumawag sa kanila. eksakto at siya ang sumagot! nakita na daw niya ang case folder ko at may pinapabagong talata ang hepe ng legal dept at hindi niya daw pwedeng sabihin (hmmm, ayaw kong isipin na nag-kaistoryahan na ang hepe at ang pangasiwaan ng aking inirereklamo..) pinababalik ako sa lunes para daw malaman ko kung na"ayos" na ang resolusyon.. ng aking tanungin kung kailan ako makakakuha ng sipi ng nasabing resolusyon, ang sagot... depende daw kung kailan mapipirmahan ng dalawang board member o ng chairman ang resolusyon..
wish me good luck kung matanggap ko ang pamasko ko ngayong taon ng mas maaga.