Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Need Help, What Should I do?  (Read 3059 times)

ghuk

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 172
  • Karma 0
Need Help, What Should I do?
« on: November 08, 2010, 09:32:45 am »
mga ka espiya , pahingi naman po ng advise, ganito kasi

Registered Nurse po ako, ang graduate ako last 2009, pero hindi ako agad nakakuha ng work. ang pass ako sa madaming hospitals sa amin. pero sa kasamaang palad ni isa walang tumawag. napakadami kasi din mga naka pilang resume eh. so nung october last year sinama ako ng friend ko na magapply sa call center kahit ayoko. ayaw ko kasi talaga ang call center. at ayun sa kaswertehan ko ata , natanggap ako, sa una ayoko talaga. as in kahit natanggap ako parang ayoko parin pumasok sa training, pero ayun napilit ako ni gf, tsaka sabi ko sige try ko na nga. wala naman mawaala kung itry ko.

so ayun para hindi na masyado humaba. nakatiis ako sa callcenter ng 4 months. pero hindi ko talaga gusto ako environment, halos lahat ng tao sa team namin umiinom. nahyoyosi. ang lakas ng influence pero hindi ako nagpadala. kasi hindi talaga ako nagyoyosi, kahit madalas pinipilit ako. tumatangi parin ako. tapos magastos, kasi laging lumalabas. minsan ayaw ko na sumama pero for the sake na makibond at makiblend sa team sumasama narin ako. so ayun for 4 months natiis ko yun.
pero 1 day, nagising ako sa point na ayoko na. kahit sumesweldo 8k plus 3k allowance, ang hirap, yung environement hindi ko gusto. tapos yung shift sobrang mahirap. graveyard shift ako, lagi ako nahihilo at sumasakit ulo dahil sa ganoong shift. kaya ayun nag decide ako na magresgn nalang

so ayun nagresign ako at naging tambay sa bahay. pero nag hanap parin ako ng mapapasukan kong hospital, so patuloy parin ako sa pagpapass ng resume sa mga hospitals. ilang months din ako naghintay, hanggang sa nung may tinawagan ako ng isang hospital para sa interview daw and exam, ayun naexcite ako kasi finally after ilang months may tumawag din sakin sa hospital

so ayun nga pumasa ako sa exam and sa interview. so nagstart ako nagvolunteer nung july. oo july palang nagstart ganun katagal kahit pumasa na sa exam and interview july parin nagstart kasi madaming mga volunteer pa sa hospital
so from july hanggang ngayon novemer volunteer parin ako,

pero ang problem eh iniisip ko kung itutuloy ko pa ba ang pag vovolunteer na yun,. 3 days na kong hindi pumapasok/nagduduty nito. ang hirap kasi ng trabaho sa hospital tapos kahit magkano walang sweldo, hindi ko talaga matanggap na nagttrabaho nang mahirap tapos ni singko wala talaga. ang hirap pa kasi nakakahiya na sa parents ko. kasi hanggang ngayon humihingi parin ako ng baon sakanila every duty ko.

nahihirapan din ako mag adopt kasi ang stlye dito sa hospital eh every month na rorotate sa ibang area. ang hirap kasi sa isang month 16 days lang ang pasok ko. dito kasi pag volunteer ka madalas taga take ng vital signs and medication, so sa 16 days na yun hindi pa ako masyadong kabisado sa area or sa ward na yun tapos bigla lilipat nanaman sa ibang area. so panibagon adjustment nanaman. panibagong pakikisama nanaman ulit sa mga staff. ang hirap kasi parang hindi ako masyadong natututo. tapos knowing na ang trabahong to eh libre at gumagastos pa magulang ko.

eto pa isang mahirap, pag naguusap mga staff ko about sa sweldo, cutoff, " uyy may sweldo na". syempre kahit papano naiingit ako, parehas lang kami ng gngwa at prehas kming RN pero sila may sweldo, ako wala.

kaya ayun naguguluhan ako kung itutuloy ko pa. ok sakin ang trabaho ng nurse. kahit mahirap kaya ko ,pero kung may sweldo naman sana or kahit allowance. hirap kasi satin dito sa pinas volunteer talaga ang madami eh

ang family ko hindi naman mayaman. average lang. middle class, pero kahit papano gusto ko din makatulong siyempre.iniisp ko nga mag business na lang, pero wala ko maisip na business eh. sana may makapag bigay ng advise dito.thanks mga ka espiya and Godbless!,


docastro69

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 191
  • Karma 0
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #1 on: November 08, 2010, 10:16:14 am »
gandang araw sayo sir ghuk..ung naeexperience mo ngayon is one of the common stories of nurses here in the philippines. sadly bro yan ang reality. alam ko mahirap mag work ng walang compesation o sweldo pero look at your situation this way..you really have to start somewhere. sa ating health care system hierarchy is very much evident and you have to start at the bottom and work your way up.  wag ka paapekto at alisin mo sa system mo ung word na "inggit". mali kasi na maiingit ka na sumesweldo ung mga kasama mo at ikaw hindi pero pareho naman kayo ng work..tandaan mo sila din dumaan sa ganyang dinadaanan mo. dapat this should serve as a motivation na lalong magtrabaho para a few months from now ganun ka na din. nothing comes easy in life..

and pagdating sa rotation look at it in a positive way..nakakapagrotate ka sa ibat ibang areas and learning shouldn't be limited sa tinuturo..ask questions sa mga senior nurses o doctors pag may opportunity..tapos pag may time ka magbasa ka ng mga nakita mong procedures o sakit. kasi kaya lumilipat para mafamiliarize ka and eventually makikita mo kung sang area ka strong..kung gusto mo ng maaksyon at very demanding e sa ER or ICU ka mag paassign pag regular ka na..kasi with these method pwede mo maassess kung pang ward ka o specialize areas like ICU, ER or OR..

with regards to your parents..alam ko na nakakahiya talaga na humihingi pa din ng baon kasi la pa sweldo pero sometimes we just have to swallow our pride. naranasan ko din yan nung nagstart ako ng residency ko..feeling high and mighty kasi board passer na at may titulo na M.D. pero in the end humihingi ng pera pang allowance pang duty nung pre res hehehe.. cguro naman pag kinausap mo at inexplain mo sa magulang mo ung situation na medyo matatagalan ka pa na magkasweldo e maiintindihan ka naman nila..they rather see you finish the whole damn thing kaysa sa magquit ka. quitting will never solve your problem.. kasi if you quit you back to square 1 and you will have to start all over again dba so mas matagal ka pa magiging pabigat sa parents at sa family mo. ganito na lang sabihin mo sa parents mo ung binibigay nila allowance sayo e loan muna nila sayo habang nagsisimula ka and promise to pay them back pag sumesweldo ka na kahit di ung ibibigay mo ng buo but by doing things like trying to pay some of your bills sa bahay or sumagot ng konting panggrocery once a month. sabi mo nga 16 days lang pasok mo sa isang buwan bakit di ka maghanap ng ibang raket na pwede mo gawin to earn something pang allowance mo dunsa other 16 days na wala ka work. since nasa medical field ka e why not try to apply as a part time medical transcriptionist..pwede mo gawin sa bahay! it's just a matter of how much you want it. basta bottom line wag ka magquit!!  if you want a better future for yourself at makatulong sa family mo you should finish whatever you've started..sana nakatulong kahit konti bro..peace! toast::

ghuk

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 172
  • Karma 0
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #2 on: November 08, 2010, 11:14:22 am »
doc thank you! nainspire ako sa mga sinabi mo. pero ang problem ko nalang bro kasi malayo ang hospital na pinagvovolunteran ko. 1 1/2 hour ang biyahe ko mula samen. tapos 12 hour shift ang duty doon. kaya pag duty eh talagang pagod lalo na pag sa ward. primary nursing kasi ang style dito eh. so pag medication nurse dito halos hindi na umuupo buong shift dahil sa dami ng pt. ehe.

ang iniisp ko eh lumipat nalang ako ng ibang hospital , na mas malapit samin. although yun nga lang another adjustment nanaman sa work place, co workers, etc  ano sa tingin mo bro? pinaka hassle kasi ang biyahe. wala naman kasi ako budget pang bili ng car kaya commute everyday ako.ehe

docastro69

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 191
  • Karma 0
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #3 on: November 08, 2010, 11:49:42 am »
doc thank you! nainspire ako sa mga sinabi mo. pero ang problem ko nalang bro kasi malayo ang hospital na pinagvovolunteran ko. 1 1/2 hour ang biyahe ko mula samen. tapos 12 hour shift ang duty doon. kaya pag duty eh talagang pagod lalo na pag sa ward. primary nursing kasi ang style dito eh. so pag medication nurse dito halos hindi na umuupo buong shift dahil sa dami ng pt. ehe.

ang iniisp ko eh lumipat nalang ako ng ibang hospital , na mas malapit samin. although yun nga lang another adjustment nanaman sa work place, co workers, etc  ano sa tingin mo bro? pinaka hassle kasi ang biyahe. wala naman kasi ako budget pang bili ng car kaya commute everyday ako.ehe

hehehe i'm glad medyo nalinawan ka at nakatulong ako! ganito na lang gawin mo bro..try to apply sa mga hospitals na mas malapit sa house nyo pero wag ka muna magresign sa pinapasukan mo na hospital..submit ka lang ng resume mo then pag tumawag e di try to weigh the options in front of you..try to weigh the pros and cons and kung alin sa mga hospitals of choice mo will be able to provide you with better salary, experience at benefits which will help you in the long run. wag mo isipin muna ung distance ng work mo and the time it takes you to go to work..isipin mo na lang maliit na sacrifice lang yan.kung wala ka kotse at mahal ang fare sa FX e jeep na lang muna tyo o tricycle hehehe .. ako nga bro nung nagstart ung pinapasukan ko na hospital sa laguna, cavite at bulacan pa e dito ako nakatira sa QC..commute din ako bro para makatipid sa gas at parking hehehe..minsan after ng 24hr duty ko sa isang hospital pupunta pa ko sa isang duty para lang makaipon hehehe..it's all about time management and commitment bro. alam ko naman meron ka nitong mga to eh hehehe..

kung lilipat ka naman don't worry about the adjustment sa work place at sa people you just need to be flexible..at least dadami friends mo at madadagdagan ang experience hehehe..basta try to find a place /hospital na alam mo at home at enjoy ka sa mga makakasama mo kasi minsan malaking bagay ang mga magiging kasama mo sa work kasi pag nag eenjoy ka e di mo na mapapansin na nagtatrabaho ka.. magtrabaho ka lang ng maayos and everything will fall into place!

try to pace yourself sa ward..since volunteer ka pa lang e habang maaga try to observe ung mga style at tendencies ng mga doctor na makakasama mo sa hospital para maaanticipate mo na gagawin mo pag alam mo na sya kaduty mo sa day na un..CHILLAX ka lang lalo na pag nagtotoxic hehehe...at lastly pumasok ka na bukas baka maisipan pa nila na palitan ka..tandaan mo dami din naghahangad ng slot mo na gusto magkatrabaho hehehe ingat bro!!toast::

FerminaDaza

  • Be your own Adviser.u know.and i know u know.I know because we all know.There's no getting away w/it.
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6529
  • Karma 514
  • Gender: Female
  • My only aim is to help, not convince.
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #4 on: November 08, 2010, 12:17:44 pm »
Yipey,so much better when the Doctor is IN :)

@ghuk,pag wala pa mag-PA ka na lang kay doccastro po! Joke !

Kidding aside,@ ghuk, perseverance bro. "Persevere like a wounded but Brave soldier,to win the battle you must make  the  mind  control  the  body." Don't just quit ;)

Discouragement isn't pleasant BUT VIRTUALLY Inevitable.It will Pass.

Let it rain,,,it won't rain forever ;)

Persistence Pays.


leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #5 on: November 08, 2010, 12:33:14 pm »
napansin ko lang no offense ha pero andami mong reklamo, malas lang tayo dahil andito tayo sa era na mahirap makahanap ng trabaho, marami ako kabigan na nurse and lahat ng hinaing mo wala pa sa kuko ng hinaing nil nurse friend na napaka ganda nito.. pero 24hours staright siya kung mag duty taga qc ito at sa sta maria bulacan pa ang center na pinag vovolunteer nya wala din siya ni piso na sahod.

my point is, be contented on what you have kung gusto mo makatulong sa magulang mo.. pagkakaroon ka ng disente na trabaho eh sapat na para sa kanila,  lahat ng tao ngayon naghihirap para magkaron ng trabaho sana icherish mo yun...  wag ka maingit kung may sweldo sila o mas mataas ang position nila sayo dahil for sure naghirap din yan bago sila naka tuntong sa kung ano meron sila ngayon.

Mika Mika

  • to Hudaz Hestaz (Change name request) Salamat 2010 Anti-Bastos Brigade
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1674
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • You can describe a very unpleasant smell as evil
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #6 on: November 08, 2010, 05:59:28 pm »
Tska minsan try mo rin mga bawal kapatid dipende nalang kung bawal talaga sayo pwede mo namang subukan wag lang sosobra kelanagan mo rin yun  smoking::

zravimn

  • gonna catch 'em all!
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 794
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • ~rock on!~
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #7 on: November 08, 2010, 06:04:23 pm »
taga saan ka ba?
try mo mag-apply sa san juan de dios sa pasay tapat ng heritage hotel.
dun palaging hiring.
pasa ka lang resume sa information or sa HRD.
tama magresign ka!
para ka namang may kasalanan o naiwala at nagtatrabaho ka ng libre.
hindi ka naman social worker noh!
do wwhat u thiink is best for u & ur family.
GF ko RN don, almost three years na rin sya don, tyagaan lang.
apply ka na rin sa ADM.
agency yun sa BIR sa Ugong Pasig.
extended hiring nila til december for HOSPITALs sa KUWAIT.

etoh lang masasabi kong mabigat.

wag ka magpakatanga sa libre.

volunteering is not bad, in fact its great when u do it with all your heart.
pero yung sudden inggit dahil sila eh may income ikaw wala.
malaking difference na yun.
how ka makakahelp sa family mo kung ure working for free.

wake up lang!

cge happy hunting.

sometimes job dedications are not enough to see or appreciate lalo na kung mga chinese ang employers mo dito sa discriminative country natin.

good luck ha!

keep going! :applause :applause :applause
~rock on~
mas masarap mag post ng own captures! =) =) =)
Dont forget my GF points if appreciated...
thanks you! =)



Gamitin ang mata!,hindi ang bibig sa pagpuna o komento!

ghuk

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 172
  • Karma 0
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #8 on: November 08, 2010, 09:51:03 pm »
salamt sainyo mga sir.. ang sakin lang sana naman mabago ang sistema dito sa atin. kahit man lang allowance or pamasahe bigyan kameng mga volunteer. kahit pamasahe lang araw araw bigyan kame ok na ako. para atleast makabawas man lang pabigat sa mga magulang.

Mika Mika

  • to Hudaz Hestaz (Change name request) Salamat 2010 Anti-Bastos Brigade
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1674
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • You can describe a very unpleasant smell as evil
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #9 on: November 09, 2010, 12:39:08 am »
Dapat sulong rin ni p-noy yan allowance man lang sa mga volunteer, ingat nalang kapatid kaya mo yan  toast::

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #10 on: November 09, 2010, 01:14:42 am »
ngeeeeeeeee

late na akong nakapag-reply

ganyan lang ang nadanasan mo nagrereklamo kana

alam mo tol may iba dyan 2  yeas na walang sweldo ang pinagadaanan bago sila na hire ikaw ilang buwan lang e ngawa ka kaagad

sana nagtiis ka muna sa call center para mabawi ng parent mo yung ginastos nila at makaipon 1 year is enough makakakuha ka ng madaming training

ganyan din ako reklamo he  he hehe pagdating ko sa private hospital mga walang kwenta ang mga kasama ko kase sila sanay sa 20 madami na yun para sa kanila, ikaw sanay sa 50-80 mas mabilis ka, mas magiging critical yan pag-iisip mo ang una mong mapapansin ngayon reklamo lang ang magagawa pero pagdating ng panahon malalaman mo din and dahilan

Vital Signs is the most basic among basic
tanungin kita

1. kapag walang kamay at paa saan mo kukunin ang VS especially BP
2. kapag walang ka marinig na korokouff sound anong gagawin mo may patient na ganun
3. kapag narinig mo na ang diastolic pero pagka deflate  mo  may tumunog pa anong gagamitin mong baseline like 90 ang narinig mong diastolic pero pagka deflate nakita mo sa 60 tumunog pa parang ganun
4. kapag ang diastolic 0  anong gagawin mo pero buhay ang patient

many people like nurses and doctor have different answers napaka basic napaka simple pero complicated

kung madami patient x4 anf mga VS  mo lang hwag mong paganahin yung idealitic mentality nasa reality ka you must accept it dahil ikaw din mahihirapan kung full 15 minutes sa VS na every patient  sa public di mo magagawa yun

sabi ng iba mag-resign
pwede kang mag-resign kung may lilipatan ka it is a must kase nangyari na sa akin yan magiging tambay ka lang ulit at sasabihin mo sa sarili mo bakit ako nag-resign

tiis ka muna kase papunta ka pa lang marami na ang mga bumabalik at dalawang beses ng pumpunta ang mga iba sa pupuntahan mo

tsaka tandaan mo mas mahalaga ang experience kaysa sa pera dahil di nabibili ng pera ang experience kundi perseverance at determination ang makakabili nito


mayki

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2360
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • awts
Re: Need Help, What Should I do?
« Reply #11 on: November 09, 2010, 06:53:42 am »
Stop yappin and start working.. Kung hindi ka masaya then look for another job, lahat ng tao may naka destined na work, you just have to find it  8)
aza