Co spies, good morning.
Facebook. Facebook helps you connect and share with the people in your life. Well, it lives its purpose. As a cadet living inside an academy, eto lang ang means of communication naming magkakaklase nung highschool aside from payphones and letters (either snail mail or thru LBC).
Everytime na lumalabas kami ng academy, ang una kong binubuksan ay facebook pagkadating na pagkadating ng bahay, ever since nalaman ko itong site na 'to last summer of 2009. Nagsimula sa paglalaro ng mafia wars, then barn buddy, then super poke pets, then farmville. Since then, nagsubok na rin ako ng ibang games.
As time went on, nadadagdagan at nadadagdagan ng isang app na nilalaro ko kada visit ko sa bahay. As in talagang nakalimutan ko na halos mag dota at bumisita sa tambayan ko dati na computer shop. Syempre, di ko nakakalimutang mag log sa espiya. Yun nga lang, most of the time sa facebook help ako nakatutok (na hindi ko naman ginagawa before I joined facebook). Masaya na ko pag nakakalevel ako sa mafia wars or farmville. Lalo na nung christmas break, kung kailan natripan kong mag lagay ng "Super Mario" design sa farm ko with matching snowy background.
Pero, nag iba lahat nung mag bago ng policies and layouts ang facebook.
Napansin nyo naman siguro na mejo nagbago ang layout ng facebook. Maraming upperclass ko na ang nagsasabi na nakakalito na daw yung site navigation. Di ako naniwala nung una.
Pinalabas kami ng academy noong Titignan ko sana kung anong nakakalito, kaso,
then, panic starts to work on me.
Na disable yung account ko sa facebook... Di ko alam kung pano... wala naman akong gnagawang masama...
I spend most of my time to search for ways on how to re enable my account. It took me days, but still my account is disabled. Nag faflashback sa kin ang mga oras na nag fafarmville ako. Ang mga oras na tumatakas ako sa tunay na buhay at maglaro ng kung ano man sa fb. Ang mga oras na nagkabati na kami ng mga kaaway ko. Ang mga oras na nag lelevel up ako sa mga games, kasama ang mga pag pupuyat ko.
Then I laid down on my buns and let my mind idle, free from worries and pressure. An officer of mine said that "an idle mind is a devil's playground". In the contrary, it was a place for me to think. A moment to recall and reflect on what really is the importance of using facebook.
Naisip ko, parang umuuwi na lang ako para mag facebook. Nalimutan kong mag spend ng quality time sa pamilya ko, since ako na ang aasahan pag graduate ko. Marami akong mga gusto kong gawin dati na di ko nagawa dahil na consume ang oras ko sa kaka click. Nakakatulog sana ako ng matagal, imbes na nagbubukas ako ng facebook ant nagtitiyaga akong maghintay sa loading (since naka proxy site lang kami sa loob ng academy if we're using facebook). Nakagala na sana ako sa iba't ibang lugar while i'm outside.
Here I am now, typing my story of reflection on this site. As of now, plano naming mamasyal ng mama ko at kapatid ko. Tapos non, maglalaro ako ng OP7 at dota with my old friends. Dadalhin ko ang camera namin (kahit di DSLR ang sa amin at easyshare lang) at kukuha ng mga letrato ng mga bagay na narerealize kong maganda pala without the influence of facebook. Siguro naman, di na ko magkaka eyebags dahil di na ko magpupuyat kaka harvest. Mas may time na kong mag asikaso ng papers ko (for my shipboard training).
What I'm trying to say here is that: there's more out of life than facebook, or friendster or any other social networks. Minsan, sa kakagamit natin ng computer, nalilimutan natin na mayroon tayong mga mahal sa buhay na nangagailangan ng pansin... mga trabahong kailangang gawin... mga bagay na mas masarap gawin... mga salitang mas masarap na sinasabi ng personal... at siyempre, mga feeling na mas masarap madama when you're really hearing or seeing it on person. Di naman masama ang gumamit ng computer. Ang sa akin lang ay gamitin ito with moderation.
Siguro, pag ne re enable ang account ko, gagamitin ko pa rin iyon, pero for communication purposes na lang siguro. Magbubukas man ako ng apps, pero baka pa silip silip na lang, di tulad ng dati. I'm not against the site (except for the customer service.. ang bagal ng action) nor in favor with it. Let's just say na "graduate" na ako sa addiction ko sa facebook apps and currently on the path on moving on with my life, preparing for the better things that will come.
Co spies, if you ever reach this point, please... abstain from whatever your addiction is and have a time to reflect. Thank you for reading and have a good day.