Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE

Author Topic: me pamilya sa pinas na me kalaguyo sa ABROAD - tawag ng laman nga ba  (Read 2000 times)

chirazpatrick

  • thoughts leads to feelings , FEELINGS LEADS TO ACTIONS , actions leads to results -- >(.)(.)
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1577
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • do you want some piss boy
eto ay sulat ni Ramon Aure   

AT SUMASANG AYUN AKO KC YAN ANG TOTOO NOT TO ALL BUT HMMMM NO COMMENT  ;D ;D ;D ;D

lahat na ng love nandito na sa abroad

endless love forbidden love puppy love unconditional love atbp....  ;D ;D ;D

Kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa bawal na relasyon tiyak maraming magre-react at ang una mong maririnig sa kanila, “buhay ko ‘to anong pakialam mo?" Ito ang marahas nilang kasagutan kapag guilty ang isang tao, sabay-taas ng boses at maghahamon ng away.

Sa pagkakataon na ito ay isasalaysay ko ang aking nalalaman at kung sino man ang tatamaan ay wala akong pakialam. Ito’y kwento na maaring naganap na o kasalukuyang nagaganap sa buhay mo o kakilala mo. Pasintabi po sa matatamaan, masakit kapag ang katotohanan ang siyang pag-uusapan. H’wag mong sasabihin sa akin na ako ang pinatatamaan nito dahil wala akong binabanggit na pangalan at hindi kita kilala at lalong hindi ka nag-iisa sa ganitong sitwasyon. Kung natatamaan man kita pasensya na, napag-usapan lang at walang personalan. Ika nga, “bato-bato sa langit, ang tamaan sorry."

Ang pag-aabroad ay isang malaking hamon sa buhay na dapat harapin, uunawain at handang magsakripisyo sa maraming bagay. Katulad ng pangungulila sa mga anak, sekswal na pangangailangan bilang mag-asawa, pangungulila sa buong pamilya at maging sa bayang minamahal.

Minsan dumarating sa buhay ng tao ang pangungulilang sekswal at ito’y normal sa isang tao maging binata o dalaga. Lalo na sa OFW na may asawa na hindi maiiwasan na malayo sa piling ng kanyang kabiyak. Ang masaklap nito kapag ang babae o lalaki ang mag-aabroad tiyak may milagrong magaganap – pero hindi ko naman nilalahat.

Uulitin ko, hindi lahat dahil may kababayan tayong tunay na dakila na may takot sa Diyos at kayang paninindigan ang sagradong kasal bilang mag-asawa. Sila ay tunay na kahanga-hanga.

Pag-uusapan po natin ang kasuklam-suklam na pananabik na kung saan ito’y nagdudulot ng malaking kasiraan sa pamilya. Kapag ang isang tao ay gumagawa ng kabalbalan ay tiyak marami siyang paraan at lahat ng kasinungalingan ay patuloy niyang gagawin kahit ito’y may mawawasak na pamilya. Hindi baleng masira ang pamilya basta’t masunod ang kaligayahan dulot ng “tawag ng laman." Akala nila ligtas na sila sa paningin ng asawa, subalit sa mata ng Diyos ay wala silang maitatago kapatid.

Una, maririnig mo sa kanilang mga labi ang mga masasakit na salita laban sa kani-kanilang mga asawa tulad ng walang silbi o walang kwentang tao. Pararatangan na may kalaguyo o may kabit, binubogbog ako, adik at kung ano-ano pang paninira. Nandyan rin na sasabihing hiwalay na ako sa asawa, o ‘di kaya biyuda o biyudo na ako nito lang nakaraang taon o buwan. Ito ang madalas mong maririnig sa mga taong nasusukuban ng “init ng laman" at "pagkukunwari."

Tingnan mo naman, buhay pa ang kani-kanilang mga asawa ay pinapatay na. Kung ano-anong paninirang puri ang gagawin upang mapagbigyan lang ang kanilang pagnanasa. Kung mapagmamasdan mo sila daig pa ang mga dalaga’t binata kung magligawan sa isang sulok. Kung maglambingan akala mo’y mga “love birds" na sabik na sabik sa isa’t- isa. Ikaw na lang ang mahihiya sa pinaggagawa nila.

Parang mga batang nagsusumbungan ng kani-kanilang mga hinaing o tampo sa pamilya na akala mo’y aping-api. Ito’y isang palabas upang mabigyan ng atensyon para kaawaan at mahulog ang loob ng bawat isa. Ang lakas din ng mga apog at hindi nila inaalinta kung ano ang kahihinatnan nito kapag makarating sa kani- kanilang mga pamilya. Basta sila masaya sa kanilang ginagawa at sasabihin nila sa iba na, “inggit ka lang."

Ang nakatatawa pa, may mga kababayan tayo na magkalaguyo na halos mag-lolo o mag-lola na. Patunay na basta sa tawag ng laman, walang pinipiling edad at para bang kung kailan tumanda saka kumarengkeng! Ang kapal din ng mukha ano? Paano mo igagalang ang ganitong klaseng tao na sarili mismo nila ay hindi iginalang. Kung sino pa iyong matatanda na ay sila pa itong nagiging pasaway (pero hindi naman po lahat).

Ang sabi nga ng iba, may tatay ka na may lolo ka pa o kaya naman may nanay ka na may lola ka pa, saan ka pa? Yung hindi nila nagawa sa Pinas dito sa abroad ay malaya nilang magagawa kahit mabilad sa kahihiyan ang kanilang pamilya. Kawawang pamilya dahil sa pag-aabroad maraming nawasak na tahanan, at nagkaletse-letse ang buhay dahil sa tawag ng laman.

Hindi nila kayang tiisin ang init ng katawan at kadalasang nangingibabaw pa rin ang pagnanasa. Ang masaklap nito, talo lagi ang mga babae kapag nabubuntis dahil hindi na sila makauwi sa kanilang pamilya at magtatago na lang sa isang liblib na lugar. Ang iba ay pinapalaglag ang kanilang dinadala upang itago ang tunay na pangyayari at kahihiyan.

Ang sabi nga nila para tumagal ka sa pag-aabroad kailangang magkaroon ng mama o papa. Ito ay subok na raw na panandaliang relasyon na walang commitment sa isat-isa habang nasa abroad. Pagdating sa Pinas ay tapos na rin ang kanilang naging ugnayan. Sino ang niloloko mo?

Kung naisahan mo man ang asawa mo sa pangloloko mo, hindi ang Diyos. May pananagutan ka sa Kanya. Ang lahat ng masasamang gawa ay may kaparusahan at maaring hindi sa iyo mangyayari, maaring sa anak mo, sa mga magulang mo o sa mga mahal mo sa buhay. Silang ang magiging kapalit sa lahat ng panlolokong ginawa mo sa kapwa. Maaring hindi pa nangyayari ito sa’yo ngayon pero sa ibang panahon at pagbabayaran mo ang iyong kasalanan, mararamdaman mo ang kaparusahan.

Kaya kung hindi ka titigil sa panloloko sa kapwa at sa asawa mo, ikaw rin baka mangyari sa iyo ang kaparusahan ng Diyos. Ang kasalanan ay may katapat na kaparusahan. Alin ang pipiliin mo: sarap, kaparusahan o kaligtasan?

Pangalawa, mayroon din tayong mga kababayan na ma-babae o lalake na kahanga-hanga at karapat-dapat na ipagmamalaki. Ito ay dahil sa kanilang katapatan sa pamilya, lubos na pagmamahal sa mga anak at asawa at higit sa lahat may takot sa Diyos. Mangilan-ngilan lamang sila na may tunay na puso’t diwa at may masidhing paninindigan kapag sila’y mapawalay sa pamilya. Kabayan kung ikaw ay isa sa mga ito, ikinararangal ka namin at nawa’y mananatili kang matatag at tiyak sumaiyo ang Diyos.

Ito ang mga taong may paninindigan sa sarili at kayang harapin ang ano mang mga pagsubok sa buhay. Hindi nila tinatalikuran ang malaking responsibilidad na inaatang bilang ama o ina sa kanyang pamilya. Hindi ipagpapalit ang dangal dahil lamang sa “kapirasong laman" o “panandaliang aliw." Ayaw nilang dungisan, sirain o ipahamak at ilagay sa kahihiyan ang ang buo nilang pamilya. Sa atin ang kapasyahan at sa Kanya ang kasagutan.

guys dont try to curse me bcoz this is only my opinion

Re: me pamilya sa pinas na me kalaguyo sa ABROAD - tawag ng laman nga ba
« Reply #1 on: April 19, 2009, 03:47:22 am »
 ::) ::) ::) ::moreinfo
guys dont try to curse me bcoz this is only my opinion

Khaye Garcia

  • Why be self conscious about something you can't change?
  • Certified SpyGirl
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6161
  • Karma 2
  • Gender: Female
  • Maglaway ka!!
    • Khaye Garcia
Re: me pamilya sa pinas na me kalaguyo sa ABROAD - tawag ng laman nga ba
« Reply #2 on: April 19, 2009, 07:15:00 am »
Tay0 ang gumagawa ng sarili nating "buhay"

Kung kaya m0ng panindigan ang bawat desisy0ng gagawin m0 sa buhay m0 at harapin  ang mga c0nsequences n0n.. then g0!

An0 ba naman ang mgagawa ng mga ibang ta0 sa paligid m0?

Tsismis?eh kahit naman walang ginagawang masama ang isang ta0..ang tsismis anjan lang sa tabi tabi..
Tak0t sa Diy0s?gaya nga ng sabi ko..nasa ta0 yun!Lahat ng nangyayari sa buhay natin,may tak0t man tay0 o wala sa Maykapal...Lahat...May RAS0N!

smoking::

"Some live at peace with themselves and with those around them. Some on the other hand, have no peace within themselves, and they seem determined to ruin the peace of others.

boin_bias

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 870
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • Be modest, humble, simple. Control your anger.
Re: me pamilya sa pinas na me kalaguyo sa ABROAD - tawag ng laman nga ba
« Reply #3 on: April 19, 2009, 10:26:43 am »
hindi naman lahat ng tao pareho..some are so weak pagdating sa ganitong bagay ''tawag ng laman''..but as long u can practice humility,then do it..walang masama sa ''tawag ng laman'' as long as ur not crossing and ruining anybody's life..well if u did,then face and accept the future outcome of ur actions..
You are stronger than you seem, smarter than you think...

miguelitos

  • I live by the rules, though sometime better ignore it!!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 840
  • Karma 7
  • Gender: Male
  • Proud to be Espiya!!!!
Re: me pamilya sa pinas na me kalaguyo sa ABROAD - tawag ng laman nga ba
« Reply #4 on: June 06, 2009, 07:32:37 am »

aba anu magagawa natin, may tao talagang laging na fifirst LOVE..  ;D ;D ;D.

but mas talamak talag sa abroad...yan ang realidad..may pamilya o wala pag nasa ibang bansa lahat binata!!!

chadz211

  • 2009 Cavaliers
  • Citizen
  • *
  • Posts: 3
  • Karma 0
Re: me pamilya sa pinas na me kalaguyo sa ABROAD - tawag ng laman nga ba
« Reply #5 on: June 26, 2011, 04:18:19 am »
 ::goldfingerplease finger4u :applause toast:: toast:: thanks bro....

oploook

  • Chiq Crawler
  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 249
  • Karma 10
  • Gender: Male
Re: me pamilya sa pinas na me kalaguyo sa ABROAD - tawag ng laman nga ba
« Reply #6 on: July 13, 2011, 10:07:44 am »
3 things lang yan mga kaespiya...

1. kapabayaan
2. kalibugan
3. discontentment
http://www.speedtest.net/result/1492626908.png

Oploook without the "p" is something YUMMY! for GIRLS ONLY

nmarc2001

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 998
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: me pamilya sa pinas na me kalaguyo sa ABROAD - tawag ng laman nga ba
« Reply #7 on: July 13, 2011, 12:22:36 pm »
eto ay sulat ni Ramon Aure   

AT SUMASANG AYUN AKO KC YAN ANG TOTOO NOT TO ALL BUT HMMMM NO COMMENT  ;D ;D ;D ;D

lahat na ng love nandito na sa abroad

endless love forbidden love puppy love unconditional love atbp....  ;D ;D ;D

Kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa bawal na relasyon tiyak maraming magre-react at ang una mong maririnig sa kanila, “buhay ko ‘to anong pakialam mo?" Ito ang marahas nilang kasagutan kapag guilty ang isang tao, sabay-taas ng boses at maghahamon ng away.

Sa pagkakataon na ito ay isasalaysay ko ang aking nalalaman at kung sino man ang tatamaan ay wala akong pakialam. Ito’y kwento na maaring naganap na o kasalukuyang nagaganap sa buhay mo o kakilala mo. Pasintabi po sa matatamaan, masakit kapag ang katotohanan ang siyang pag-uusapan. H’wag mong sasabihin sa akin na ako ang pinatatamaan nito dahil wala akong binabanggit na pangalan at hindi kita kilala at lalong hindi ka nag-iisa sa ganitong sitwasyon. Kung natatamaan man kita pasensya na, napag-usapan lang at walang personalan. Ika nga, “bato-bato sa langit, ang tamaan sorry."

Ang pag-aabroad ay isang malaking hamon sa buhay na dapat harapin, uunawain at handang magsakripisyo sa maraming bagay. Katulad ng pangungulila sa mga anak, sekswal na pangangailangan bilang mag-asawa, pangungulila sa buong pamilya at maging sa bayang minamahal.

Minsan dumarating sa buhay ng tao ang pangungulilang sekswal at ito’y normal sa isang tao maging binata o dalaga. Lalo na sa OFW na may asawa na hindi maiiwasan na malayo sa piling ng kanyang kabiyak. Ang masaklap nito kapag ang babae o lalaki ang mag-aabroad tiyak may milagrong magaganap – pero hindi ko naman nilalahat.

Uulitin ko, hindi lahat dahil may kababayan tayong tunay na dakila na may takot sa Diyos at kayang paninindigan ang sagradong kasal bilang mag-asawa. Sila ay tunay na kahanga-hanga.

Pag-uusapan po natin ang kasuklam-suklam na pananabik na kung saan ito’y nagdudulot ng malaking kasiraan sa pamilya. Kapag ang isang tao ay gumagawa ng kabalbalan ay tiyak marami siyang paraan at lahat ng kasinungalingan ay patuloy niyang gagawin kahit ito’y may mawawasak na pamilya. Hindi baleng masira ang pamilya basta’t masunod ang kaligayahan dulot ng “tawag ng laman." Akala nila ligtas na sila sa paningin ng asawa, subalit sa mata ng Diyos ay wala silang maitatago kapatid.

Una, maririnig mo sa kanilang mga labi ang mga masasakit na salita laban sa kani-kanilang mga asawa tulad ng walang silbi o walang kwentang tao. Pararatangan na may kalaguyo o may kabit, binubogbog ako, adik at kung ano-ano pang paninira. Nandyan rin na sasabihing hiwalay na ako sa asawa, o ‘di kaya biyuda o biyudo na ako nito lang nakaraang taon o buwan. Ito ang madalas mong maririnig sa mga taong nasusukuban ng “init ng laman" at "pagkukunwari."

Tingnan mo naman, buhay pa ang kani-kanilang mga asawa ay pinapatay na. Kung ano-anong paninirang puri ang gagawin upang mapagbigyan lang ang kanilang pagnanasa. Kung mapagmamasdan mo sila daig pa ang mga dalaga’t binata kung magligawan sa isang sulok. Kung maglambingan akala mo’y mga “love birds" na sabik na sabik sa isa’t- isa. Ikaw na lang ang mahihiya sa pinaggagawa nila.

Parang mga batang nagsusumbungan ng kani-kanilang mga hinaing o tampo sa pamilya na akala mo’y aping-api. Ito’y isang palabas upang mabigyan ng atensyon para kaawaan at mahulog ang loob ng bawat isa. Ang lakas din ng mga apog at hindi nila inaalinta kung ano ang kahihinatnan nito kapag makarating sa kani- kanilang mga pamilya. Basta sila masaya sa kanilang ginagawa at sasabihin nila sa iba na, “inggit ka lang."

Ang nakatatawa pa, may mga kababayan tayo na magkalaguyo na halos mag-lolo o mag-lola na. Patunay na basta sa tawag ng laman, walang pinipiling edad at para bang kung kailan tumanda saka kumarengkeng! Ang kapal din ng mukha ano? Paano mo igagalang ang ganitong klaseng tao na sarili mismo nila ay hindi iginalang. Kung sino pa iyong matatanda na ay sila pa itong nagiging pasaway (pero hindi naman po lahat).

Ang sabi nga ng iba, may tatay ka na may lolo ka pa o kaya naman may nanay ka na may lola ka pa, saan ka pa? Yung hindi nila nagawa sa Pinas dito sa abroad ay malaya nilang magagawa kahit mabilad sa kahihiyan ang kanilang pamilya. Kawawang pamilya dahil sa pag-aabroad maraming nawasak na tahanan, at nagkaletse-letse ang buhay dahil sa tawag ng laman.

Hindi nila kayang tiisin ang init ng katawan at kadalasang nangingibabaw pa rin ang pagnanasa. Ang masaklap nito, talo lagi ang mga babae kapag nabubuntis dahil hindi na sila makauwi sa kanilang pamilya at magtatago na lang sa isang liblib na lugar. Ang iba ay pinapalaglag ang kanilang dinadala upang itago ang tunay na pangyayari at kahihiyan.

Ang sabi nga nila para tumagal ka sa pag-aabroad kailangang magkaroon ng mama o papa. Ito ay subok na raw na panandaliang relasyon na walang commitment sa isat-isa habang nasa abroad. Pagdating sa Pinas ay tapos na rin ang kanilang naging ugnayan. Sino ang niloloko mo?

Kung naisahan mo man ang asawa mo sa pangloloko mo, hindi ang Diyos. May pananagutan ka sa Kanya. Ang lahat ng masasamang gawa ay may kaparusahan at maaring hindi sa iyo mangyayari, maaring sa anak mo, sa mga magulang mo o sa mga mahal mo sa buhay. Silang ang magiging kapalit sa lahat ng panlolokong ginawa mo sa kapwa. Maaring hindi pa nangyayari ito sa’yo ngayon pero sa ibang panahon at pagbabayaran mo ang iyong kasalanan, mararamdaman mo ang kaparusahan.

Kaya kung hindi ka titigil sa panloloko sa kapwa at sa asawa mo, ikaw rin baka mangyari sa iyo ang kaparusahan ng Diyos. Ang kasalanan ay may katapat na kaparusahan. Alin ang pipiliin mo: sarap, kaparusahan o kaligtasan?

Pangalawa, mayroon din tayong mga kababayan na ma-babae o lalake na kahanga-hanga at karapat-dapat na ipagmamalaki. Ito ay dahil sa kanilang katapatan sa pamilya, lubos na pagmamahal sa mga anak at asawa at higit sa lahat may takot sa Diyos. Mangilan-ngilan lamang sila na may tunay na puso’t diwa at may masidhing paninindigan kapag sila’y mapawalay sa pamilya. Kabayan kung ikaw ay isa sa mga ito, ikinararangal ka namin at nawa’y mananatili kang matatag at tiyak sumaiyo ang Diyos.

Ito ang mga taong may paninindigan sa sarili at kayang harapin ang ano mang mga pagsubok sa buhay. Hindi nila tinatalikuran ang malaking responsibilidad na inaatang bilang ama o ina sa kanyang pamilya. Hindi ipagpapalit ang dangal dahil lamang sa “kapirasong laman" o “panandaliang aliw." Ayaw nilang dungisan, sirain o ipahamak at ilagay sa kahihiyan ang ang buo nilang pamilya. Sa atin ang kapasyahan at sa Kanya ang kasagutan.

ano ba talaga ang punto mo kaya ba isulat ng isang sentense , haba

staticskye

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 25
  • Karma 0
Re: me pamilya sa pinas na me kalaguyo sa ABROAD - tawag ng laman nga ba
« Reply #8 on: August 17, 2011, 06:07:36 am »
 finger4u

chiraz patrick toast::