Alam ko madami na tayo mga kaibigan dito sa ME. and like me, 2nd Ramadan ko na dito sa Bahrain.
Base on my knowledge eto yung mga bawal:
1. bawal kumain ng kahit anong food, bawal uminom, or bawal ngumuya ng bubblegums or candy in public place.
(pwede bumili sa mga cold store pero be sure na nakaplastic and hindi sila mapapansin)
2. bawal magyosi
3. bawal ang alak (actually, as far as i know e sarado mga bilihan ng alak dito pag Ramadan kaya yung iba e nagstock na good for 1 month! hehehehe)
And remind ko nga din pala na kahit nasa kotse or nasa transport ka, basta may nakakita sayo na umiinom or ngumunguya ka e pwede ka ipahuli kaya be sure na walang nakakakita sayong mga Kapatid natin na Muslim kung kakain ka)
Pero paglubog ng araw, normal na uli.